Chapter 1: CES WORLD

20 3 0
                                    

Prince MCJ's POV:

.

I looked at the blue gate infront of me at di ko mapigilang malula. Sa tantya ko ay mga 15 feet ang taas ng pader dito, di mo alam kung anung nasa loob. Di ko tuloy mapigilang ma-excite! At long last, sulit na lahat ng paghihirap ko!

.

Nang lumingon ako, ganun din ang expression ng ibang kasama ko. Nakikita ko sa mga mata nila ang excitement at kaba. Sino ba naman ang hindi? Nasa harap na kasi kami ngayon ng CES Headquarters. At nasa harapan naming lahat si Lozenkaz- isa sa CES Officials.

.

Nakita namin sya na lumapit sa mataas na gate at inilapat ang kanang kamay sa gilid nito. Nakita rin naming lahat na ini'scan ito ng machine at nagsalita ng 'Handprints recognized' at bumukas ang malaki at mataas na gate.

.

Lahat kami ay napa'Wow! Sa unang kita mo kasi sa pader, wala kang makikita na scanner or biometrix. But once pala na ilagay ng authorized personnel ang kamay doon, bubukas yung gate!

.

.

"Welcome to CES!" sabi ni Lozenkaz nung makapasok kami.

.

"Wow! Ang astig dito!" narinig kong sabi nung mga kasama ko.

.

Makikita mo kasi ang sobrang lawak na field kung saan maraming mga tao ang nagti- training! May ibang nagjo- jogging, at yung iba nasa obstacle course!

.

Abot tanaw rin mula dito ang nagtataasang buildings na sa tingin ko ay aabot hanggang 20th floor ang taas.

.

"Dito tayo." tipid na sabi ni Lozenkaz at naglakad sa Hallway papunta sa nagtataasang buildings na nakikita namin ngayon! This is freaking great!

.

.

* * * * *

.

"Ito ang magsisilbing barracks nyo for 45 days. Bawat higaan dyan ay may mga pangalan nyo. Kayo na bahalang maghanap. Ayusin nyo na rin ang mga gamit nyo at before 9 am dapat nasa Conferrence room na kayong lahat.

.

Ipinakita ko naman sa inyo kanina ang daan papuntang Conferrence Room para di na kayo mahirapang maghanap. You still have an hour to prepare." mahabang instruction ni Lozenkaz bago umalis.

.

Inilibot ko ang tingin sa loob ng barracks naming mga lalaki. Kulay sky blue ang pintura ng buong kwarto at maraming double-deck na higaan. Very relaxing ang ambiance dahil sa may kalakihang mga glass windows na nakapalibot. Komportable parin sa pakiramdam kahit medyo may karamihan kami dito sa kwarto.

.

Meron din tatlong banyo na kompleto sa gamit para saming lahat.

.

Napansin ko na ang ibang mga kasama ko ay naghahanap na ng higaan nila kaya ganun na din ang ginawa ko.

.

Di rin naman ako nahirapang hanapin ang higaan ko at nagsimula ng mag'ayos na ng gamit.

.

"Hi! Danger ang codename ko, ikaw?" nakangiting sabi nung lalaki sa taas ko.

.

"Prince MCJ, pero Prince nalang itawag mo sakin." sabi ko.

.

CES: SECRET ORGANIZATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon