Chapter 7

12 0 0
                                    

Edwin's POV

Sobrang nahihiya talaga ako sa nangyari.. Kaya naman naisipan kong maglakad-lakad muna papuntang canteen para bumili na rin ng pagkain.

Nang nakita ko na lumalapit na sa akin si Belle kaya naman nagulat ako

" Kuya, kuya! " tawag nya sa akin kaya naman napansin ko nalang nasa harapan ko na sya.

" bakit? " sabi ko naman na walang gana

" s-sorry  nga pala dun kanina, sorry kung sinigaw sigawan kita sa harap ng maramin tao, sana pagpasensyahan mo na ako" seryosong sabi nya, ramdam ko naman ang sinseridad

" kalimutan mo na yun, nakalimutan ko na wag mo nalang isipin,  sorry din kung huli ko na naibigay sayo yung Wallet mo dahil nahihiya ako at baka sigawan mo na naman" mahabang sabi ko

"hah? Bat naman kita sisigawan? "
Sabi nya na parang nagtataka pa

" dahil sa twing magkikita tayo, hindi ka pwedeng umalis ng hindi mo ko sinisigawan" sabi ko sa kanya

'tch, hayaan mo na tapos na eh'

"sana mapatawad mo ko, sorry talaga!  Ah! Alam ko na ililibre nalang kita halika" sabay hinila nya ako sa canteen

"teka! Teka! Wag na ako nalang bibili ng pagkain ko" sabi ko, ayaw na ayaw kong babae pa ang nanlilibre sa akin, pambakla lang yon.

" Hindi na, ako na pambawi ba" sabi nya pa ng may ngiti sabay nag order

'tch, mapilit talaga yo eh noh'

"sige na nga" matamlay na sabi ko

Nang maka order na kami ay umupo na kami at nagsimulang kumain

" Saan nga pala room mo? "sabi nya na ikinagulat ko naman

'tch, balak pa yata akong iistalk'

"ah, sa building C" sabi ko sa kanya habang ngumunguya

"ano nga pala name mo? Tagal na nating nagkikita pero di ko parin alam name mo" sabi nya habang ngumunguya rin

'kailangan ba lahat alam mo pati name ko?! Isang tanong nalang iisipin ko na iiistalk mo talaga ako'

" Edwin" sabi ko na nakatingin sa kanya

" ahh, ako nga pala si Belle" sabi nya sabay ngiti pa

'alam ko'

" Ang tahimik mo naman, magtanong ka namab oh, kahit ano sasagutin ko" sabi nya

" Bakit ang lakas ng boses mo? Bakit pag nagsalita ka parang sigaw na" sabi ko na ikinagulat naman nya at sabay tumawa

'baliw'

" Eh, hehehehe kasi, n-nagtitinda ako ng gulay sa palengke..  Heheheh" sabi nya sabay tawa pa

'kaya naman pala ang lakas ng boses mo'

" I see" sabi ko sabay binilusan ko na ang pagkain

" pagpasensyahan mo na talaga ako kanina, dapat hindi kita ipinahiya sa maraming tao, I'm sorry . " sabi nya pa

' ang kulit talaga eh noh'

"kalimutan mo na ngayon" sabi ko sa kanya at natapos ko na ang pagkain ko, kaya naman tumayo na ako "maraming salamat sa panlilibre,kailangan ko ng bumalik sa room dahil may next class pa ako" sabi ko pa

" Okay sige, walang anuman" sabi nya sabay ngiti

***lunoks***

"Hanggang sa muli" sabi nya at sabay nauna pang umalis sa akin

Nagulat naman ako bigla.

'aba nauna nga akong nagpaalam, sya pa nauna umalis'

'tch'

Pumunta na ako sa Room, mukhang patapos na silang magklase, tinawag ako ni ma'am kaya nagulat ako

Pinatayo nya ako sa harap ng klase kaya naman nahihiya talaga ako.

" Bukas ay may 100 item quiz kayo, at ikaw Mr.  Paddiernos 150 items para sa yo" sabi ni ma'am kaya naman nabigla ako

" Pero di ko po alam ang mga nilessons nyo ngayon ma'am pano po ako mag ququiz? " sabi ko kay ma'am

" abay, problema mo na yun, Okay class Goodbye " at biglabg umalis na si ma'am

Napakamot naman ako ng ulo. At bumalik sa upuan ko, sinilip ko pa muna si Shaina, pero gaya pa rin ng dati ay busy pa rin sya.

English teacher namin iyon, at talagang mahigpit sya, kaya ganon nalang magpa quiz
'hanep'

Dumating na ang next teacher namin at nakinig na talaga ako ng mabuti

Discuss
Discuss
Uwian.

Inantay ko munang makalabas ng room si Shaina bago ako, tuluyang umalis. Pinagmasdan ko ang kabuuan nya..  Medyo mataba sya pero cute parin at sobrang ganda....

Naglakad na ako at nasalubong ko sa hallway si Liam at John.

"Uy brad! Netshop muna tayo ah!"yaya ni John

" Oh sige ba! " kaming dalawa ni Liam

Iyon ang bisyo naming magkaka ibigan ang maglaro ng Computer at Nag LOL kami,..  Enjoy na Enjoy kasi namin iyon.

Lumipas ang dalawang oras at natapos na kaming mag computer.

" Oh, sya mga brad! Pagabi na rin, mauna na ako sa inyo. " sabi naman ni John

" Ako din sige kitakits bukas ah" sabi ni Liam na pang inaantok na

" kwentuhan tayo bukas mga brad ah, kitakits sa canteen " dagdag pa ni John

" oh sya, sya, sige na umuwi na tayong lahat..  Gabi na..  Baka mapagalitan pa tayo" sabi ko na tinatapik pa ang likod nila

-_-

Sumakay na ako sa jeep at pagkadating ko sa bahay, ay di ko inaasahang.... 

*brrooommm* brrrooommm*

Dinig ko ang ingay ng isang motor, ng makalapit ako duon, nagulat ako at namangha!!

Sobrang ganta at kulay pula na istyle fire! Ang ganda talaga sobra Napaka Angas!!!!

"Wow!  Pa kanino yan? " namamanghang tanong ko sa kanya pero di nya naman ako sinagot at nginitian lang

" Oh anak nandito kana pala,  pumasok kana dito sa loob" sabi sa akin ni mama at nakangiti naman sa akin

" Uhmmm,  ma kanino nga po pala yung motor dun sa labas? " tanong ko kay mama pero di nya parin ako pinansin at ngitian lang nya ako

'ang weird nila ngayon ah'

Hindi ko nalang pinansin ang nagyari at inisip ko nalang na baka hiniram lang yon ni papa

Sobrang ganda talaga nung motor

+_+

'Grabehan!!! '

Nagluto si mama ng masarap na hapunan at nagsalo-salo na kami

Nakakapagtaka ang mga ikinikilos nila ngayon, hindi nila ako pinapansin, kaya nakaramdam ako ng lungkot...

" mama, papa, kanino po yung motor" pangungulit na tanong ko pa, pero gaya ng dati ay di pa rin nila ako sinasagot at ngitian lang

"malalaman mo rin" nagulat ako ng sinabi ni papa yon

Sobrang weird talaga nila hindi ko maintindihan ang kinikilos nila. Samantalang ang mga kapatid ko naman ay sinisimangutan ako, iniisnob,

'Ang arte nila ah, ano kayang meron?'

Distance Between MoleculeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon