Naglalakad si Zieryn sa may pathway ng kanilang paaralan nang bigla niyang naaninag ang mukha ng lalaking iyon. Bigla na lamang siya nakadama ng kakaiba as in kakaibang-kakaiba na hindi niya mawari ang ibig sabihin. Tumakbo siya at pilit niya itong sinundan pero sa pagkakataong iyon, hindi na niya namataan kung saan ito pumunta. Nagtungo na lamang siya sa kanilang classroom upang doon mamahinga. Subalit, habang lumilipas ang bawat segundo, hindi naman mawala-wala sa kanyang isipan ang lalaking iyon. Hanggang sa malaman niya na iyon na pala ang tinatawag na "Pag-ibig". Pag-ibig na sa kanya'y nagbigay ng inspirasyon upang tahakin ang realidad ng buhay...
Fourth year high school siya nang makilala niya ang lalaking iyon - si Albert. Na isang 3rd year high school na kung ilalarawan mo'y tiyak na ika'y magkakandarapa dahilan sa kanyang mapupulang labi, mapuputi't magagandang ngipin, ilong na napakatangos at ang higit sa lahat ay ang kanyang maamo't misteryosong mukha. Subalit, ang tanging umantig at gumising sa kanyang natutulog na puso't damdamin ay walang iba kundi ang pagkislap ng kanyang mga mata sa tuwing ito'y ngingiti...
Si Albert ang naging inspirasyon niya upang siya'y maging aktibo sa pag-aaral at yun ang naging dahilan kung bakit nangunguna sa klase na siya namang ginamit upang mapansin siya nito.
Buwan ng Setyembre nang matupad ang pinakaka-asam-asam niyang mangyari - ang mapansin siya ni Albert. Sa una, sila'y naging magkaibigan hanggang sa ito'y nauwi sa ligawan na siyang nagdala sa kanya sa katotohanan. Hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa,agad na niya itong sinagot hindi dahil sa kanyang kagustuhan kundi sa ibinubulong ng kanyang damdamin at isinisigaw ng kanyang puso't isipan. Kinagabihan, hindi siya nagkatulog ng maaga at iyon ay nagpatuloy sa mga sumunod na gabi dahil sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata, si Albert lagi ang nakikita niya maging sa kanyang panaginip...
Dumating ang araw na iyon - ang JS prom, napakaswerte niya talaga sapagkat sa araw mismong ito natapat ang kanilang 5th monthsary at ito'y talaga namang hindi niya pinalampas. Bukod pa dito, siya ang Mother Phil. at naging kapartner ni Albert - ang bf niya. Sa kanilang pagsasayaw, hindi niya akalain na may ipagtatapat ito. Nung una ang akala niya'y ipapakilala na siya ni Albert sa mga magulang nito pero iba pala ang sinabi nito.
"Zieryn, may aaminin ako, sana'y huwag kang magagalit at mabibigla... nakabuntis ako...!!!" ang tila nanginginig at nagdadalawang-isip nitong tugon...
Sa narinig na iyon ni Zieryn, tila madurog at matunaw siya sa kinatatayuan. Sabayan pa ng malakas na buhos at agos ng kanyang luha na sa tuwing bumabagsak ito, siyang kirot naman ang nararamdaman ni Albert.
Tumakbo ng bahagya si Zieryn patungong CR upang doon ituloy ang kanyang paghikbi. Nagkulong siya sa loob at halos magpakamatay sa sobrang pagkamuhi sa lalaking kanyang minahal ng lubos.
Hindi naman natuloy ang plano niyang pagpapakamatay, dumating naman ang lalaking willing sa kanya'y magmahal - si Renji. Si Renji ay ang kababata ni Zieryn, halos tunay na magkaibigan na ang