Achiever naman ako nung elementary at highschool e. In fact, grumadruate akong silver medalist sa elementarya at 2nd honorable mention sa high school.
Second honorable mention lang.
It wasn't what everyone wanted. They wanted me on top. They wanted me to achieve more as if it would elevate themselves from their academic inadequacies.
"I thought you were smart? You should've topped your class."
"Bakit second honorable mention ka lang? Puro ka lang kasi computer, hindi ka focus sa pag-aaral."
But still, despite what they had said and what I had heard, I was quite proud of myself. Not everyone gets to be an honor student you know!
So college came, and I took on engineering- which was never the path I've ever thought of taking.
Akala ko, madali lang.
Akala ko, pansit lang. Kasi nga 'di ba? Honor student ako. Honor student ako nung highschool.
Pero mali. Isang malaking pagkakamali. Bakit? Hindi pa pala ako 'well-equipped' para salubungin ang hamon ng Trigo at Algebra. Hindi pala kami friends ni secant at cotangent. Masakit pala sa ulo magmemorize ng identities. At higit sa lahat, nakakarindi pala ang walang katapusang paghahanap ky X at sagutin si Y, isama mo pa ang pambubulabog ni Z.
Magulo. Parang gusto ko ng sumuko. Pero nung tinanong ako ni mama, "Kaya mo pa ba? Mag-shift ka na lang kaya?"
Mangitak-ngiyak kong sinabing 'oo, kaya pa.' Yan, pabida pa more. Kaya pa ba talaga?
Oo kaya pa. Para to sa pamilya.
Oo kaya pa. Para sa pangarap.
Oo kaya pa. Hindi ako susuko dahil ayokong mapahiya.Ayokong masabihan na, sa pag-aaral nalang ako magaling, pumalpak pa.
Ayokong masabihang nagmayabang pumasok ng pag-iihinyero pero mahina pala.Ayoko. Kaya panindigan ko to.
Wow second year. Umabot ako ng ikalawang-taon sa pagiging civil engineering kuno.
Panibagong mga kaibigan at kalokohan. Panibagong mga guro. May mga chill lang at may mga beastmode simula pa lang ng taon.
Panibagong subjects na feeling major at major na minsan hindi ko maintindihan ang kahalagahan.Pero ika nga ng chill kong titser, "Study hard but party harder motherfuckers." Ay mali, baliktad pala.
And for the first time, I was slapped with the reality that I wasn't smart enough. Hindi pala basehan ang pagiging consistent honor student nung elementary at highschool para masabing magaling at matalino.
I wasn't as bright as I thought I was.
At masakit ang realisasyon na 'yon. Nakapanlulumo. Napapatanong ka nalang sa sarili mo ng;
Saan ako nagkamali?
Saan ako nagkulang?
Puta, ganon na ba talaga ako ka bobo?
But as the elders say, life must go on.
Life must go on kahit na cinco sa Integral Calculus at bumagsak for the first time in forever.
Dahil walang pakialam si Life kahit madapa ka. Walang time si Life hintayin kung kelan ka makakahabol sa agos ng buhay. And definitely, walang pake si Life na mukhang nagkamali ka talaga ng daang tinahak sa buhay. Nagmove-on na si Life, papahuli ka ba?
Pinasok mo ang masukal na kagubatan kahit na may concrete road pavement namang pwedeng daanan.
At syempre, kahit nangangatog ang tuhod, kelangang sabihin sa mga magulang ang kapalpakan.
Pa, bumagsak ako. Sorry talaga.
Putek. Sana ganun lang kadaling sabihin. Ayokong makita ang disappointment sa mukha ng papa ko pero kelangang sabihin dahil am not a layarrr.
Pero syempre dahil supportive si ermats at erpats o dahil wala lang talaga silang choice, pinayagan akong magsummer class.
For short, goodbye gala. Until next time.
So summer class started. Integral Calculus take two.
Pumasok ang isang prof na ... weird ang porma, isama pa ang bag na kasya ang buong classroom at salamin sa matang kadalasan ay suot ng mga bulag na namamalimos sa kalye. Hindi ako judgemental. Hindi talaga, pero sir? FYI, mukha ka pong ermitanyo sa buhok at bigote nyo.
Umusad ang mga araw.
Mas naging close kami ni Angel, barkada kong ubod ng hinhin at katahimikan. Magbarkada kami pero hindi kami ganon ka close kasi ... tahimik ako pero mas tahimik siya. Uy pero wag ka, dahil parehas kaming bagsak, nagkaroon ng sparks. Nagconnect kami in an insant!
... At mas marami akong nakasalamuha na kagaya ko rin bagsak. Yung feeling na,
Uy. Bagsak ka rin?
Oo bes. Sad nu?
I feel you.
Umusad na naman ang mga araw. Papalapit na ang end of summer. Sa wakas! Freedom is so near!
Pero waits, si Sir Ermitanyo ... Biglang nagka-manyak vibes?
Ayy sir. Wag ako ha. Ganito lang ako pero dehins me pumapatol sa gors.
But anyways thank you. Kasi finally, on my second take, sa wakas pumasa na. Subalit take note, pasyensya na pero never ko i-aaccept friend request mo sa facebook. Ano ka? Sinuswerte?
Moving on, habang nakasakay ako ng jeep pauwi sa , ehem, 'highlands' para ibalita ang magandang balita, nahagip ng aking mga mata ang magjowang naghaharutan sa kabilang upuan.
Grabe sila o, PDA much?
Hala baka sabihin nyong bitter ako. Hindi a. Hindi talaga. Eh bakit ako magiging bitter e never naman akong nagkalove-life?
Let's not even breach that topic.
'Wag.
Pero sige, since mapilit ka, ganito kasi 'yon.
He loves someone else.
Tapos hindi nya ako kilala.
Ang sakit no?
Pagka-uwi ko sa bahay, nasa akin nakatuon mga mata nila. Para bang nagtatanong, 'O, ano, ayos na ba?'
Syempre. Ako pa.
