Coleen's POV:
May nakita akong babae na papunta sa isang nabanggang kotse
Hindi ko masyadong nakita yung mukha niya pero nakita ko na may kinukuha siya sa bag niya at napagtanto ko na isa iyong baril
Itinutok niya iyon sa babae na nasa kotse ng biglang
"Coleen! Bumangon ka na nga dyan at malalate ka na"
rinig ko na sabi ni mommy
"Opo babangon na po" sabi ko
Nakakainis naman naputol yung panaginip ko
Haay makaligo na nga lang at baka mapalo pa ako at mapagalitan
*After 30 minutes*
Sa wakas! tapos na rin akong maligo
Bumaba na ako sa sala at naabutan ko si mommy at daddy
Hindi kami masyadong mayaman yung may kaya lang
"Goodmorning!" bati ko sa kanila
"Anak! Huwag ka ngang manggulat diyan"
"Sorry po"
Hinalikan ko na sila sa cheeks at sabay na kami kumain
•••
Nandito na ako sa classroom at hinihintay ko na lang yung teacher namin
Ay! Nakalimutan ko pala magpakilala sa inyo
Okay ako si Coleen Angela Cruz 22 years old 4th year college na at taking up Business Management
Ewan ko ba dyan kay mommy at gusto eto yung kunin kong course pero ok lang naman sa akin
Minsan nga naiisip ko kung hindi na lang kaya ako mag madre tutal maka diyos naman ako pero joke lang iyon
Ayan tapos na ako magpakilala hahanapin ko muna yung baliw kong bestfriend
Nilibot ko yung paningin ko sa classroom haay wala pa ring pinagbago late nanaman siya
*Ringg ringg*
Saktong pag tunog ng bell ang pagpasok ng aming guro
"Good morning class"
Tumayo kami at bumati rin
"Good morning"
At pagkatapos nun ay nagcheck na ng attendance
Napapikit na lang ako ng banggitin yung baliw kong bestfriend
"Ms. Romualdez?"
"Ms. Romualdez?"Inulit ulit ni Ma'am
Ilalagay na dapat ni Ma'am na absent siya ng biglang bumukas yung pinto at pumasok dito ang baliw kong bestfriend
"Sorry Ma'am I'm late" habang hinihingal siya
"It's okay Ms. Romualdez but next time you should not be late again, Understood?"
Buti na lang mabait ang adviser namin
"Yes Ma'am"
At umupo na siya sa tabi ko
"Bakit ka nanaman late?"
"Eh kasi na late ako ng gising"
"Wala namang ipinagbago doon eh"
"Huwag kang mag alala bestfriend"
"Bakit? Hindi ka na ba malalate ulit?"
"Hindi"
"Eh ano?"
BINABASA MO ANG
Living With Lies
AçãoPaano? Bakit? yan ang mga tanong na gusto ko ng masagot nila dahil nahihirapan na ako.