b

4 0 0
                                    

 “hahaha! Yung bola dali kunin nyoooo”

“uwaaaahh saluhin mo!!!”

“oy yung bolaaaa”

K. ang ingay. =_=

Nandito ako ngayon sa isang park. ewan ko ba’t ang hilig maglaro ng mga batang ‘to dito. Palayasin ko kaya? Hhahahahah! Pwede rin. Eh ako naman ang may ari neto.

“hoy tabi nga jan!” sabi nung maarteng babae sa ken. Wow feeling maganda eh maputi lang. tsk!

“hindi mo ba ako narinig! Tabi jan sabi ko! Bingi ka ba?!”

Okay, para wala ng usapan, tumabi na ako. Ang kapal nun ah. Ako na nga itong nakaupo dito sa pavements  at take note naka upo ako ng maayos at hindi naman ganun kalaki yung space na na-occupy ko.. tapos kailangan ko pa daw tumabi kasi dadaan sya. Wow…super WOW! Anu sya dambuhalang kapre na hindi magkasya dito? Tsk.

Kaya nga ayokong makisali sa ‘mundo’ nila eh. feeling importante eh pare-pareha lang namang kumakain ng bigas at umiinom ng tubig. Mabuti sana kung pako ang kinakain nila atleast dun tlagang pwede silang magpa-importante, one of a kind eh.

“kuya! Kuya!”

Nawala ako sa pagiisip nung may humawak sa damit ko. Isang batang babae. At isa lang ang masasabi ko sa kanya. CUTE. Sana makita ko na din yung sister kong si Nicole. Miss na miss ko na yun eh. at sa hinuha ko ay makasin-edad lang sila ng batang ito na nangungulo sa buhay ko.

“bakit?” (̑_̑)

“ano…gusto nyo po?” sabay pakita nya sa akin nung hawak nyang tinapay. Mukha ba akong nagugutom? O patay gutom? O gutom-gutom man?

“hmmm… ambait mo naman” kukunin ko na sana kaso..

“Lily!”

Lumapit sa amin yung babae kanina na makapal ang mukha.pati make up na din.

“bakit ka lumalapit sa mga ganyan? Did you know na madaming germs yan? Baka magkasakit ka pa nyan ehh” saka nya hinila yung bata palayo sa akin. Tssss.

Oo na! alam ko namang mukha akong taong hindi katiwa-tiwala sa suot ko ngayon. Naka shorts at damit na kulay itim na punit-punit at malaki ang size. Pero hindi naman madumi kayaga sa mga taong grasa. Magulo yung buhok ko… or let me say…yung wig. Eto talaga ang ginagamit kong wig yung mukhang hindi nasusuklayan. Tsaka ako nakasuot ng makapl na salamin, yung pang geek ba. Pero wala namang grado. Saka ko drinowingan ang mukha ko para kunwari madaming pimples at blackheads. Tsenas lang ito.  Ayoko kasing may makakilala sa akin dito. Ayoko at AYOKO.

 Tumayo ako. Nabobored na ako dito. At saktong pagtayo ko ay nahulog yung ID. Yung ID na naiwan nung babae kahapon sa jeep. Kundi din kasi tanga-tanga yung babae edi sana nasakanya ito ngayon. At sana wala akong problema sa paghahanp kung saang parte sya ng probinsyang ito nakatira.

Pwede ko namang ibigay na lang ito sa isa sa mga utusan ng ama ko at sa kanila ko na lang ipahanap at ipasauli. Kaso kasi… gusto ko ako mismo ang makakita sa kanya.  reason why? Wala lang. I find her cute kase kahapon nung tinry nya akong isnabin pero hindi naman nagwork kasi para lang syang nagpapacute. Hahahahah. Tsaka parang makakasundo ko sya. Parang friendly naman eh.

And I want to make new and real friends. Sa tanang buhay ko iisang tao pa lang ang itinuring kong totong kaibgan. He’s L.K. Tamina. Hindi ko din kasi alam yung given name nya. Ayaw nyang sabihin sa akin. ewan ko ba dun sa lalaking yun at para name lang ay ayaw pang sa aki’y ipaalam. He’s living in london with his lola. Sa skype lang kami nakakapagusap pero thrice a year kami kung mag-meet. Every new year, vacation at pag bday ko. Odiba ang sweet lang? hahahaha. Kadiri. Hidni ko bagay maging bakla XD pero every bday ko kasi ka-birthday ko daw yung special someone nya. Kala ko nga dati nababakla na sya sa kagwapuhan ko eh, kung hindi lang sya nagpasama sa akin nun na magplan kung anong sorpresa ang gagawin nya para dun sa girl.

At ang swerte nung babae sa kanya.

TOOOOOOGGSHHHHHHHH

“arekupo!”

“ouch! Pwede baaaaa!!!”

“so-sorry miss”

Inalok ko yung kamay ko sa kanya, napaupo kasi sya sa damuhan dahil yata sa lakas ng impact nung magkabunguan kami. Teka. .. sya nga! Sya yung babaeng maarte! Geez

“no thanks. I still love myself at ayokong magkasakit dahil mo”  she roled her eyes heavenwards saka nya sinimulang kuhanin yung mga gamit nya na natapon. “get outta here already! Kanina mo pa ako napeperwisyo!”

“uy ang kapal mo naman.”

Oy hindi ako nagsabi nun ah. May dumating kasing babae na tumulong dun sa nakabunguan ako saka nya tinulungang makatayo.

“what’s your f.cking problem b.tch?”

“to tell ya the truth…your face is my f.cking problem slut.” Saka nya iniabot dun sa babaeng nakabanggaan ko yung mga gamit na pinulot nya kanina. “here’re your things”

Kinuha na lang nung babaeng nasabihan ng slut yung mga gamit nya at padabog na umalis. :P mabuti nga. Ansama kasi ng ugali eh. hindi naman maganda :P alam ko nasabi ko na ito kanina, pero gusto kong ipamukha sa kanya eh. HINDI SYA MAGANDA.

“uy” napitlag ako dun “pasensya ka na dun huh, half sister ko yun. hindi talaga maganda ang ugali sa mga” tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. K. alam kong panget ang hitsura ko ngayon. “nevermind. Anyway ako si Laq”

“ice” at nakipag shake hands na ako sa kanya. actually hindi naman talaga ice ang pangalan ko. Wala lanag talaga akong maisip na iba at saktong nadaan sa tabi namin yung nagtitinda ng ice cream kaya Ice na lang yung nasabi ko

“cool name. literally” tumawa sya ng mahina. “nice meeting you Ice. Yung kapatid ko kanina na inaway ka…sya si Lena, then yung bata naman kanina na inaalok ka ng tinapay, she’s Lily. Bunso namin” (◠‿◠)

“ahh” yun lang nasabi ko. Wala eh nabighani ako sa ganda ng smile nya. Ang ganda nya.

“well, halika libre na lang kita ng ice cream” sabay hinawakan nya yung wrist ko “tara”

“naku h-hwag na”

Nagpout sya. Ang cute.

“sige na. pampalubag loob na lang dun sa ginawa ng kapatid ko sa iyo ….please?”

“Hi---”

Nagulat na lang ako ng may biglang tumalon mula sa likod ko saka yumakap sa akin, na-out of balance tuloy ako at nasubsob ang mukha sa damuhan. Tsk! Pasamalat ‘to malamot yung mga damo, kundi ipapabitay ko talaga to pag nasira ang gwapo kong mukha!

“anssss!”

O____________________O!

“L-L.K?!”

THAT GUY IN THE JEEPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon