Grabeh ang sakit.
Dalawang araw nang hindi niya ako tinetext, tinatawagan, pinapansin at iba pa na dati naming ginagawa noon, simula noong nagyari sa Mall.
Pupunta muna ako ngayon sa library para humiram ng libro, pero dadaan muna ako sa classroom nina vaughn, miss na miss ko na siya. Wala na akong balita sa kanya eh.
pero nabigla ako sa nakita ko..
Si vaughn, nakikipaghalikan sa ibang babae, kay Maikka.
Naramdaman ko na lang na tumulo ang mga luha ko.
Lumapit ako sa kanila kahit nasasaktan ako, hindi dapat ako magpapakita ng isa akong WEAK.
Nabigla silang dalawa ng makita nila ako.
"Tapos na ba Van, pwede bang ako naman? pwede ba akong sumunod sa pila? Oh ! Oo nga pala, isa nga pala itong pila. Isang pila ng mga babaeng FLIRT at PAPANSIN sa isang lalaking MAPAGLARO. Teka Van, bakit hindi mo ako tinetext o tinatawagan ? Dahil busy ka ba sa iba? o baka naman nilipat mo na ako sa dulo ng pila. Naku ! hindi pwede sa akin yun. Ay ! nandito nga pala ako para humingi ng favor."
Natameme ata silang dalawa. Kaya sumigaw ako .
"Hoy mga binging uggoy ! PWEDE BA AKONG HUMINGI NG PABOR?!"
"o-oo" halos nauutal nilang sabi.
Sinampal ko ng pagkalakas-lakas si vaughn.
"D@mn you ! naging seryoso ako sayo ! aso ka ! walang H*ya ka ! niloko mo lang pala ako ! g@go ka ! bwisit ! at ikaw--"
Lumingon ako kay Maikka at sinampal din ito ng malakas.
"Pa excuse me-excuse me ka pa doon sa mall! eh ikaw nga dapat and i-excuse ko sa pagiging FLIRT ! napaka sagwa niniyo ! ang landi ! manloloko ! mamatay sana kayong dalawa! "
At tumakbo na ako, itinapon ko yung bracelet sa mukha ni Vaughn, yun yung bigay niya sa akin noon.
Ang huli kong sinabi ay "MGA BOBO ! "
Umalis na ako kaagad-agad at binuhos ang luha ko. Grabeh, sobra talaga akong nasaktan, hindi ko na kaya.
Paano ang 2 years namin?! Bwisit !
Bakit?
bakit?
BAKIT?!!!
-------------------

BINABASA MO ANG
Ang Aking MR. CRUSH
RomantizmSi Kane ay isang simpleng babae lamang ngunit nagkagusto sa isang hamak na chickboy. Sa ngayon ay M.U na ang relasyon nila. Pero hindi pa rin siya nililigawan ng lalaki , yung parang official talaga ang relationship nila.Magiging Mr. Crush lang ba i...