PROLOGUE

42 25 10
                                    

"NO! I WILL NEVER FALL IN LOVE!"

You read it right. Ayoko mahulog, ayoko magmahal, ayoko umibig.

I don't know why. Kahit ako, tinatanong ko rin minsan ang sarili ko kung bakit ganito ako. Sabi naman ng iba, masarap daw magmahal. Pero bakit ako? Bakit iba 'yung pananaw ko sa love na 'yan?

Nagtataka nga ako eh, bakit ang daming naloloko ng pag-ibig na 'yan? Bakit ang daming nagpapakag*go at nagpapakat*nga nang dahil lang sa pag-ibig? Bakit pa ba kasi sila nagmamahal? Alam naman nilang sasaktan lang sila nito, sige pa rin ng sige.

Oo. Alam ko. Wala akong experience sa love, para magbitiw ng mga ganitong salita. Pero, tama naman ako hindi ba? Kalokohan lang ang pag-ibig na yan. Wala naman akong mapapala sa bagay na 'yan eh. Bitter na kung bitter, basta ako, AYOKO MAGBOYFRIEND.

"Haay naku Keysha, ewan ko ba sa'yo. Pero kung ako ikaw? Di ako magsasalita ng tapos. Ikaw rin, baka 'di mo mapanindigan yan?"

Blaaah! Blaaah! Blaaah! Dami kasing alam nitong babae na 'to eh. Bakit naman 'di ko magagawang panindigan 'yon aber? Bakit ba kasi mukhang siya pa ang namomroblema sa 'di ko pagboboyfriend eh? Ano naman kung ayaw ko magboyfriend? Eh sa ayaw nga nung tao 'di ba?

"K fine." 'Yan na lang ang nagawa kong sabihin sa kaharap ko. Alam ko naman kasi na kahit pa anong sabihin ko, hindi siya titigil sa kasasalita. Kesyo, masaya daw yung may boyfriend, may maghahatid-sundo sa'yo, may magbibigay ng flowers and chocolates, every morning may babati sa'yo ng 'Good Morning',may magsasabi sa'yo ng 'I Love You', Tsss. Saulong-saulo ko na ang sinasabi niya. Paulit-ulit lang naman kasi eh. Ewan ko ba kung ilang lalaki na ang lumapit sa'kin at nagsabing nireto daw ako sa kanila ng babaeng 'to. Lahat sila nagtatanong pa lang kung pwede manligaw, inaayawan ko na. Hindi naman sa nagmamaganda ako, oo alam ko naman kasing Dyosa ako, pero para san pa eh ayoko naman ngang magboyfriend di ba? Sabi ko nga itigil niya na ang paghahanap eh, wala naman kasi siya mapapala, mapapagod lang siya kahahanap. Pero, ang loka, ayun, ayaw pa rin tumigil sa pagsesearch sa FB ng kung sino-sinong lalaki, na alam ko namang pare-pareho lang ding mga manloloko. Well, am I wrong? Tama naman ako 'di ba?

"Oo na, sige na, ikaw na ang panalo. Wag kang magboyfriend kung ayaw mo." Ayan. Yan lagi yung sinasabi niya. Akala mo naman sumusuko na siya, pero ang totoo, wala na lang talaga siyang masabi, at ang ending nito? After a week, may lalapit na lang ulit sa'kin na lalaki at sasabihin na ako yung babae na nireto sa kanya ng magaling kong bestfriend. Just WOW. Ang galing lang 'di ba? Nakakasawa na 'rin ngang sabihin na 'bestie, itigil mo na yan', 'bestie, tama na', 'bestie di ka pa ba nagsasawa?', dahil obviously, wala siyang kasawaan at kapaguran sa paghahanap. Haaaays. -___-

"Then that's good!" 'Yun na lang ang sinabi ko sa kanya at tuluyan na kong tumayo, medyo matagal na rin ang naging pag-uusap namin, kanina pa kong tanghali dito at ngayon ay 7 pm na, at kailangan ko nang umuwi paniguradong hinihintay na ako ni Mama para sa aming hapunan.

"Bye Bestieee! ^_^ " Paalam ko, nang tuluyan na akong makalabas ng kanilang gate.

Sa wakas, makakapahinga na ko sa bunganga ng bestfriend ko. Ang kulit niya kasi talaga eh. Kainis! Haha! Pero wag kayo, love ko pa rin naman yun kahit lukaret siya eh.

Kasalukuyan akong naglalakad pabalik sa bahay namin, malapit lang din naman yun dito sa subdivision nila bestie kaya wala masyadong problema, I'll just plug-in my earphones para di naman masyadong boring.

Nakikinig lang ako sa mga music sa playlist ko, nang may biglang may humablot sa earphone sa may left ear ko. BADTRIP NAMAN EH. SINO BA KASING 'TONG EPAL NA 'TO?

"D*MN IT! WHO THE HELL ARE YOU?ANG BASTOS MO RIN EH NO?" Matapos kong sabihin ang mga katagang iyon ay awtomatiko naman akong lumingon sa left side ko para makita ang walang-hiyang 'yon na nagtanggal ng earphone sa pagkakapalsak sa tenga ko.

"Ah--Eh. Pasensya na, kanina pa kasi kita tinatawag eh, di mo naman ako marinig dahil sa earphones mo. By the way, eto nga pala yung panyo mo, nalaglag kasi nung kinuha mo yung earphones sa pocket mo. Sige, una na ko"

Akala ko aalis na siya, pero hindi muna siya agad umalis, naghihintay siguro ng sagot ko, at nang maramdaman niya na mukhang wala yata akong balak tumugom tumalikod na siya at nagsimulang maglakad palayo.

Gusto ko sana siyang habulin at sabihing 'wag muna siya umalis. Pero, para saan pa? Para kausapin siya? Hala, eh bakit ko naman gagawin 'yun di ba? Kaya eto ako ngayon, parang timang, nakatulala. Haays.

Bakit?

Bakit ngayon pa?

Just SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon