CHAPTER 4 - Feelings.

13 0 0
                                    

CHAPTER 4

*after 3 weeks*

[ROJ's POV:]

Break time na namin ngayun.

Kasama ko ngayon yung mga kaibigan namin ni Tyrone.

"Ok guys, bato bato pik tayo. Ang manalo sya ang magsa-suggest."

Yung nag sabi nyan ay si Jet Hermosa. Kaibigan namin. Chubby, leader ng klase namin, matalino, tsaka maputi.

"Game! Dali!"

Yan naman, si Luke Norobo. Matalino, medyo matangkad, at ang tatay nyan pastor. Kaya tingnan mo pangalan, galing sa bible.

*bato bato pik*

"Yes!!!! Nanalo ako!" -Tyrone

Tumingin bigla sakin si Tyrone. Nako, wag. Iba na to.

"Ano yung laro natin?"

Si Jon Ellie Velasquez. May nerd glasses (pang-porma daw), namumula lagi, tapos tahimik.

"Paaminan ng crush!" -Tyrone

"Eh?! Laro ba yun? Iba na lang! IBAHIN NA YAN! IBAHIN NA YAN! IBAHIN NA YAN!" -ako

Chant ako ng chant dun ng 'IBAHIN NA YAN!' wala rin palang sasabay sakin -____-

"IBAHIN NA- okay sige yun na lang." -ako

"Baliw." -Jon

"Una tayo kay...." -Tyrone

"Sana wag ako. Sana wag ako." -sabi ko ng paulit ulit habang naka-cross fingers.

"KAY ROJ!" -Tyrone

"Urrrgggghhhh! Pang-asar ka talaga!" -ako

"Ano na Roj? Siguro may crush ka?" -Luke

"Nakoooo! Di mo sinasabi samin ah!" -Jet

"Wait lang! Tigil okay?" -ako

"Ano nga? Sino?" -Tyrone

"*hinga ng malalim* si Clara." -Ako

Oo. Crush ko na sya.

"OOOOOWWWWW!!!!!!" -Luke

"YES NAMAN ROJ!" -Jon

"BINATA KA NA BRO!!!!!" -Jet

"Bad news bro." -Tyrone

"Ano?" -ako

Nako. Saya ko na eh

"Di ka na crush ni Clara." -Tyrone

"Ha?" -ako

"Owww." -Luke

"Saklap." -Jon

"Wag mo idibdib yun bro. May likod ka pa." -Jet

Eh?! Ang corny.

"Naging crush ka kasi ni Clara. Simula pa nung nakita mo na nakaluhod sakin si Clara. Actually yung tototo, nakaluhod sya kasi alam nyang sasabihin ko sayo na naging crush ka nya kaya nag-makaawa sya sakin na wag sabihin sayo. OA sya, lumuhod." -Tyrone

"HINDI PWEDE!" -ako

"Eh?!" -Luke

"Wag nang asa bro." -Jon

"Bro, tama yan! Di mo dinibdib! Kasi may likod ka pa!" -Jet -___-

"Anong pinagsasasabi mo dyan?" -Tyrone

"Di ho ako papayag na hindi na ako crush ni Clara." -ako

"Anong gagawin mo?" -Luke

"Da mubs bro!" -Jon

Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon