SANA...
Sana hindi nalang ikaw, sana hindi nalang ako nakaramdam.
Sorry. I'm really sorry.
Wag mo na ako tanungin kung bakit ako humihingi ng tawad. Maski ako di ko din alam kung bakit. Siguro dahil nasasaktan ako para sayo kahit hindi pa buo ang nararamdaman ko.Sana hindi ko nalang sinabi, sana hindi ko nalang nalaman, sana hindi nalang ikaw.
Alam kong hindi ka naniniwala sakin. Akala mo biro lang ang lahat. Akala ko din. Pero natuluyan ang lintik. May gusto nga ako sayo. At alam kong ni kahit konti wala ka para sa akin. Ok lang. I like you because you are you. You are very special. Kahit ngayon ngayon ko lang narealize. Kahit ngayon ko lang napagtanton at kahit ngayon pang kita napansin.
Hindi ako natuwa don sa nalaman ko, hindi ko alam kung bakit. We are nothing more than friends. Gusto ko na ata lahat ng tungkol sayo. I am ready to accept everything. I am ready to accept you. Sana hindi nalang ikaw. Pero I can't think of any reason to reason it to myself. I'm lost...Sana maging malapit tayo sa isa't isa. Sana mabigyan ng tayo ng chance kahit konti lang. Sana kung ano man itong tumatakbo sa isip ko maging maganda para sayo. Sana hindi, gusto ko na maging star sayo. I'm gonna be that star that will give you hope.
Sana hindi ako maging mukhang weird. But please let me be. I want to be part of your life, your struggles, your journey.
Sana hayaan mo ako...
KUNG...
Kung naramdaman ko ba ito dati mabibigyan tayo ng chance? Siguro hindi, dahil may ibang pumapaligid sakin at wala ka ring interes sa mga romantikong bagay.
Kung nakita ko ba noon ang mga nakita ko ngayon, may mangyayari ba?
Kung hindi ba ako ganito ka-vocal, magugustuhan mo ba ako? Kung naniniwala ka ba sa mga sinasabi ko, papansinin mo ba feelings ko.
Kung ako ba ang gagawa ng first step, susunod ka ba? Kung pipiliin kita, ganon kadin ba? Kung sakaling sabihin ko sayo ng harapan, ok lang ba?
Madaming "kung" ang naiisip ko. Sana masagot mo.
You can laugh whenever I call you "babes", coz I want to see your shy smile. Di ko alam, lakas maka-pogi eh.
You are handsome enough.
Sorry to claim this but you are MY Gentle Giant. They are asking kung boyfriend kita, HAHAHAHAHA.. sana nga.Alam ko na pwede kang maturn-off sakin kasi ako yung nagpapakita ng motibo pero, kung di ko ba gagawin, mapapansin mo ba ako?
Kung titignan kita, titingin ka din ba?
Kung itetake ko yung risk, pwede bang sabay tayo?
Kung totoo man yung nalaman ko, ayos lang ba na magparamdam ako?
Kung magkaka-girlfriend ka, pwede bang ako?
Kung pwede ng manligaw ang babae ngayon, may pag-asa ba ako sayo?PAANO...
Paano na? Ano na ang gagawin ko?
I'm lost in the situation that I am not even part of. I'm lost to you.Paano na ang ating ngayon? Kahit wala pa yung "atin", ngayon lang ang meron. Paano kung gusto kong magkaroon ng "tayo"?
Paano ka? Paano na ang future mo? Natin..
Paano ako? May pag-asa pa ba?Paano nga ba nangyari ang lahat?Paano ako nagkagusto sayo?
Simplehan natin, di ikaw yung tipo ng lalaki na lilingunin ng lahat, pero ikaw yung mapapansin agad. Para sakin, mabait ka, matalino, mabait, matalino, tahimik, feel ko magkakasundo tayo, madali kang kausap at syempre, you have your own definition of handsome. Pogi ka, maniwala ka sakin. You're the cutest when you smile, there is something when you laugh. Oo na, mukha na akong baliw pero gusto talaga kita. I don't think I can fight this feeling but I'm trying my very best to contain.Gusto kita...
Pero may tanong ako.
Paano ang ating ngayon na hindi pa nasisimulan?
Paano kung gumawa ako ng hakbang?
Paano kung ligawan kita? Sana OO ang iyong sabihing salita.Ngunit sa lahat ng naisulat ko dito ang tanging gusto ko lang malaman...
Gusto mo rin ba ako?
NGUNIT...
Ilang buwan na ang lumipas at hindi ko na talaga nasilayan pa ang iyong mga mata, ang iyong ngiti, ang ikaw.
Kahit na alam ko kung nasaan ka, babes wala akong magawa. Gusto kita, paulit ulit ko itong sasabihin sa iyo hindi ako magsasawa. Namimiss ka na namin, namimiss na kita. Oo minsan nawawala ka sa isip ko pero hinding hindi kita nakalimutan.
Ngunit sa bawat araw na lumipas unti unting nababawasan. Ngunit hindi nawawala.
Hindi ko mawari kung sa anong paraan. Masisisi ba ako? Kung sa aking mga sana, kung at paano mayroong ngunit.
Ngunit tao din lang ako.
Ngunit nasan ka?
Ngunit papaano kung sana nandito ka. Kung nasa tabi kita. Paano kung nasa tabi kita. Sana nasa tabi kita.Kung nasa tabi mo ako. Paano kung nasa tabi mo ako. Sana nasa tabi mo ako. Magugustuhan mo rin ba ako? Magkaka-interes ka ba sa akin?
Sa mga araw na lumipas, naharap ako sa iba't ibang pagsubok. Ako'y tumigil dahil alam kong wala na. Sinabi nila ako'y matalino at may itsura, para san pa ang pag-aantay sa taong ni minsan ay hindi ako kayang tignan ng may kahulugan. Babes, tayo ay mananatiling magkaibigan. Ang ating pinagsamahan ay hindi ganon kalalim pero ikaw ay aking pinahalagahan. Ang iyong pagbabalik ay aking aantayin, aalalayan parin kita. Gagawin ko parin ang lahat ng makakaya ko para matulungan ka.
Ikaw ay mananatili kong gusto....
Ngunit nasa piling na ako ng iba.
BINABASA MO ANG
Feelings Untold
Cerita PendekWhy? Why now? Now that I'm giving my feelings second thought? Why you? Why of all people... ikaw pa. What am I gonna do? I don't feel pity. My heart is full of regrets. Puno ng "sana" , "kung" , at "paano" Sana hindi nalang... Kung gagawa ba ako ng...