Chapter 1

41 25 7
                                    

"Oh, anak anjan ka na pala. Teka bakit parang putlang-putla ka? Naku, 'nak, para ka namang nakakita ng multo niyan eh." Yan yung bungad sakin ni Mama ng makapasok ako ng bahay.

Naku Ma, kung alam niyo lang kung sinong nakita ko. Haay!

"Anak, ano pa bang tinatayo-tayo mo jan? Halika na dito nang makapagsimula na tayong kumain".

Matapos sabihin 'yon ni Mama ay doon lamang ako bumalik sa aking diwa. Gaano katagal na ba akong nakatulala? Ewan ko ba. 'Di pa rin ako makapaniwala na muling nagtagpo ang mga landas namin. Pero, bakit parang 'di niya ko nakilala? Sige na nga, tama na ang kakaisip. Ikakain ko na lang 'to.

Nasa 25 minutes din siguro bago kami natapos kumain ni Mama, sabi pa niya siya na daw ang maghuhugas ng mga pinggan at mukhang masyado akong napagod ngayong araw kaya hinayaan ko na lang.

Nagsipilyo na lamang ako at naglinis ng aking katawan para makapanhik na sa aking kuwarto at makatulog na.

Kasalukuyan akong nakahiga sa aking kama at naghihintay na dalawin ng antok. 'Di ko nga alam kung nakailang ikot na ba ako dito sa kama ko pero hanggang ngayon ay wala pa rin, di pa rin ako makatulog.

Siya kasi ang may gawa nito eh. Bakit pa ba kasi siya nagpakita sa'kin? Tapos kung makaakto pa akala mo naman hindi ako kilala. Pero, posible nga kayang nakalimutan niya na ko?

Hindi. Hindi pwede yon. Masyado naman yatang unfair. Ako nga eh, di ko siya makalimutan tapos siya ganun lang? Ganun lang niya ko kadali makakalimutan samantalang dalawang taon pa lang din naman ang nakalilipas? Ang gulo-gulo na ng isip ko. Epal kasi masyado eh. Aba, kung di dahil sa kanya, eh di sana kanina pa kong mahimbing ang tulog sa malambot kong kama na 'to. 

Pero, sige. Dahil hindi pa rin naman ako makatulog, hayaan niyong magpakilala na lang muna ako sa inyo.

Alam ko naman kasing kanina niyo pa rin yan hinihintay! Tsss.

Ako nga pala si Keysha Linry Andrara Valdez. Oh ayan ha? Buong-buo na yan. Well, you can call me Khey or Keysha but don't you dare to call me with my second name. Why? Well, its just that, I hate such name. No more explanations. You'll know about that soon. By the way, I'm 16 years of age. First year college sa PUP. You're right, its Polytechnic University of the Philippines. I'm taking up Bachelor of Science in Business Administration major in Human Resource Development Management. Alam niyo nung una? Wala talaga akong idea na medyo nadidiscriminate yung course na 'to. Kesyo wala daw kaming board exam tapos mabababa daw yung scores namin sa PUPCET, yung entrance exam namin, kaya daw BA yung course namin. Pero di alam nung iba, na hindi lahat ng nandito eh ito yung naging course dahil sa 'no choice' sila. Kagaya ko, kung tutuusin pwede naman ako magtake ng iba pang course eh. Pwede ako magtake ng engineering courses kung gusto ko. Or pwede rin ako magtake ng education, hindi naman kasi 'mababa' ang score ko. Its just that, eto yung choice ko. Eto yung course na gusto ko. Well, that's enough too much for that.

And yes, maganda ako. Sabagay, yan talaga ang sinasabi nila, and I guess it's better kung maniniwala na lang din ako. Marami rin namang boys ang nagkakagusto sakin eh.

And another Yes, dahil tama ang pagkakakilala niyo sa'kin. Isa akong

BITTER

WAIT. WHAT? HELL NO! I'M NOT BITTER!

Its just that hindi ako naniniwala sa love. Or should I say? HINDI NA. Siguro naman malalaman niyo rin yung reason behind this. Hindi lang ngayon, I'm not in the mood to explain things right now.

Medyo magulo pa rin kasi ang isip ko sa mga pangyayari kanina. You know? That encounter with him. Siguro, medyo curious kayo kung sino siya. Kung iniisip niyo na siya yung reason behind this bitterness,

Oo na sige, bitterness na ang tawag dito. Bitter na kung bitter

Pero, nagkakamali kayo. Why would I be this bitter nang dahil lang sa ex-crush ko? Oo na. You read it right. He's my ex- crush. Take note! Its "EX" meaning, wala na. Tapos na. Past. Ganon, okay?

Sige na. Mukhang masyado na rin naman akong nasabi about my life. Kailangan ko na rin naman matulog. Alas-onse na, at first day ng second semester namin bukas. Definitely, kailangan ko nang matulog, baka mamaya niyan malate pa ko bukas sa first class ko eh.

Just SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon