Me and Him :)

3.2K 41 11
                                    

Nandito na kami ngayon ni Vaughn sa Mall. 

Pwede na rin itong tawaging date, dahil magkasama kami. Weekend kasi ngayon kaya napag-isipan naming lumabas muna kahit sandali. Marami kasing gawain sa school kaya hindi na kami madalas nagkakasama.

"Sila ba yung 2nd Year College students na nababalitaan sa school na tin na M.U lang?"

"Di ba ang sagwa nun?"

"Oo nga."

"Sayang naman ang kagwapuhan ni Vaughn"

kainis naman 'tong mga babaeng to. Kung makapagsalita parang nag mi-mic ! 

"Vaughn, huwag tayo dito."

"sSshh.. dito lang tayo."

 E-eeh ! sabing ayoko nga di ba? pangalawa naman itong si Vaughn eh. Kung sabagay. M.U lang kami. Parang friends lang na mukhang mag jowa. Tama naman talaga sila eh, napakasagwang tingnan, pero at least tama naman di ba? dapat unahin muna ang pag-aaral. Wuahahha ! Kaya okay lang magin M.U !

iyan ang tinatawag na fighting spirit ! hahaha

Nanood kami ng sine, at kung anu-ano pa. 

Bigla kaming napagod at pumunta muna kami sa Food Court.

"Mahal mo ba talaga ako van? " bigla kong tanong. 

"oo, tara punta tayo dun"

-________- obvious naman eh, umiiwas siya sa usapang yun. Noon hindi naman ah. Bakit ngayon? ano na bang nangyayari?

may biglang lumapit kay Vaughn na isang babae.

"Hi Babe."

babe? Alright ! matatauhan na ako ngayon. 

"Excuse me?" sambit ko naman.

"Sino to Van?" tanong ng babae

"Haha. Ako? hindi mo ako kilala?" natawa naman ako dito, para sa malaman niya. 2 years na ata kami ni Vaughn na.. 2 years na.. basta 2 years !

"Kan, huwag ka ngang gumawa ng gulo ! " nakita kong galit si Van

"pe-per--"

"halika na Maikka.."

Hindi.. mas pinili pa niya yung babae kesa sa akin?

Bakit Vaughn? may nagaw ba ako?

------------

:)))

Ang Aking MR. CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon