Mahal, sobrang ganda mo talaga
Kumikinang ka lagi sa aking mga mata
Sa tuwing nakikita ang iyong mukha
Lagi-lagi akong napapatulala
Sa dami ng tao dito sa mundo
ikaw lang ang tanging minahal ko
at nakataga pa ito sa matigas na bato
para wala ng makakabago nito
Hindi ka mawala sa aking isipan
Laging sinisilip ang iyong mga larawan
Ikaw lang ang aking hinahangaan
Dahil ang puso ko ay iyong pinapagaan
Isa lang naman ang tanong ko sayo prinsesa
Meron pa ba akong pag-asa?
Okay lang sa akin kung wala na
Basta makita ko lang na masaya ka.
BINABASA MO ANG
Tula Ng Isang Fanboy
PoetryAng tulang ito ay ginawa ko para sa minamahal ko na nasa korea. ^_^