III

29 3 0
                                    

Desperado na ko makamove-on. 

Pinilit kong paniwalain ang sarili ko na mawawala din to.

Na magiging okay din ako.

Na magiging masaya ulit ako.

Na katulad ng mga dating sakit na napagdaanan ko, kakayanin ko din to.

Nilibang ko ang sarili ko.

Nakipagkaibigan ako kung kani-kanino.

Dumating sa punto na hindi ko na alam ang ginagawa ko.

Kahit ako, di ko na makilala ang sarili ko

Nakalipas ang ilang buwan.

Akala ko okay na ko.

Akala ko naka move-on na ko sa kanya.

Akala ko may mahal na kong iba.

Pero lahat yun, akala ko lang pala.

Isang picture ang nagpabalik ng lahat ng sakit.

Isang picture na nagparealize sakin na siya parin pala talaga.

Isang picture nilang dalawa.

 Masakit parin pala.

At ang tadhana nga naman, parang nananadya.

Kasi kung kailan ko narealize na mahal ko parin pala siya, dun ko naman sila madalas makita.

Masaya na siya, sa piling ng iba.

At yun ang mahirap tanggapin. 

Ang katotohanang hindi na ko ang nakakapagpasaya sa kanya.

Hindi na ako ang dahilan ng bawat ngiti at tawa niya.

Bakit nga ba nakakaya niyang maging masaya ng wala ako?

Bakit ako hindi ko magawa.

Nakakulong parin ako sa alaala naming dalawa.

Naiwan parin pala ko sa lugar na akala ko, matagal ko ng natakasan.

Gusto ko siyang bawiin.

Gusto ko siyang muling maging akin.

Gustong kong sabihin na kami nalang ulit.

Na ako na lang ulit.

Na akin nalang siya ulit.

Na mahal ko pa siya, na hindi ko kaya ng wala siya.

Pero alam kong hindi na pwede.

Pag mamay-ari na siya ng iba.

At alam kong makakagulo lang pag pinilit ko pa.

Lagi kong sinasabi sa sarili ko na tama na.

May iba na siya, at sa iba na umiikot ang mundo niya.

Na hindi na ako ang kailanagan niya.

Na iba na ang laman ng puso niya.

Pero ang hirap tanggapin.

Apat na taon. 

Apat na taon akong naging masaya.

Pero hanggang dun na nga lang ba?

Akala ko ba forever?

Nasan na nga ba yung pangako namin sa isa't-isa na kami habang buhay?

Hindi na ba talaga pwede?

Hindi na nga ba siya babalik?

Alaala na nga lang ba ang meron kami?

Iba na ang mahal niya, iba na ang kasama niya magarap.

At ako?

Naiwan sa aming nakaraan.

Sa aming nakaraan na akala ko wala ng katapusan.

Hanggang dito na nga lang ba kami?

Wala na nga ba talaga kaming chance?

Ito na nga ba ang aming finish line?

Ito na nga ang ending ng istorya naming dalawa?

Ewan ko.

kasi hanggang ngayon,

Umaasa parin ako na babalik siya.

The EndingWhere stories live. Discover now