Kapitulo 1: Shem

17 5 0
                                    

Bagong taon ngayon pero hindi ito ang oras para magsaya.

Saktong isang taon na mula nang lumaganap ang epidemya dito sa lugar namin.

Kasabay ng pagsalubong ng bagong taon ang paglaganap nito. Kasabay ng ingay ng mga paputok ay ang kabi-kabilaang hiyawaan ng mga tao na karaniwan ay dahil sa saya, pero nung araw na iyon ay dahil sa takot, sa sakit. Tila ba isinumpa ang taong 2020.

Ang ilan na dinapuan ng virus ay bigla na lang nagwala, humiyaw. Ang mga mata nila ay nabalot ng ulap. Tila nawala rin ang kanilang kakayahang magbalanse. Isa sa kanilang mga paa ay parang may mabigat na hinihila kaya wala silang magawa kundi kaladkarin ito. Ni hindi nila makayanang ituwid ang ulo. Ang lakad nila ay mas mabagal kaysa sa normal na tao ngunit kung makakita sila ng bagong mabibiktima ay tila bumibilis ang takbo ng kanilang utak (kung meron man) at madali nilang nasusungaban ang biktima.

Unti-unting nanariwa sa aking isipan ang mga nangyari ng araw na iyon.

Nasa Western Union ako para kuhanin ang padala ni Mommy na budget ko para sa ilang linggo. Tuwing katapusan ng buwan ko kinukuha iyon.

"Hello, mommy?" Bati ko kay Mommy nang tumawag ito.

Siya ay isang OFW sa Singapore. Mag-isa akong naninirahan sa bahay namin. Ang Daddy ko naman ay ilang taon nang namayapa.

"Hello, Shem! Nasaan ka?" Puno ng pag-alalang tanong nito. "Anak!"

"Ma, may problema ba?" kinakabahang tanong ko. "Nandito ako sa Western. Encash ko pad--"

"Umuwi ka na. Di na mahalaga yan. Dalian mo," utos nito. Paanong hindi magiging mahalaga ang pera? Doon kaya nakasalalay ang buhay ko. "Sige na, umuwi ka na at tawagan mo ako kung nasa bahay ka na."

"Sig--" Naputol ang sinasabi ko nang bigla akong pagpatayan ng telepono. Ano ba yun?

Napatitig na na lang ako sa TV nang marinig ang balita.

"At para sa nagbabagang balita, isang lalaki sa isang mall sa Zambales bigla na lang nagwala at inatake ang isang security guard. Ang lalaki ay pinaghihinalaang dinapuan ng kumakalat na virus na tinatawag na ZETA.

Ang lahat lalo na ang mga nasa Zambales at karatig lugar nito ay inaabisuhang manatili muna sa kani-kanilang tahanan. Siguraduhing malinis ang mga inuming tubig. Iwasang uminom ng tubig mula sa mga gripo dahil maaaring kontaminado ang mga daluyan nito."

Naputol ang panonood ko nang biglang may narinig akong kalampag mula sa labas.

Lumabas ako ng pintuan ngunit hinatak ako papasok ng security guard. Isinara niya ang pinto saka hinatak pababa ang bakal na harang. Mula sa pagitan ng mga bakal ay kitang kita ko ang kaguluhan na nangyayari sa labas. Ang mga tao ay tila nawalan ng kontrol sa sarili.

"Pumasok ka dito, dali!" Sigaw sa akin nung teller na nasa likod ng counter.

Ginawa ko naman ang sinabi nya. Nakita ko na hawak hawak nya pa rin yung perang binibilang n'ya kanina bago iabot sa akin-- ang pera na sa tingin ko'y wala na ngang halaga.

Biglang may kumalampag sa pinto. Nanlaki ang mata ng mga kasama ko.

"A-ano yun?" Tanong ng isang teller na nanginginig.

"Shhh..." sabi sa amin nung guard habang nakadikit ang hintuturo sa labi. Mataman nitong pinagmamasdan ang nasa labas.

"Hindi sila tao," bulong pa nito na hindi pa rin maialis ang tingin sa labas.

Narinig ko ang ungol ng kung ano man yung na nasa labas. Bigla akong pinangilabutan.

Kailangan ko nang makaalis dito. Hindi ligtas, ang sabi ko sa sarili.

Project Acumen: The Zeta VirusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon