Chapter One

9 2 1
                                    


Nagising ako ng may sinag na ng araw ang bawat sulok ng kwarto ko.

Tiningnan ko ang alarm ko and it's already 7:30 am. Paktay late na ako. Ugh. First day of school, late? Harujusko.

Bumangon na ako habang hinilot hilot ang ulo at ang balikat ko.

Naligo kase kami sa ilog kahapon kasama ang dati kong mga kaklase. Tapos hangover pa. First time kong maginom tapos nakaapat na bote agad. Ang tindi.

By the way, Assyla Hydrazine Mondelia nga pala. Ang babaeng di lang maganda. Magandang magandang maganda.

Simple lang ako. Sinpleng manamit, simple gumalaw at simple sa kahit na saang bagay pero madaming nagsasabing malakas ang charisma ko pagdating sa mga lalaki. May brownish at mahabang buhok ako na nasa dulo ang kulot na animo'y sinadyang kulutin, morenang kulay ng balat, sexy (chubby yan. Mga chubby na daw ngayon ang bagong sexy e), may katamtamang tangkad, tamang lilok ng ilong, pinkish na labi, may katamtamang chickbones, mahahabang pilik at mapupungaw na mga mata.

Ako din ngayon ang tinatanghal na Ms. Hearthrob sa campus namin. Kung bakit? Wag na kayo magtaka. Nasa lahi na namin yan. Habulin talaga kami.

Di naman kami sobrang yaman actually. Tamang yaman lang :). Well, engineer si pader at may business kaming restaurant na pinapatakbo ni mader sa may capitilio at sa iba pang lugar dito sa batangas. Kaya, masasabi kong nabibili naman nina mama at papa lahat ng pangangailangan ko.

Wala akong bagay na hiningi na di nila naiibigay. Dahil na din siguro ako lang ang kanilang one and only beautiful daughter.

Naligo na ako at nagbihis ng sleeveless at short na pambahay. Pagkatapos kong magayos ay bumaba na ako para kumain dahil kanina pang kumakalam ang tiyan ko.

Habang papunta ako sa kusina ay hinihilot ko pa din ang ulo ko dahil sa sakit nito dulot ng pag-inom ko kahapon.

Pagdating ko sa kusina ay nakita ko si manang na nagluluto na kaya naupo na ako sa lamesa katabi nito at pinanuod kung pano ito kagaling magluto.

"Oh hija, gising ka na pala. Gusto mo na ba kumain?" Gulat na tanong ni manang.

"Opo. Manang. Kanina pa po ako gutom e" sagot ko habang nakahalumbaba.

"Osige ipaghahanda na kita. Hintayan mo na lang. Ay, siya nga pala. Bakit hindi ka pumasok? Pinapagising ka sa akin ng mama mo kanina pero di kita magising. Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" Tanong nito habang nagsasangag ng kanin. Lalo tuloy akong nagutom sa amoy nito.

"Medyo masakit lang po ulo ko manang. Pero ayos lang po ako. Sige po, pakitawag na lang po ako kapag handa na ang pagkain. Nasa sala lang po ako" sabi ko habang naglalakad paalis sa kusina.

Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam pag may hangover ka. Sobrang sakit ng ulo mo tapos parang umiikot yung bahay niyo. Kung alam ko lang na ganito kalala ang sakit kapag umiinom di na sana ako naginom, pero iba pa din talaga pag tinamaan ng curiosity ang isang tao. Kaya ang daming napapahamak e. Tsk. At isa na ako dun. Tigas talaga ng ulo. Hay

Naupo na ako sa malambot at mahaba naming sofa at isinandal ang likod ko dito pati na din ang masakit kong ulo atsaka binuksan ang TV.

Inilipat ko ang channel nito sa disney. Sakto at phineas and ferb ang palabas. Ang favorite kong panuodin tuwing may masakit saken, nilalagnat, pag may dinadamdam at kapag naistress o naddepress ako. Ang saya kase. Parang kapag nanuod ka nito eh feeling mo bumabalik ka sa pagkabata at walang kumg anong iniisip na kahit anong problema.

"Syla hija, kumain ka na. Nakahanda na ang pagkain" tawag ni manang mula sa kusina.

"Sige po manang! Salamat po" sigaw ko kay manang at pinatay na ang TV para kumain.

Tatayo na sana ako ng biglang tumunog ang landline sa tabi ng kinauupuan ko.

Tiningnan ko kung sinong tumatawag. Ngunit number lang ito at di pa nakasave sa contacts.

Pero sinagot ko na din agad ito sa pagaakalang kilala ito ni mama.

