Chapter 4: Senses (Part 2)

9 1 0
                                    

  (AN: Sorry sa matagal na update guys. I had a miscarriage kasi and my OB-gyne told me to refrain from using gadgets for the mean time for health reasons. Sabi nga nila it's better be safe than sorry kaya I took my doctor's advice muna. But no worries, I'm good as new  so sit back, relax and enjoy the update! )

                     * * *

           Danger's PoV:
.

.

Andito na kami ngayon sa Armory ng CES para kumuha ng mga baril. Pero - - -

.

Bakit ganito? Lahat ng baril naka' disassembly!! Anak ng pusang gala! Madami ng kalaban sa labas!! Mauubusan kami ng oras para iassemble lahat ng andito!

.

Nakita ko na bigo rin ang ilang kasama ko na makahanap ng baril na pwede na naming magamit dito sa Armory.

.

"Wala na talaga tayong choice kundi iassemble ang mga baril." sagot ni Prince.

.

"Pero paano? Wala tayong formal training para dyan." sagot ni Maton habang nasa tapat ng 50 inches na parihabang mesa at may hawak na barrel galing sa M1 Rifle.

.

"Makakatulong na ba to?" sabay wagayway ni Bloody Mary ng Pamphlet tungkol sa pag' assemble ng Garand. "Hiningi ko to kanina kay Lil Lucy" dagdag pa nya.

.

Agad namang kinuha ni Prince ang papel mula kay Bloody Mary at pinagmasdan itong maigi.
Pagkatapos ng ilang segundo ay lumapit si Prince sa parehabang mesa, ibinaba nya ang papel at sinimulang mag'assemble.

.

"Oo, malaking tulong yan. Halikayo rito. Lahat tayo dapat - - -"

.

"Guys! tumahimik muna kayo!" agaw ko sa sasabihin ni Shinobi.

.

Tik! Tok! Tik Tok!

.

"Guys! There's a bomb inside the Armory!" kinakabahan na sabi ni Queen Shadow habang nakatayo sa gilid ng pintuan at nakatingin sa tabi nyang may bomba.

.

"Marami rin akong nakikitang bomba mula rito." dagdag pa ni Joker sabay turo sa iba pang bomba.

.

May bomba sa likod ng pinto, sa mga gilid ng  parehabang mesa at di ko masabi kung nasaan ang iba pa.

.

F*ck! Mapapasabak kami ng matindi dito!

.

"Okay, Ang pinakamabuti nating gawin ay magtulungan. Kami nila Killer Princess at Azumie ang mag'aasemble ng mga baril." sabi ni Prince habang busy na sa pag'a'assemble nang baril.

.

"Isa ako sa magdi'difuse ng bomba. I know naman the procedures sa pagdi'difuse. Time na rin  siguro para magamit ko naman sa actual ang mga itinuro ni Vampz " sabi ni Bloody Mary. Kelangan ba talagang TagLish pa kung magsalita? Tsk. Girls!

.

"Sasama ako sayo.Hindi pwede na ikaw lang mag'isa ang maghanap ng mga bomba." -sabi ko sabay kuha dun sa baril na katatapos lang iassemble ni Prince. Kahit naman medyo maarte itong si Bloody Mary magsalita,di ko kayang hayaan ang mga kasama ko na umalis ng walang kasama.

CES: SECRET ORGANIZATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon