turingan nila sa isa't - isa. Sa muling pagbabalik ni Renji galing Canada, tila agad na nakapagmove - on si Zieryn bagamat mahirap gawin.
Nakalipas na ang isang buwan tila hindi pa rin makapagmove - on si Albert, halos inaalala at iniisip niya ang masasayang araw na magkasama sila ni Zieryn, hanggang sa umabot sa isang alaalang hindi niya malilimutan, ang arw ng JS... "kung bakit pa kaya siya sunud - sunuran sa kanyang ina" napagtanto niya.
Halos dalawang buwan na lang ay magtatapos na si Zieryn ng High School. At habang nalalapit na ang araw na iyon, tila nagkakamabutihan na ang dalawa. Halos nga hatid sundosiya ni Renji patungong paaralan at pabalik sa bahay. Minsan nga kapag may sapat na oras, niyayaya siya nito na kumain sa labas, mamasyal,at maglibang. Hanggang sa tanungin siya nito ng gusto niyang regalo... Hindina lamang siya sumagot dahil alam niya na kahit anong ibigay sa kanya ni Renji aytiyak na magugustuhan niya.
"Oh anak, hanggang ngayon ba naman ay hindi ka pa rin makapagmove - onsa Zieryn na iyan?" usisa ng ina ni albert.
"Ma, manhid ka ba talaga, hindi mo ba nakikita na hanggang ngayon, sda Zieryn pa rin ang laman ng puso't isipan ko?!!! ani Albert.
"Zieryn?! puro na lang Zieryn... yan ba ang natutunan mo sa babaeng iyon?' sumbat ng ina.
"Ma, hindi mo ako naiintindihan... si Zieryn lang ang tanging mahal ko... kaya pewede ba bigyan mo naman ako ng kahit konting privacy at konting konsiderasyon!" depensa ni Albert.
Hindi na nakapagsalita pa ang kanyang ina bagkus ay umalis na lamng ito. Samantalang si albert naman ay hindi alam kung anong gagawin.
Foundation Day ng kanilang paaralan, halos excited ang lahat dahil raw sa mga kakaibang games. Bukod pa dito, ito ang araw upang maenjoy nila ang pagiging High School Student. Pero itong si Zieryn, taliwas ang iniisip sa pangkalahatan dahil sa tingin niya ay lahat ng mga okasyon ay isnag "MALAS'... "MALAS" na kailanman ay hindi niya kayang labanan. ( To be Continued)