Oras-oras, araw-araw wala akong ibang gawin kung hindi asarin si Ericka. Kapag nakikita ko siya, hahawakan ko ang kanyang kulot na buhok haha, kukurutin ang pisngi. Hindi ko alam naiinis na pala siya sakin nun hahaha. Well, nakita kami ni Ma’am Kate sa study area at hinawakan niya ang buhok ko, kulot din kasi ehh, hahaha binansagan niya akong brocolli at yun na tawag nila sakin dahil sa kulot kong buhok. Bumaling ang tingin ko kay Ericka,
“Ma’am naman haha, siya din ohh kulot”
“…”
“err hahaha”
“Pasok na ko sa room, goodbye guys hahaha”
Wala akong gustong gawin kung hindi aminin kay Ericka nararamdaman ko sa kanya kaso hindi pwede dahil sa magkalayo kami ng kinalalagyan.
Math time namin, as usual para nanaman akong pagod na hindi maintindihan at ginawa ko habang nagdidiscuss ang teacher namin nagbasa ako ng libro. Sa pagbabasa ko nakatulog pala ko. Nagising ako at laking gulat ko tapos na ang klase sa Math wow wala akong naintindihan kukulitin ko nanaman si sir nito na ireteach ang lesson hahaha tinamad nanaman ako.
Lumabas ako ng kwarto, nagpahangin sa labas at bumaba sa study area. Laking gulat ko at lumabas din si Ericka, nginitian niya ko at di ko alam kung anu ang ibibigay kong kapalit sa ngiti niya nagulat kasi ako hahaha. Iniinis ko pa din siya ng mga araw na yun at bigla kong siningit ang pagsasabi ng may praktis kami mamayang hapon after class. Tuwang-tuwa siya dahil siyempre makikita niya mga kaibigan niya at bonding moment na din nila.
After class…
Eto nanamana ako, ligpit dito, takbo doon. Haha, sipag ko ba? Hindi hahaha sadyang nauutusan lang ako haha.
“Sipag ni kuya Rem ahhh, hahaha”, pangiinis na sabi ni Ria.
“Di ahh, ganyan din kayo kapag nasa Worship team na kayo haha”
“Nako, hahaha buti nalang vocalist ako”, pabirong sabi ni Pammy.
“Dancer naman ako ehh sige bye bye”, paseryosong sabi ni Ericka.
“San punta mo?”
“Baka magtawag na sila ehh”
“Di pa yan, maya na di pa nga ayos sa loob ehh”
“Sige sabi mo ehhh hahaha, BROCOLLI!”
“Deretso nga kasi buhok mo,BROCOLLI ka din ! hahaha”
“Alam ko na BROCS!”
Nakaisip kagad kami ng tawagan haha wow naman hahaha.
“Brocs hahaha…”
“Ehem, baka kung saan mapunta yang inisan niyo ahhh”, pananaway na sabi ni Ria.
Tawa lang ako ng tawa nung sinabi niya yun pero di ko alam ang sasabihin ko. Nagsimula na ang praktis pero busy ang lahat kaya di ko na nakakamusta ang mga kasamahan ko. Tinuruan ko ung incoming bassists ng school namin. Kaya naman pala nila ehh, may tiwala akong kakayanin nila haha.
Nakita ko siya sa likod ng AVR ng school namin nagpapahinga sila para dahil kakatapos lang ng praktis nila, nagtawag ako ng break time para makapagpahinga din ang mga singers at musicians. Nilapitan ko siya kaso hiyang-hiya naman ako hahaha, pero lapit pa din ako.
“Uy, anung oras ka naman uuwi?”
“Di ko alam, kung anung oras matapos susunduin naman ako ehh”, sabi niya sakin ng nakangisi.
YOU ARE READING
Bestfriend or BHEstfriend?
SpiritualA story of a boy and a girl been in loved with each other yet they are to sacrifice their friendship.