_
Kung minamalas nga naman ngayon, pupunta si Lami dito. Ang gulo pa naman ng buong bahay dito parang nasa junk shop ka to be very very honest kaya naman walang akong nagawa kundi linisin lahat ng mga kalat nila hyungs. Nahiya naman kasi ako sa kanila.
Pagkatapos ng, mga kalahating oras nun ay sa wakas natapos narin ako sa pag-lilinis ko uupo palang sana ako sa may sofa nang bigla naman may nag-door bell. Ay- panigurado si Lami na ito hahaha.
Binuksan ko yung pintuan at nakita ko nga sa may gate na si Lami nga, kaya naman agad akong lumabas at binuksan yung gate. Nagtataka naman ako kung bakit may dalang mga pagkain ito si Lami. Tapos sa kabilang kamay naman niya yung band aid?! bakit meron yan...
"Lami ba't-"
"Kung papasukin mo muna kaya ako diba?" Sabi niya at pinapasok ko naman siya sa loob, nakita ko naman na umupo siya sa may sofa- aish Jeno isarado mo muna yung gate. Dali dali ko naman isinara yung gate at pumasok na sa loob. Umupo naman ako sa may kabilang sofa sa may harapan niya.
"Bakit ka nga pala pumunta dito?" Tanong ko sa kanya, ngumiti naman siya sa akin. Ngayon ko lang ulit siya nakitang ngumiti ng ganyan. Inaamin ko, namiss ko yang mga ngiti niya. Namiss ko ang dati."Gusto ko sana dalawin yung bestfriend ko"
inaamin ko rin, meron sa parte ko na nasasaktan ako sa sinabi niya na 'bestfriend' pero wala naman akong karapatan, syempre hindi naman kami at si jisung naman gusto niya.
"Ang sweet mo naman baka mag selos yung shy shy shy mong ex ah? nga pala- bakit may dala kang band aid" Tanong ko sa kanya at agad ko naman kinuha sa kanya yung band aid.
"Wala"
"Ano nga?"
"Wala nga"
"Wag ako lami, kilala kita"
"Oo na tatawanan mo na naman kasi ako.." Sabi niya at yumuko naman siya.
"wag ka ngang yumuko andyan ba kausap mo? sa akin ka humarap ang gwapo gwapo ko pa naman tapos hindi mo titignan mukha ko sabihin mo na sa akin kung ano yun" nakabusangot naman siyang tumingin sa akin aba itong babaeng ito?! dapat nga nakangiti ito eh- kasi nakakita siya ng gwapo. Be thankful Lami.
"Hangin naman hays pero sige na nga, kasi naman natakbo ako papunta dito tapos bigla ako nadapa sa may kabilang kanto-" Hindi ko na tinuloy yung sinasabi niya
"Okay, gets ko na. Nasaan ba yung sugat mo?" Tinuro naman niya yung sa may kaliwang tuhod niya tsk hindi ko napansin yun ah. Hindi naman kasi ako manyak na katulad ng iba.
"Ako na maglalagay nan, wag ka nang magreklamo minsan lang ako ganito" Sabi ko at umiling-iling naman ako sa kanya tss hindi kasi nag-iingat nako naman. Kinuha ko naman yung betadine at kumuha na rin ako ng cotton buds sa may ilalim ng lamesa. Buti nalang at maraming ganito si Taeyong hyung.
"Jeno, h-hindi ba masakit yan?" Umiling ulit ako sa kanya at ngumiti ng konti. "Hindi yan masakit promise uhm, Lami wag kang maano ah ipatong mo nga yung binti mong may sugat dito sa may hita ko lalagyan ko na kasi yung sugat mo" Buti naman at sumunod naman siya sa sinasabi ko. Pagpatong niya naglagay na ako ng betadine sa cotton buds at dinahan-dahan ko naman pinahid nito sa sugat niya. Oo, Medyo malaki yung sugat niya.... "Masakit pa ba?" Seryoso kong tanong sa kanya. Nakita ko kasi sa itsura niya na nasasaktan siya.
Tumango naman siya sa akin bilang sagot, Hinipan ko naman yung sugat niya. Sorry naman inaamin ko na wala akong masyadong alam sa ganito sana naman tama itong ginagawa ko. Pagkatapos nun ay idinikit ko na yung band aid sa kanya.
"Ayan, ayos na lami" Nakangiting sambit ko sa kanya, Napansin ko na kanina pa ito hindi nagsasalita at nakatingin lang ito sa akin. "Lami, ayos ka lang ba? may problema ka ba?" Tanong ko sabay kurot ko naman sa kaliwang pisngi niya.
"ARAY NAMAN BWISIT KANG ISDA KA" HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. Dreaming na naman ba lami... sana ako yun syempre biro lang. asa pa ako.
"Bakit ka ba kasi ganyan, may problema ka ba?" Seriously, nag-aalala na ako kay Lami. Ba't kasi ganito siya ngayon? hindi ako sanay sa totoo lang.
"Ayos lang ako"
"Ano nga?"
"Kasi hays, kung si Jisung kaya kasama ko. Gagawin niya rin kaya ito sa akin?" Tanong niya sa akin.
"Oo naman mahal ka nun eh" Sabi ko at nakita ko naman na ngumiti naman ito sa akin ng pilit kaya naman tumawa naman ako sa kanya ng mukhang totoo, syempre para maisip niya na masaya talaga ako hahaha masakit na Jeno tama na. Sana talaga pati puso ko, pwedeng gamutin ng mga ito para naman hindi ko na maramdaman ang sakit na ito. Oo lami, mahal parin kita kaso mukhang huli na ang lahat..
_
a/n; lame- sorry.
BINABASA MO ANG
Back Hug
Humor"t*ngina mo bakit mo ginawa iyon? alam mo bang first back hug ko iyon sa buong buhay ko?" Lami and Jeno ff epistolary #nctxsr16g 160925 - 170428 cover cr. - @taekiyeo