Ako si Ericka, 13 years old, sabi nila bata daw ako masyado para sa isang relasyon pero sabi ko naman anung relasyon? Bangag ako ‘pag may problema ako. Puro problema? Oo, madami actually hindi ko alam kung saan ko sisimulan ehh, pero lahat ng ito naiba ng makilala ko si Kuya Rem. Di ko alam kung bakit si kuya Rem pa 15 years old na sya ako 13 palang, ang layo ng edad namin sobra kung tutuusin parang kapatid lang nya ko lalo kapag magkatabi kami pero ewan ko nagkakagusto na ata ko sa kanya ehh di ko alam kung paano at bakit.
Araw na ng performance namin at magppraise and worship na kami yehey excited much na ako haha. Pero pano kung magkamali ako, pano kung madapa ako, pano kung malate ako. Iniisip ko to ng biglang lumapit sa akin si Kuya Rem,
“Huwag kang matakot o kabahan, tandaan mo hindi mo to gagawin para i-please ang tao kundi para i-please si Lord. Smile na :) hahaha”
Nabuhayan ako ng loob sa sinabi niyang yun at sinaktan niya ang pisngi ko pinisil kasi niya haha. Ang saya ng araw ko na iyon. Nagsisimula na sila, pero kapag nakikita kong nakangiti si kuya Rem di ko maiwasang mapangiti din kasi ang tapang niya ehh, alam kong kabado siya para sa amin pero andyan siya pinapalakas pa din ang loob namin. Siguro nga yun ang dahilan kung bakit ko siya minahal matapang siya sa problemang kinakaharap niya ehh, hayy buti pa siya.
Tatawagin na ang grupo namin nasa backstage na kami nang bigla siyang lumapit,
“Kaya mo yan, go Bless God guys :)”
Go na ako, kaya namin to… Sisimulan na namin ang pagsasayaw ng makita ko siya sa harapan namin kasama ang teacher namin na tumulong sa pagpapractice namin. Sumesensyas siya para sa amin, ginagabayan niya kami kung saan na kaming parte ng kanta. Nangingiti lang ako di ko
alam kung bakit.
Natapos na ang slot namin, overwhelmed kami sa ginawa namin. Tuwang-tuwa ako sa nangyari kala ko di namin to maaayos, Thank you Lord sa ginawa mo for us.
“Kinabahan ka noh? Haha”, pang-iinis sa akin ni kuya Rem.
“Oo ehh, hihihi”
“Okay lang yan, at least nagawa niyo na di ba, Congrats :)”
“Salamat hahaha”
“So proud of you sobra hahaha”
Hayy haha sobrang saya ko, ang sweet ni kuya Rem sobra di ko alam kung sa akin lang to o sa pati sa ibang tao pero masasabi kong sweet siya galing nga ehh. Pero mahal ko ba talaga siya? Bata ko pa para sa ganitong pagmamahal. Pero bakit ganun? Iba ako pag nandyan siya, iba din siya pagmagkasama kami.
Nasa room kami sa may backstage, kasama ko sila kuya Emms, kuya Rem at iba pang co-dancers ko. Nagpapatawa sila kuya Rem at Emms di ko alam pero sobrang nakakatuwa silang dalawa talagang walang magpapalungkot sa kanila haha. Hayy sarap ng may ganitong mga kuya. Nahuli ni kuya Emms na nakapatong ang braso ni kuya Rem sa paanan ko,
“Rem, sabihin mo nga gusto mo ba si Erika?”, pangungutya ni kuya Emms.
“Ahh, ehh”, di makasagot si kuya Rem ng biglang napatingin sa akin at ngumiti.
“Hahaha, nice Rem alam ko na hahaha”
“Oi, Emms tumigil ka nga hahaha”
“Ehh bakit ka namumula?”, biglang tanong ni kuya Rick, isa sa mga co-dancers ko.
“Ako? Mamumula? Haha eh parang kapatid ko na si Ericka ehh, kaso…”
“Rem tara na! Tayo na susunod alamin mo na bass lines mo!”, biglang tinawag si kuya Rem ni kuya Mond.
“Geh guys maya nalang :)”
“Kiss daw muna Ericka, pampagana daw ni Rem”, pang-iinis ni kuya Emms.
“Nakoo kayo, bye kuya Rem galingan mo ahh :)”
Hayy haha ang ewan ng nangyari sa akin. Aalis nalang siya pinindot pa niya ilong ko, isinuot yung cap nya sa akin. Hayy hahaha ang saya, nasayahan lang ako hahaha . After nito anu na kaya kami? After nito saan na ba kami? Ayoko pang matapos ang lahat ng ito gusto ko pa siyang makasama si Kuya Rem na nagpapasaya sa akin. Sweet niya kasi kaya ko siya mahal. Sana hanggang sa huli makasama ko pa siya, siya na laging nakangiti na gustong gusto ang patawanin ang ibang tao kahit na nagmumukha na siya tanga. After nito mamimiss ko yung mga practice na nandun siya. After nito alam kong maliliwanagan kami sa nangyayari sa amin :) haha February 8 pala ngayon hayy hahaha :) maalala ko to hahaha :).
Author’s Note:
Sorry guys kung now ko lang naupdate ahh pagod much ehh hahaha at nga pala nakakausap ko na ang Celine ko share lang hahah J miss her much pero wait nyo susunod na kabanata much exciting dahil nakakahalata na si Rem at Ericka sa nararamdaman nila dahil sa pangungutya ng mga kaibigan nila J
![](https://img.wattpad.com/cover/1138260-288-k41898.jpg)
YOU ARE READING
Bestfriend or BHEstfriend?
SpirituellesA story of a boy and a girl been in loved with each other yet they are to sacrifice their friendship.