MY LiFE (true Story Of Mine)

237 1 0
                                    

Hi im mac , isa po akong lesbian,kinder palang po ako nung nag kagusto na ako sa kapwa ko.

Kahit bata pa po ako kating kati na ako sa mga damit na pambabae pag pinapasuot ako nun kahit nga mga laruan na nakahiligan ko ay talagang mga panlalaki. Bata palang ako napapansin na o nakikitaan na ako ng kakaiba dahil sa mga kilos ko. At puro mga lalaki rin ang  mga kalaro ko, nung una umiiyak pa nga ako pag  tinatawag akong TOMBOY pero nung ng grade school na ako dun ko naisip na Babae ang gusto ko.ahahaha

Oh db alam na ? hehehe

Tandang tanda ko pa nung grade two ako  ng ka sakit ako ng dengue. kasali pa nman ako at ung crush ko sa activities ng school that time at di ako nakasama. sa ospital pa ako ng Birthday, db ang saya pa nman mag birthday pag kasama mo crush mo? Aminin :D

Natapos ang elementary life ko madami rin akong naging crush sa school. Pero syempre sa panahon noon hindi ko pa naisip na manligaw o magka girlfriend tignan ko lng kong hindi ka paluin ng magulang mo.ehehe

High school life is the BEST dyan ko naranasan mgmahal,maging Masaya,at masaktan narin.

Nakilala ko ang isang bababe na unang nagpatibok ng puso ko.

Si Melody isang babae na simple,may pagka masungit pero pag naging close mo e ok naman pala.

Sa una naging crush ko lang siya hanggang sa hindi ko namamalayan na nahuhulog na ako sa kanya.

I was hurt for the first time kasi hindi siya pumapatol sa katulad ko dahil tiyak hindi ito matatanggap ng pamilya niya.

Ou minahal ko siya, lagi lang ako nakamasid sa kanya sa malayo naging mahirap sa akin ang kalimutan siya at huwag na pansinin ang aking nararamdaman para sa kanya.

Naging magkaibigan nman kami. Ngunit hindi ko maiwasan na mahalin parin siya hanggang natapos ang taon.

Muli kong binuksan ang aking puso. Masaya ako nung nakilala ko c Francia. Siya ang nagpasaya sa akin ng bigay kulay ng buhay ko. Naging malapit na mag kaibigan kami. Harutan , kopyahan sa assignment , chismisan at  kung ano-ano pa. nahulog ang loob ko sa kanya sa una hindi ko agad naamin sa kanya na gusto ko siya.

Nalaman kasi ng kaibigan niya na gusto ko siya simula noon hindi  ko na nagawa na itanggi pa ito sa kanya. Ilang buwan rin ang lumipas mas naging malapit lalo kami at biglaan nalang na minahal namin ang isat-isa.

Masaya ang naging relasyon namin open kami sa mga close friends nmin, masasabi ko na napakasaya ko kasi tinanggap niya ako. At kahit alam namin na magagalit ang magulang niya pag nalaman ito itinago namin un.

Pag pumupunta kami sa kanila magkaibigan ang pakilala niya sa akin. My mga moment na palihim kong hinahawakan ang kamay niya at ikinakatuwa naman niya.

Buti nga di kami nahuhuli e ehehehe

Ilang buwan lang ang naging relasyon namin dahil sa bata pa kami hindi pa niya kaya na suwayin ang gusto ng kanyang mga magulang maayos nman ang paghihiwalay namin.

Masakit man pero db nga dapat ipagpasalamat nalang rin natin na may isang tao na dumating at minahal tayo kung sino at ano tayo.

Marami akong naging girlfriend after break up namin pero sa text lang nman po, dun ako natuto mag loko sa dami ba naman ng tymer ko e minsan nalilito na ako hehehe kaya ang tawag ko sa lahat ng gf ko ay baby at para di mahuli sa kalokohan ko nilalagay ko sa name nila kung wat day naging kami ehehe  aminin kayo rin ganyan ?

MY LiFE (true Story Of Mine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon