d

8 0 0
                                    

Six days ago na simula nung gulatin ako ni LK ng bisita sa park na pag-aari ko. Kumag talagang yun, pwede naman kasi nya akong tawagan na lang para nasundo ko sana sa airport.

Six days ago na rin simula nung makitira sya ditto sa kwarto ko. May bahay naman sya, anlaki pa nga, pero ewan ko ba mas gustong tumambay dito.  Siguro crush nya yung bago naming katulong, sexy saka maganda eh. Akala mo galing sa isang mayamang pamilya, ganda kasi ng kutis, ng mukha, ng katawan at ang ganda din ng taste sa mga damit. Magkasundong-magsundo tuloy sila ni ate =_= parang hindi na tuloy katulong ang role nun dito s bahay, parang bisita sya ni ate.

“brod, tara sa dati”

“eh? Pass muna ako brader”

“osigi, kaw bahala”

Hindi ko na sya kinulit parang busy din kasi, simula nung makitira yan dito hindi na naalis yung mga mata nya sa laptop nya. Kung maalis man eh dadalaw naman sa katawan nung katulong na sinasabi ko kanina, yung maganda, hindi ko kasi alam yung pangalan. Tsaka hindi ko nga rin alam kung naliligo pa yan eh.

“pasalubungan mo na lang pala ako ng beer”

“ayaw mo ba talaga?”

“may ginagawa pa ako”

Hays. Iniwan ko na sya duon sa kwarto. Amboring talaga nun, wala manlang social life. Hindi katulad ko, sikat. Haha. Diretso nga pala ako ngayon sa hideout club. Pag-aari ni LK. Bumi-business kumpare ko eh.

“hey gorgeous”

“pogi”

“hey”

“pstt.. handsome”

“mister pogi”

“amp!”

“suplado naman nito”

Nakoww. Puros mga naglalandiang babae ang nagsasabi sa akin ng mga yan. Hindi naman talaga ako snobbish type ng lalaki. Sa katunayan nga ay ang daldal ko. Halata naman diba? Hindi ko lang talaga gustong mapalapit sa mga bitches kung tawagin ng iba. Wala akong time makipaglaro sa kanila.

“pstt”

Hindi ko pinansin

“psstttt!”

“oii”

“hoy!!”

Hindi ko pa rin pinapansin, naglalaro kasi ako ngayon sa cellphone ko.

“nice talking, Keith.”

That very moment ng pagkabigkas nya nun, napa-angat ang ulo ko ng wala sa oras. It’s just that, bilang masyado ang mga taong nakaka-alam na may second name pa ako bukod sa Lance.

Well to be honest with you, ayoko talaga ng pangalan kong Keith. Ang pangit kasi pag pinagsamang bigkasin ang Lance at Keith. Parang landscape. Try nyo man. Lance Keith.

Oh diba?

“who’re you?”

“ang bilis makalimot…tsk tsk tsk” (-_- )( -_-)(-_- ) “Lianna ‘to boy!” saka nya ako hinampas sa balikat. Ang sakit hah. “nag-college lang tayo, hindi mo na ako kilala. Tsk!”

“pshh”

“yun lang? pssh? Hindi man lang sasabihing imiss you, how are you?”

“pwede naman kasing umupo ka muna kung gusto mong makipag kwentuhan, pede rin naman kasing inapproach mo ako ng mas maayos hindi yung simu-sitsit ka.”

“fine”

Saka sya umupo sa tabi ko. Pinulupot pa nya yung kamay nya sa braso ko. Tsk! Feelingera talagang babae ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THAT GUY IN THE JEEPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon