Dennise POV
"Saan mo ba talaga ako dadalhin huh?" tanong ko kay Dority naku kay liit liit nitong Bestfriend ko pero tignan niyo kung makahatak sa akin wagas ni hindi man lang sabihin sa akin saan kami pupunta basta nalang niya ako hinatak sa sasakyan niya at lokong dirver naman pinaandar naman" HOY BABAE naririnig mo ba ako saan mo ako dadalhin?"
"uhmm ano uhmmmay naku BESSYY!!! Basta stay put ka lang dyan mag relax ka muna okey ako na tetense lalo sayo eh" sabi niya na panay tingin sa wrist watch niya ano ba talaga meron?
"BESSY?! Naririnig mo ba sarili mo? Relax aman ako ikaw nga dyan ano ba meron? Kung sinabi mo nalang nyan sa akin e hindi naman ako magagalit" sabi ko sa kanya bat ba kasi tense na tense siya imbis na ako ma tense sa kanya e siya pa e ako na nga etong kinidnap niya siya pa etong di mapakali nag pout nalang ako yung para bang nag tatampo haist hirap
"sige na nga sasabihin ko na" hay sa wakas sasabihin din aman pala eh ito talagang bessy ko hahaha hindi naman kasi niya ako matitiis huminga muna siya ng malalim then nagsalita ulit siya " Dadalhin kasi kita sa mga feauture in law's mo " sabi niya sa akin
Wait wait ano daw
Loading %
Loading %
Loading %
"WHAT ?! Anong Feauture in laws...baliw kana ba Bessy paano ako nagkaroon ng in laws ng hindi ko nalalaman aber?"
"kasi ay naku bessy lalo mo ko nilalagay sa hot sit eh pwede maya nalang kapag naka usap mo na sila" sabi ni bessy habang pinupunasan yung pawis niya sa noo
"Best alam mo para kang timang dyan lam mo ba...?" sabi ko sa kanya then i rolled my eyes ays nako pati kasi ako napapaisip eh
-------------------
So ano ginagawa namin dito sa mala mansion yeah dito nag stop ang kotse na sinasakyan namin ng magaling kong bessy
"best naliligaw ata tayo" sabi kay bessy pagkababa niya
"nope best dito talaga punta natin" pagkasabi na pagkasabi sa akin ni Best yun ewan ko huh parang may di maganda eh kinakabahan nako ngayon >,<
Biglang nagbukas yung pinto lumabas yung mga naka men in the black suit
"Nandyan na ba sila Tito?" tanong ni bessy sa mga yun
"yes ma'am hinihintay na po kayo nila sa may sala"
"okey"
Ayus ahh parang sa movie ko lang sila dati nakikita ngayon sa personal na ibang klase talga mga men in the black e
“Dennise ..uhm ..uhmm..ano uhmmm kasi gusto ka kasi Makita nila tito uhmm best...”
Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito si best eh hahaha para siyang ewan eh basta naku heto kami ngayon nasa loob na ng bahay na mala palasyo shet i just can’t believe na makakapasok ako dito
“Ma’am Dority pinapatawag nap o kayo nila Señora” sabi nung maid nila dito sa bahay na ito social hahhaah
“okey sige sandal nalang kinakausap ko pa si bessy eh” aba aba si bessy ibang iba talaga siya ngayon ano meron?
“best? Ano ba talaga meron? Huh para ka talaga sira ngayon e?lam mo ba?”
“basta best ...pakinggan mo nalang sila sa mga sasabihin nila intindihin mong mabuti di ba mahilig ka naman mag solve ng mga problem solving sa math so this time i want you to solve this problem kasi alam ikaw lang talaga makakatulong sa kanila promise me na iso-solve mo ito” sabi ni bessy habang hawak hawak niya ang kamay ko
“ok sige kahit hindi ko alam anong problema yun”
“sabi mo yan ahh...tara pasok na tayo sa loob” aya niya sa akin at ayun pumasok na kami doon sa may silid
“Tita...Tito..si Dennise po” sabi niya doon sa mga naka upo doon mag-asawa siguro ito
Biglang lumapit sa akin yung babae at niyakap ako “ Thank for coming hija..sabik na sabik na kaming Makita ka kung alam mo lang” sabi niya
Anong meron? Sino sila?
“hija don’t worry hindi kami nangangagat” sabi naman nung asawa nitong yumakap sakin anyway nagtataka lang naman po ako ano po ba talaga meron?
“oh anak nandito kana pala” napalingon ako si Dad?
“Dad?...bat po kayo nandito?” oh well dito na talaga ako magtataka pati si dad nandito
“ah may gusto kasi akong pakilala sayo anak isang taong matagal ko ng hindi nakakasama dahil sa isang maling akala..isang akala na hindi naman pala totoo”
“po?hindi ko po kayo maintindihan”
“Micaile i want you to meet your Lolo Ferdinand” lumabas sa kung saan ang isang lalaking matanda na wey kamukha ni papa ah kahit walang edad wait LOLO ko puwera biro lolo ko nga?
“DAD?hahahah grabe ka mag joke di ba sabi niyo matagal ng wala ang lolo ko? Hahaha tindi di ko carry ....” ngumiti ako ng mapakla well di talaga magandang biro ito eh ano ito ibig sabihin ba nila nyan hindi totoo yung mga sinasabi nila wow...naman what a day
“No hija, I’m sorry hindi ko sinabi sayo ang totoo na buhay pa talaga ang lolo mo..matagal ko ng gusting sabihin sayo ito pero wala akong lakas na loob para ipagtapat sayo kasi lagi akong nauunahan ng takot baka magalit ka saamin dahil itninago naming ang totoo sayo sana anak maintindihan mo kami ng Mommy mo”
“hay ano pa nga ba magagawa ko” lumingon naman ako dun kay lolo sa totoo lang familiar siya sa akin “ wait nag kita na po tayo?”
“ehem...di mo ba ako nakikilala hija?” sabi ni lolo Ferdinand na naka ngisi pa
Lemmi think saan ko nga ba siya nakilala?
Flashback
Nakakita ako ng isang matanda sa tapat ng school naming nagtitinda siya ng mga candy,cigarette etc...nagliligpit na siya mukhang pauwi na
Nilapitan ko siya tulungan ko na siya pauwi na din ako
“ Lo, kailangan niyo po ban g tulong?”
“ay hija salamat” sabay sabi niya
Tinulungan ko si lolo na magligpit sa mga paninda niya
“ahh lo saan po ba kayo nakatira?” tanong ko sa kanya habang naglalakad kami
“ ahh sa may Del Pilar lang”
“ay sabay na ho kayo sa akin dadaan din po ako dun e” alok ko sa kanya
“ay hija huwag na nakakahiya naman sayo tama na ito atleast may tumulong sa akin magligpit sa mga paninda ko”
“ay nako lolo wala ho yun...tara na ho sabay na ho kayo sa akin baka abutan pa kayo ng ulan o” sabay tingin ko sa may kalangitan
“ hay o siya sige...makulit ka kasi total nagmamadali na rin ako” sabi niya “ salamat huh” sabi ulit niya
“ naku lolo ilang beses na ho ba kayo nagpasalamat sa akin?” sabay tawa ko
Hinatid ko si Lolo sa may Del Pilar Street total dadaan din naman ako dun dinaan ko na siya
“ ingat ka sa pag-uwi hija huh”
“salamat po lo kayo din po”
End of the Flashback
Hahahah grabe di pa rin pumapasok sa isip ko e lolo ko ba talaga siya
LOADING %
LOADING %
LOADING %
Lighbulb
“LOLO!...” sabay takbo at niyakap ko siya
“ so natatandaan mo na”
