Chapter 15:Valentines Day Ball Part 2

6 0 0
                                    



Sharlene's pov

What is he doing ? All I remember was walking towards a fast food joint. Aluh bahala siya gutom na rin naman ako ,pumasok na kami sa Mcdonalds with his hands tightly holding my hands and his jacket covered in me.

Pinaupo niya na ko sa isang table na malapit sa bintana na ang katabing lamesa ay puro lalake at yung isa ay puro babae at iniwan niya na ko para umorder ng pagkain namin ,alam niya na naman ang gusto ko.

As cliche as it sounds ,unti unting pumatak ang ulan dahilan upang mabasa ang bintana.

Kasabay ng pagpatak ng mga ulan ay ang pagpatak ng aking mga luha at dahil doon nagtinginan ang mga tao sa akin.

~Bes naiyak siya kawawa naman,baka kakabreak lang nila ng BF niya katulad nung sa commercial ng McDo ~

~Gaga ka ba ,yan mmay boypren eh ang pangit niyan eh apat ang mata~

~Sobra naman kayo ganda niya kaya ~

~Boundary!di ka po namin kasali sa usapan~

Nagsitawan sila pero yung katabi naming lamesa nakatitig sa akin ang creepy.

~Shete pare ang ganda kuhanin mo number~

~Anong ako?ikaw na lang di pa ako tapos kumain ng fries ko~

Akmang tatayo na ang isa sa kanila ngunit bumalik na si Nash dala yung pagkain namin ,napailing nalang siya at tinignan ng masama yung mga lalake .

"BABE bakit ka umiiyak di mo ba nagustuhan surprise ko kanina?"Tanong niya sa akin ng malungkot at pinaparinggan yung mga lalake.

"Nagustuhan ko babe kaso nagkalat na pala ang mga chismoso at chismosa ngayon"sagot ko sanhi upang mapaiwas sila ng tingin .

"Sorry po kung maaabala ko po kayo ,May kamukha po kayo "Sabi nung isang babae mula sa table .

"Ah.....eh......wala po"Sagot ni Nash

"Sige salamat po"at umalis na yung babae.

With that we continue what everyone else is doing at nilantakan ko na ang burger at fries ko.

"Oh baka nakakalimutan mo may sundae ka pa "Patawang sabi niya.

"HA-HA-HA"Wika ko na may sarcasm .

"Bakit ka nga pala umiiyak?"Tanong niya sa akin , nabulunan tuloy ako.

"Oh eto coke"Wika niya sa akin

"Wala crush problems lang"Sagot ko sa kanya na dapat hindi ko na sinagot kasi knowing him lalo pa niya akong kukulitin.

"Sabih--"Bago pa siya magbitaw ng mga salita pinigilan ko na siya.

"Mamaya ko sayo sasabihin full details" Wika ko sa kaniya para mapatahimik na siya at i-enjoy ang pagkain ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What If??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon