“KUYA! KUYA!”
Nilingon ng batang lalaki ang nagmamay-ari ng nasabing boses. Napansin niya ang isang batang babae na humahangos papalapit sa lugar niya. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ng batang lalaki habang tinitingnan niya ito. Ilang saglit pa’y huminto ang batang babae, hingal na hingal ito at animo’y hinahabol ang sariling hininga.
“O, dahan-dahan lang Janice. Sa’n ka ba kasi galing at ngayon ka lang?”, natatawang tanong ng batang lalaki.
Inangat ng batang babae ang mukha at tumingin sa batang lalaki – ngunit sa pagkakataong iyon ay naniningkit ang mga mata nito na para bang naiinis.
“Pfft! Sabi mo kasi, dun tayo sa may playground mag-i-star gazing kaya dun ako dumiretso kangina. Pero wala ka naman dun. Tinanong ko si Ms. Sarmiento kung nasa’n ka. Ang sabi niya,nandito ka daw kaya nagmamadali akong pumunta dito.”
Nangingiting napailing na lamang ang batang lalaki habang nakasimangot pa ring inalis ng batang si Janice ang pansin rito. Hindi sinasadyang nabaling ang pansin ng batang lalaki sa kalangitan. Agad-agad na namilog ang nangungusap at mapupungay nitong mga mata kasabay ng muling pagsilay ng matatamis nitong ngiti sa labi.
“Tara na, Janice! Pumunta na tayo sa rooftop!”
Mabilis na hinawakan ng batang lalaki ang kamay ni Janice sabay hila rito.
“T-Teka Kuya Joey, sandali!”
Mabilis na tinungo ng siyam na taong gulang na si Joey ang hagdanan papunta sa rooftop ng bahay-ampunan na kanilang tinitirhan, hawak-hawak ang bisig ng nakababatang kapatid. Wala namang nagawa ang kakambal nitong si Janice kundi ang magpatangay na lamang sa ginawang iyon ng kanyang Kuya. Pinauna siyang paakyatin ng nakakatandang kapatid sa mismong hagdanan. Nang matantiya niyang nakaakyat na ito ay saka naman siya sumunod. Hinintay ni Janice na makaakyat ng tuluyan ang Kuya niya nang marating niya ang rooftop. Nakaramdam siya ng lamig nang biglang umihip ang malamig na simoy ng hangin. Hindi naman nalingid iyon kay Joey nang maitapak na nito ang mga paa sa rooftop. Agad niyang inalis ang backbag na dala mula sa likuran at kinuha doon ang tila isang blanket. Iniyapos niya ito sa kakambal – na siyang naramdaman agad ng huli.
“Hindi ka naman masyadong ready niyan, Kuya?”, natatawang sambit ni Janice.
“Reklamo ka pa eh. Siyempre no! Basta para sa ‘yo,lagi akong handa. Saka alam kong malamig dito kaya ninakaw ko pa ‘yan sa may blanket storage ni Mrs. Agueda.”
Tila may pagka-cheeky ang ngiting iyon ni Joey, kaya naman hindi naiwasan ni Janice ang mapahagikgik muli. Hindi na nag-aksaya pa ng panahon ang kambal. Mabilis na naupo si Joey malapit mismo sa may hangganan ng rooftop, samantalang umupo na rin sa tabi nito ang kakambal na si Janice. Magkasabay nilang pinagmasdan ang buong kalangitan, partikular na ang marami at nagniningning na bituin. Nakaugalian na kasi nilang magkapatid ang pumunta paminsan-minsan sa rooftop kapag ganitong maraming bituin. Naroroong panay ang kwentuhan nilang dalawa habang pinagmamasdan ang mga iyon, maging ang bigyan nila ng kani-kaniyang pangalan ang mga mas malalaking stars na pareho nilang nakikita. Bakas na bakas sa mukha ng magkakambal ang kakaibang saya at ningning sa kanilang mga mata habang patuloy nilang pinagmamasdan ang buong kalangitan – na tila ang mga bituin ang siyang pumapawi sa kalungkutan at mga tanong na patuloy na gumugulo sa musmos nilang isipan at puso ...
BINABASA MO ANG
A Fan's Dream (Book 2) [On Hold]
Fanfiction"When I look at my life, Seeing how the pieces fall into place, It just wouldn't rhyme, without you ... When I see how my path, Seem to end up before your face, The state of my heart, The place where we are, It's all written in the stars ...."