3

18 1 0
                                    



  Halos 2 days na noon na di ako pumasok sa school dahil sa kahihiyan.
Halos ramdam ko noon ang pag iisa ko, ang kawalan nang pag asang mabuhay at kawalan nang taong masasandalan ko sa mga ganitong panahon.

At dahil sa lahat nang pasakit ay bigla ko nalang naisip na magpakamatay..

Hawak ko na noon ang isang lason... Handa ko na itong inuman noong bigla nalang magring ang phone ko..

Sa galit ay kinuha ko ito at sinagot.

Sino ka huwag ka nang tumawag dito .. Buwisit ka sigaw ko ..

Ah sorry wrong call... Tinig nang isang lalaki sa kabilang linya.

Kapal mo!!!! Wika ko sabay baba nang phone..

Ilang ulit na tangkahin kong inuman ang lason subalit ilang ulit ding naging distorbo ang new number na tumatawag sa phone ko ..

Sa galit koy... Binato ko ang cp ko ..pati ang lason at lahat lahat na nakikita ko sa boarding house ko...

Iniyakan ko nalang ang sarili ko hanggang sa napansin ko ang nakaenvelop na nahulog nang lalaking iyon..

Sa curiosity ay bigla ko nalang bunuksan ito..
Isang sulat..

Lily,

Musta ka na halos 2yrs na ang nakaraan... Subalit hindi pa rin kita malimutan. Ang daya mo hindi mo manlang sinabi na pupunta ka sa langit para sabay tayo... Miss na miss na miss na kita ehhh.... Lagi nalang akong pumupunta doon sa tagpuan natin .. Doon sa park sa tabi nang golden caffe nagbabasakali kasi akong darating ka... Nasaan ka na ba kasi....

Hhah baliw na ata ako gumagawa nang sulat na hindi mo naman mababasa kailanman.

Hindi ko man nabasa lahat ay nadagdagan ang pasakit nang aking buhay ..

Kaya pala sa tuwing nakakabunggo ko siya ay may lungkot sa kanyang mga mata ..

Subalit paano din ako bakit sa lahat nang pwedeng mangyari ay bakit nabasa ko pa ang pangalang lily..

Lily??? Isang pangalang kung pwede lang ay ayaw kong marinig pa.

2years ago..mababasa mo agad sa dyaryo ang balitang ito.

"Sa kuha nang CCTV ay makikita dito ang isang babaeng ginahasa at pinatay nang dalawang suspect na ngayon ay nahuli na"

Ako ang dahilan nang pagkamatay nang ate ko..

Highschool ako noon at college ang ate ko noong namasyal ako sa city at sa boarding house ni ate lily ako pansamantalang tumira

Isang gabi noon ay nag away kami at dahil mabait siya ay natalo ko si ate. Pinalabas ko siya sa kwato at inilock ko ito ilang ulit siyang kumatok pero nagbingi bingihan ako hanggang sa diko na alam kung saan siya pumunta.

Hanggang sa kina umagahan ay naibalita na ang lahat.

Halos patayin ako noon ni mama subalit pinigilan siya ni papa.

Halos 2years ko ding sinisi ang sarili ko..

At dahil sa mas matinding sakit na nararamdaman ko ngayon muli kong dinampot ang lason..

Subalit noong iinuman ko na ulit to ay nagring uli ang phone ko na kahit binato ko ay buhay pa pala.

Umiyak nalang ako nang umiyak hanggang sa dinampot ko ang phone ko .

5 missed called
At 1 message na mula din sa new number

..binasa ko yong message.

* xorie x call, x texx, i tought your my mom*

Kapal mo distorbo ka!!! Reps ko

*im so sorrie by the way im Heamer* tex nya

Nagpakilala ako noon hanggang sa napunta ang topic namin sa problema ko.

Sa mga panahon na yon kahit hindi ko pa nakita si HEamer ay sa kanya ako sumandal sa panahong malungkot ako.

Hindi na din ako nagklase dahil sa kahihiyan at kagustuhang malimutan ang lahat..at lahat nang yan ay inilihim ko sa mga parents ko.


THE WRONG CALLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon