First and Last.

1K 41 19
                                    

Ako si sheng 17 yrs old.

So eto ako ngayon, minamake upan ng pinsan kong bakla Hoping na sana may maitulong yung make up para gumanda naman ako, kahit konti lang. At kahit ngayong araw lang.

Ngayon kase ay ang aming royal ball.

Sana talaga maging perfect ang araw na to para sakin.

4 pm na ng maka dating ako sa school namin suot ang gown kong hiniram pa ni mama sa kapit bahay..

Pag dating ko sa main venue nag si tahimik ang mga kaklase ko. Akala ko talaga nagandahan sila sakin.

Pero akala ko lang pala yun.

Nag tawanan sila dahil ang panget daw ng pagka make up sakin.

Maitim na eyeshadow parang sinapak ng adik sa kanto. Yan ang sabi nila.

at para hindi mapahiya or PARA HINDI NA PAGTAWANAN pa ay binawasan ko ng kulay.

Hanggang sa maging light nalang.

Langya talaga yung pinsan ko.
Akala ko papagandahin ako pero kabaligtaran lang pala.

"And here they are the Grade 11 students, let's give them around of applause." sabi ng mc sa stage.

so ayon na nga ang grand entrance. Kailangan ng patner para mag walk in the aisle with red carpet.

Kanya kanya na silang partner.

At ako? Ni wala manlang nag tangkang i partner ako.

Ay meron pala. Yun ay ang classmate kong si henry.

Pero di sa kung ano ah?

Ayoko syang kapartner dahil,

Uhhm. Hindi sya maayos?

I mean parang di kase sya naligo or nag toothbrush manlang. Uhmm kase,

Basta hindi sya yung ine expect kong maging partner.

Kundi si ano,

Si crush.

Kaso may partner na sya eh.

At kung wala man, Di din ako pipiliing maging partner nyan.

Magaganda kase gusto nya.

Eh ako? Maganda lang.

Maganda lang yung Ugali.

Hayyst! So ayun, naki usap nalang ako sa isa kong classmate na partneran ako.

Close ko naman yun eh. (Kahit papano)

Kaya lang sabi nya habang nag lalakad kami sa gitna at naka focus samin yung spot light...

" kaya lang kita pinartneran kase naawa ako sayo."

Diba? kina awaan pa ko?

Hayst! Di ko alam kung dapat ba akong mag pasalamat sa kanya eh.

So ayun maayos na dumaloy ang party hanggang sa...

Napalitan ng slow music ang kaninay nag huhumiyaw na tugtog

Nag sipuntahan ang mga lalaki sa gitna habang bitbit ang inaya nilang mga babae para sumayaw.

Alam ko to,

Nababasa ko to sa wattpad eh.

Sana may mag yaya din sakin sumayaw.

So ayun naka upo lang ako.

Nag hihintay habang pinapanuod yung mga classmates kong busy makipag sayaw sa kanikanilang crush.

Dumaan ang mga minuto pero wala pading nag yayaya sakin.

Last dance with my Crush. (short story COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon