Last Middle

2 0 0
                                    

Kaya ko sinaad na "last middle" sapagkat dito nagtatapos ang pagkukwento ko ngunit hindi ang kwento ko. Marami oang mangyayari sa akin sa hinaharap na hindi ko alam.

______

Isang araw habang naliligo ako ay may nararamdaman akong tao sa gilid ng banyo kung saan may malalaking butas. Ang buong pag-aakala ko ay isa iyon multo na nagpaparamdam sa akin. Dahil madalas ako makaramdam ng mga yapak. Hindi ako nakakakita ngunit marami akong naririnig. Malakas ang aking pandinig. At nasanay na ako sa mga ganong tunog pero ngayon ang ipinagtataka ko lamang ay pawang umaga kung kaya hindi yun Maaari. Habang nagkukuskos ako ng buhok at may ulo akong nakita sa malaking butas na iyon ang sigaw ay hindi lumabas sa aking bibig dahil sa takot ko na baka pasukin niya ako sa cr na ito.


Nanginging ang mga tuhod kong pumasok sa aking kwarto at agad nagbihis. Sinaad ko iyon sa aking magulang ngunit sinabi nilang kalimutan na lamang iyon. Kahut noon pa ay alam kong di ko na nararamdamang mahal nila ako. At naipupukol ang mga iyon sa aking nakababatang kapatid. Wala na akong maramdaman kundi lungkot ngunit hirap sa pagluha.

Ngunit kahit na ganoon ay hindi ako sumusuway sa aking magulang. Kahit na ang tatay ko ay lagi akong sinisigawan. Wala na akong magagawa.

Ngunit kahit ganoon ay mas gusto ko ng walang gumugulo sa akin ngayon. Ayokong maulit ang nangyare sa bestfriend ko at sa akin. Kaya patuloy kong iniiwasan ang mga lalaking nagtatapat sa akin.

Ngunit sisiguraduhin kong hindi ako babagsak lalo na't kasama ko ang Panginoon.

Maraming luha man ang pumatak sa mata ko ay wala akong magagawa.

At I am still no one.

You help me to be someone by knowing my story so i am so thankful for you reading this knowing from the start that it's boring. This story is special for me.

Wakas sainyo..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It's me. The no oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon