The Heart breaker and the Researcher

2.3K 22 6
                                    

Alas siyete na ng gabi at hindi pa rin nakauwi si Ali sa kanilang bahay sa San Antonio. Halos

limang oras na siyang nagpapalipas ng kanyang sama ng loob dahil sa madramang break-up nila

ni Sticks sa kanilang campus. Naka-walong missed calls at 26 na text messages na ang kanyang

natanggap galing sa kanyang ama subalit hindi pa rin nito pinapansin. Kasabay ng pagbuhos ng

ulan ang kanyang luha na ilang saglit lang ay mapupuno na nito ang isang baldeng kasing laki ng

gomang basurahan sa kalye. Pawang isang malaking trahedya ang kanyang dinanas nang nakita

niyang naghahalikan ang kanyang pinakamamahal na kasintahan at ang kanyang pinakamalapit

na kaibigan. Walang kapantay ang sakit na kanyang nadama at tanging musika na lang ang

makapaahon sa pagiyak ng pusong nagdurugo.

‘Ali, ano ka ba naman? Maling format ang ginamit mo. Diba’t nasend ko sayo ang edited format

ng research paper natin kagabi? Okay ka lang ba?’ Hindi pa rin maipinta ang mukha ni Ali. Bakas

parin sa kanya ang sakit na kanyang dinadala. Hanggan ngayon ay hindi pa rin sila naguusap ng

kanyang ex dahil ibinura nito ang phone number.Pasensya ka na, Roxanne. Masama lang talaga

ang pakiramdam ko ngayon at hindi kasi ako nakaonline kagabi. Pinagalitan kasi ako ni mama.

Sorry talaga. Di bale, irerevise ko lang tong ginawa ko. Hihingi lang ako ng hard copy ng format.

Okay lang ba?’ Pilit na binabawi ni Ali ang kanyang sarili. Susubukan niyang kalimutan ang

nangyari. Kahit ilang milyong band aid ay hindi kayang ihinto ang pagbuhos ng dugo ng puso ng

dalagita.

‘Weeks from now magaganap na ang oral defense at hindi pa rin natin natapos at nafinalize ang

research technical paper. Kailan pa ba kayo magiging mas responsable bilang isang

estudyante?’ Kitang kita na nakokonsiyensya si Ali dahil sa kapabayaan ng kayang tungkulin

bilang assistant leader ni Roxanne. Distracted ang dalaga dahil sa mabilis na pangyayari na

parang isang pikit lang ay wala na sila ng kanyang kasintahan. ‘Martina at Ami, kayo na ang

bahala sa appendix natin. Collect the pictures, letters, and the procedures that we used. Cedric

at Charles, please follow up the corrections made by Mme. Cabando and report it immediately

to me or sa kay Ali. Allison and Jad, kayo bahalang magproofread ng research technical paper

natin. Dapat sabay kayong gumawa coz’ hindi ko gusto na maghati-hati kayo ng assignments,

give your best with every single tasks na ibinigay ko. Two heads are better than one and this is

applicable to all of you guys. Get it?’

Kinuha ni Ali ang opportunity na gawing busy ang oras upang kahit papaano ay makalimot siya sa

100% Del DolorWhere stories live. Discover now