Hirap Talaga Umasa
Lalo na Kapag ang crush mo ay Artista
Kahit sa Tv mo lang siya nakikita
Ay napapatulala ang iyong mga mata 
Ang ganda niya ay umaapaw
Kaya sobrang dami kong kaagaw
Gumaganda siya araw-araw
Kaya dumarami ang kanyang manliligaw 
Okay lang kahit hindi ako ang mahalin mo
Basta makahanap ka lang sana ng katulad ko
Na nagmamahal ng tapat at totoo
Sana paniwalaan mo naman ang isang tulad ko
Pabayaan mo na lang akong masaktan
Dahil hindi mo naman ito mararamdaman
Ayaw ko lang na makita mo akong luhaan
Dahil para sayo ito'y kahihiyan 
Hindi naman talaga ako umaasa
At wag mo na sakin ipagsigawan pa
Sadyang mahal na mahal ko lang talaga siya
At wala ka ng magagawa pa
BINABASA MO ANG
Tula Ng Isang Fanboy
PoetryAng tulang ito ay ginawa ko para sa minamahal ko na nasa korea. ^_^