"Hello? Sino po sila?" Tanong ko sa nasa kabilang linya ngunit walang sumasagot.

"Hello?" Ulit ko pa.

Ngunit ng ibababa ko na sana ang telepono ay saka ako nakarinig ng paghikbi ng isang lalaki. At sumunod ang pagsasalita ng taong ito.

"Lexie... please? Don't.. don't leave me. Hindi ko kayaaa. Please.. just please. Give me another chance. A one more chance.. I love you so much.." Lasing ang lalaking nasa kabilang linya. Parang pamilyar ang boses nito pero di ko na mapagtanto kung saan at kailan ko ito narinig. Hindi ko maintindihan kung nagkamali lang ba ito ng dinial na number dahil sa pagkakalasing nito o sadyang ito ang number na dapat niyang tatawagan?

Pero sino? Eh ako at si mama lang naman ang babae dito na gumagamit ng landline. Maliban na lang kung nakikigamit ang iba pa naming katulong dito at tinatawagan ang kani kanilang jowa.

Sa pagiisip ko ng kung ano ano ay agad na naputol ang tawag.

Hinintay ko na tumawag ulit ang taong yun ngunit ilang minuto na ang nakalipas ay hindi parin nagriring ang telepono kaya naman napagpasiyahan kong kumain na.

Pumunta na ako sa hapag at kumain ng madali dahil mabilis ang takbo ng oras.

Sakto namang dumaan si manang nung tapos na ako kumain. Kaya't tinawag ko ito at nagtanong tungkol sa kanina.

"Uh. Manang" lumapit naman ito para iligpit ang pinagkainan ko. Kaya tumayo na ako para di ako magkabilbil lalo.

"Hmm? Ano iyon?" Sagot nito ng di nakatingin saken.

"Gumagamit po ba yung ibang katulong ng landline?"

"Hindi hija. May sari sariling cellphone ang mga katulong na andito. Tsaka ipinagbabawal kong gamitin nila yun. Maliban na lang kung may emergency. Bakit?"

"Uhm. Wala po. Sige po. Punta na ako sa kwarto ko para magintindi" sabi ko at patakbong pumunta sa hagdanan.

"Bakit, papasok ka ba?"

"Opo. Sayang din po baka mahuli ako sa lesson!" sigaw ko mula sa taas at pumasok na sa kwarto ko upang magayos para pumasok.

Pagkatapos kong ayusin ang gamit ko sa school ay tinawagan ko na ang kaibigan kong si Caylie.

"Hello sissy? Bat di ka pumasok? Kakagising mo lang no. First time mahangover be like" at narinig ko ang halakhak niya sa kabilang linya. Siguro nga labas na nila.

"Baliw. Kanina pa ako gising. Papasok ako ngayon. Labas niyo na ba? Pasundo naman ako dito oh. Tinatamad ako magdrive e"

"Oo kakalabas lang namin. Sige wait mo ako" labas na nga nila dahil pakinig ko ang ingay ng mga estudyante.

"Sige. Bilisan mo ha. Ingat. Bye"

"Ay grabe. Amo? Amo? Hmp. Osige na. Bye" at pinatay na niya ang telepono.

Kahit kelan talaga pilosopo. Pagkababa ng cellphone ko nagpunta muna akong salamin at nagapply ang light lipstick sa labi ko.

Pinagmasdan ko ang reflection ng sarili ko sa salamin.
Di ko naman maipagkakailang maganda ako. Pero sa dinami dami ng lalaking nagkakandarapa sa akin. Di ako magustuhan ng crush ko. Hay.

Maya maya lang ay nakarinig na ako ng busina ng sasakyan. Kaya dali dali na akong bumaba dahil alam kong si caylie na yun.

Ng mapadaan ako sa sala ay napahinto ako saglit, naalala ko na naman yung lalaking tumawag kanina. Sino kaya yun? Para talagang pamilyar saken ang boses ng lalaking yun di ko lang mapagtanto kung sino.

Hay! Bat ko ba iniisip yun. Baka nagkamali lang nga siguro talaga ng number na natawagan yun kaya di na din tumawag ulit.

Bat ba masiyadong big deal saken yun? Parang ang laki laki namang problema non e.

Napailing na lang akong napangisi papalabas ng bahay at sumakay na sa kotse ni caylie para pumasok sa school.

--

Hi mga readers! First time ko pong magsulat. So, sana suportahan niyo po itong una kong susulating kwento. Comment lang po kayo if may suggestion kayo. Salamat po :))

- Alaay

Napapala Ng Assuming 💔❌Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon