Prologue

5 0 1
                                    

JEXY'S P.O.V.

You know when you're like bored sa life. Like you need some spice to boost up. Hanggang sa pag-aaral na lang ba talaga ako? although kailangan talaga pero, wala lang, napapaisip ako.

So ito ako, nasa grounds, naglalakad patungo sa next class ko. Daily routine. I sighed. Nakakasawa na. "Uy Jexy wag ka ngang ganyan. Magfocus ka sa goals mo.", sabi ko sa isip ko. Oo nga pala. Wag nga pala dapat gano'n. Mag-aral. Mag-aral. Mag-aral. Para maganda ang kinabukasan, diba? I smiled. And plus, dapat ba akong magsawa, kung kapalit naman nito ay magandang buhay? at saka wala namang naging maganda ang buhay nang hindi sila nahirapan sa una, diba?

Ako lang din naman ang gagawa ng kinabukasan ko at wala ng iba. My choice. My own decisions.

Determination lang talaga. Kaya Jexy, kaya mo 'yan! Maniwala ka sa sarili mo.

Natawa ako sa mga iniisip ko. Ang seryoso ah. Naalala kong masyado nga pala akong maganda para magcontemplate.

Nasa ganoon akong tagpo nang mapansin ko ang mga kababaihan ay nagtitilian......na naman. Hulaan ko kung sino ang tinitilian nila. Well, wala ng iba kundi ang mga sikat na sikat na grupo ng kalalakihan, ang 'The Playboys'. Chineck ko kung tama ako. And oh look, surprisingly tama ako *insert sarcasm*.

Pero jusko, noh? what's special about them? oo, given na puro .... ehem ..... pogi sila pero yun lang ba kaya nilang i-offer? hahaha. Honestly, di ko talaga makuha yung vibes and hype nila. And let me tell this ah, yung pangalan ng grupo ay nabuo simply because they're all playboys. Talagang proud pa ha. Ikinangisi ko ang nasa isip ko. Pinaglalaruan ang mga babae na tulad ko, aba'y tama 'yan!

Yung mga kababaihan gusto silang mapansin. Malalaglag na yung mga panty sa sobrang kilig. Di kasi matibay garter ng mga panty nila. Di katulad sa akin, mas matibay pa sa relasyon ng mga magkarelasyon. Aba'y oo! proven and tested 'tong panty ko. Pangmatagalan. Nanggaling pa to sa lola ko eh! Charing lang mga bes sa nanay ko naman.

Yung mga kalalakihan naman kinaiinggitan sila. Pa'no? Lahat daw ng mga chikabebes napupunta sa kanila. Iyon na 'yon? kinaiinggitan niyo na 'yon? Eh kung ako yung nililigawan niyo, ang ganda ko pa naman. Bahala kayo. Sayang ang opportunity, mga boys!

Teka! Ang landi ko ata roon. Compose yourself, Jexy!

Not today, Satan, not today.

Anyway so ito nga, mali! maling mali. Yung ginugusto nilang tao, may attitude mga sis. Mayabang and all. Lalo na yung Dominique ba yun? not sure hehe. Maraming rumors lagi sa kaniya at hindi lang sa school ha. To the whole country mga besh. Sikat nga kasi talaga. Mayaman nga, gwapo nga, pangit naman ng ugali! Nah ah.
Sayang Dominique, umabot ka sa aking cutoff.

I mean like who would want that? at mukhang walang ambisyon sa buhay. Halata mong mayaman lang. Walang pinag-aralan. Or atleast that's what I think. Anyway,.....

Kung ako tatanungin, betsung ko sis yung, syempre, gwapo, madiskarte, at mabait. Lalo na yung determinado at may pangarap sa buhay. Eh kaso hindi ako tinatanong. Oh well....

"Ano ba naman 'tong mga estudyante sa university na ito?", sabi ko sa sarili ko. Pinag-aaral sila ng mga magulang nila sa isang prestigious school tapos ganyan lang. Hay lifeu.

Tinitingnan ko ang commotion na yun habang naglalakad dahil sa direction na yun patungo ang next class ko. Nakataas talaga ang kilay ko mga bes habang tinitingnan sila. Look at them! Very pathetic.

Nagulat ako nang mahagilap ko si....sino ba 'to? Dominique ata, basta yun, na nakatingin sa direction ko. Hmmmmmm....ako kaya tinitingnan niya?

ok so bakit ako naging conscious? Matarayan nga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Pesky BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon