Chapter 1

101 5 0
                                    

To God be the glory...

**

Akie Lopez (the bright and bubbly fashionista)

"Kie, kukuha lang ako ng seasoning." paalam ng tahimik kong kakambal na si Sheby, tinanguan ko siya at nag thumbs-up. Walang sabing umalis siya at pumunta sa seasoning section dito sa grocery store.

"How about beef tenderloin, Kie?" tanong sakin ni Carmela habang hawak ang tong at isang plastic, nasa beef section kasi kami. 

"Pwede rin, 200 lang budjet natin para dyan ah." sabi ko, hindi naman siya sumagot. Malamang snob yan eh. 

Kumuha na siya at ibinigay sa babae na mag-titimbang.

"Ate, wag mo muna lagyan yan ng presyo, paki check na lang po muna kung magkano." ani Carmela kay ateng but I doubt that she heard her, busy kasi siya sa pakikipag-chika sa katabi niyang sales lady, tsk tsk. 

I saw how Carmela rolled her eyes at napailing, ayan magmamaldita na naman yan eh. 

Saglit lamang tinapunan ng tingin ni ateng si Car at nagbalik na ulit sa pag chichika habang hindi tinitingnan ang tinitimbang niya, nakita ko ang paglagay niya ng price tag sa beef, aangal na sana ako pero pinigilan ako ni Venise.

"Don't talk, just watch." she said as she smirked. Napa-iling nalang ako, mukhang masasampulan si ateng, hay.

Inilahad niya ito kay Carmela habang hindi siya tinitingnan, nakikipag-chika lang siya sa kaibigan niya, bastos rin to. Can't she do her job with proper etiquette? 

Naramdaman niya siguro na walang tumatanggap sa inilahad niyang beef tenderloin kaya sa wakas ay napatingin siya sa direksiyon namin. I just looked at her with an alinlangan smile, habang naka- cross arms naman si Carmela sa harap niya at nakataas ang kilay. Nako.

"Magkano?" maarteng sabi ni Carmela, nakikita ko ang pagpipigil niya. 

Kumunot naman ang noo ni ateng dahil sa tono ni Carmela. 

"230 po mam." aniya, at hindi nakaligtas sa mga mata ko ang sekretong pag-irap niya.

"Tanggalin mo ang price tag, babawasan ko." ani Carmela, I saw how the girl pursed her lips. 

"Pero mam, nalagyan ko na po eh." aniya, nagpipigil din. 

"Sinabi ko bang lagyan mo? Tanggalin mo." sabi ni Carmela na ngayon at nakapameywang na.Yung si ateng saleslady naman na kausap niya kanina ay parang hindi mapakali sa tabi niya.

"Papagalitan po ako mam, sana sinabi niyo--"

"Ate, pakihanap ng pake ko. And for your info sinabihan kita kanina na timbangin mo lang, hindi kasi matigil iyang bibig mo kakadaldal diyan sa katabi mo. Now, if you don't want to lose your job, do it properly." pagtitimping sabi ni Carm, hinigit ko na siya palayo doon habang nakasunod naman si Venise dala ang cart, pinagtitinginan na kasi kami. Why did I even let that happen?

"Damn it Carm, calm down." natatawang sabi ni Venise, isa pa to eh.

Tinaasan lang siya ng kilay ni Carmela at sabay pa silang nag high-five. Napabuntong-hininga na lang ako. Sasakit tlga ang ulo ko pag sila lang dalawa lang ang maiiwan.

"Don't blame me, she's so damn stupid." ani Carmela, alright kasalanan rin naman ni ateng 'yon eh.

"Paano na yan? Wala na tayong beef." sabi ko.

"Bibili nalang tayo sa palengke, mas mura pa don." sabi ni Carmela at sabay na silang pumila ni Venise sa counter. 

Well, sa palengke na nga lang. Kinuha ko ang papel sa bulsa ko at chineck kung nabili na ba namin lahat except sa beef, dalawang bagay lang ang hindi naka cross-out sa listahan, which means may kulang pa. The other one is beef and ... seasoning! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The QuadrupletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon