Andito na ko sa bahay as usual andito ko sa kwarto ko nagcecellphone lang at ng bigla akong tinawag ni mommy "Arianne!!!!! Kakain na tayo!!!" sabi nito "Pababa Na Po!!!" sabi ko at bumababa na
"oh anak musta naman sa school?" sabi ni daddy "ok lang po" sabi ko naman at pinagpatuloy na ang kinakain ko. Pagtapos ko kumain pinaakyat na ako ni mommy at siya nalang daw maghuhugas.
Pag akyat ko sa kwarto bigla naman akong inantok laya nakatulog nako.
"Arianne?! gising na anak malelate ka na" sabi ni mommy "sge po liligo na po ako" sabi ko kay mommy at lumabas na sya ng kwarto at naligo nako.andito nako sa school at naglelesson naman ang teachers namin sobrang boring ng biglang may nangbato ng papel sakin at binuksan ko ito "you're so beautiful" at hinanap ko agad kung sino at si ricci pala yun at nakita ko naman na nakitingin sakin sila blossom paktay ako mamaya sigurado akong away nanaman to. Uwian na namin ng naglalakad ako at nakasalubong ko sila blossom at bigla ako nito sinugod ng sampal at napahawak ako sa pisngi ko "ang kapal talaga ng mukha mo na tignan si ricci! gusto mo ba talaga ng away ha?!" at bigla ako nitong sinabunutan. hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ko na itulak sya ng malakas at natumba sya at susugurin nya nanaman ako ng magsalita si selena sa likod ko "sge subukan nyo syang saktan pag hindi ko kayo sinumbong sa principal" sabi nya at sumagot naman si whitney "sino ka ba ha? bat nangingialam ka?" sabi nito kay selena at agad naman itong natawa "ako sino ako? well ako lang naman ang anak ng principal dito kaya wag na wag nyong sasaktan ang kaibigan ko gets nyo?!" sabi nito at agad naman silang umalis " okay ka lang ba bes? sa susunod na saktan ka nila sabihin mo sakin ha?" sabi nya sakin at tumango nalang ako.