Just A Boy

1K 33 60
                                    

Bago ako magsisimula, gusto kong magthank you sa mga nagkamaling buksan at e-add ito sa inyong Reading List.
At dahil as pagkakamali niyo, wala na kayong choice kundi basahin ito. Hahahaha
Joke lang...
Basta, Super thank you sa mga nagbabasa, magbabasa pa lang at sa mga napadaan sa istoryang ito.
LABLABLAB from

PROLOGUE

"Mine!"

"Mine!"

"Mine!"

Naririnig nilang sigaw ng mga naglalaro ng volleyball sa voleyball court habang sila'y nagpapahinga sa ilalim ng puno ng mangga.

"Kailangan ba talagang sumigaw ng Mine?" tanong ng lalaking nakaitim na damit na may hikaw sa tenga. Naaasiwa siyang pakinggan ang paulit-ulit na pagsigaw ng katagang "Mine" ng mga naglalaro ng volleyball.

"Iyan ang isa sa pinakaimportanteng rule sa paglalaro ng volleyball. Hindi mo ba yun alam Bundoc?" sagot ng lalaking may hawak-hawak na makapal na libro na may suot na salamin.

"Tsk. Ang alam lang naman kasi niyan mambabae." nakangisi namang sabat ng lalaking naka jersey na pinaglalaruan ang kanyang bolang pambasketball.

"Takte naman! Ang dami niyong sinabi, di niyo naman nasagot yung tanong ko." pagrereklamo ni Bundoc.

Napailing na lang si Mimay. Alam niyang hindi sila nito titigilan hangga't di pa nasasagot ang walang kwentang tanong nito. Itinabi niya muna ang kanyang hawak-hawak na libro na kanina'y binabasa niya at tiningnan si Bundoc.

"Alam mo, sa paglalaro ng volleyball sabi ko nga kanina importante sa rule ang pagsigaw ng 'Mine'." ibanaling niya ang tingin sa mga naglalaro. "Dahil sa oras na sinabi mong Mine ibigsabihin ikaw ang titira ng bola, at di na kayo mag-aagawan sa pagtira nito."

Napaisip naman si Bundoc sa sinabi ng kaibigan. "Eh pano kung sumigaw yung isa ng Mine, pero di naman pala sakanya mapapapunta ang bola?"

Natigil sa paglalaro si Echague ng kanyang bola. "Nag-iisip ka rin pala kahit papano noh." tiningnan siya ng masama ni Bundoc. Nakakainis talaga 'tong dalawa niyang kaibigan, akala nila babae lang ang laman ng utak niya, nagkakamali sila. Kung hindi niya lang ito kaibigan, ay! hindi, kapatid na pala ang turing niya dito, kanina niya pa ito pinagsusuntok.

Maya-maya lang kanya-kanya na silang direksyong dinaanan. Magkaiba kasi ang mga kursong kinuho nilang tatlo, at ang bawat isa sa kanila ay may kanya-kanyang pagkakakilanlan.

Si Bundoc, ang badboy at chickboy sa kanilang unibersidad na walang alam kundi mambola 'raw' ng babae.

Si Mimay, ang gwapong neird look na ubod ng talino sa kanilang unibersidad na siyang ipinagtataka ng mga kababaihan kung bakit siya naging kaibigan ni Bundoc.

At si Echague, ang varsity hearthrob ng unibersidad. Gwapo, magaling magbasketball at sa iba pang sports, matalino din at sabi nga nila nasa kanya na raw lahat ng hinahanap ng mga babae.

Just A BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon