Chapter Four

4 0 0
                                    


Andito kami ngayon ni Levin sa cafeteria.

Hindi ako mapakali. Pahid ako ng pahid sa labi ko kung may amos ba o wala. Baka kase makita ni levin na may amos ako at maturn off na agad siya sa akin.

"Hmm. May gagawin ka ba mamaya Ass?" Nagulat ako sa tanong niya. Kaya napatingin ako sa kanya.

Siya lang tumawag saken ng "Ass" Naks. Unique. Kinikilig na po naman ako.

"Wala naman. Bat mo natanong?" Sabi ko sa kanya sabay subo ko ng chicken at rice ng dahan dahan. Ngayon lang ako nagiging pabebe. Lishi.

Hinawakan na naman niya ang batok niya. Siguro habbit na niyang maging ganyan kapag nakakaramdam siya ng hiya kaya medyo napangiti ako sa actions na pinapakita niya sa akin.

"Uh. Yayayain sana kitang uhm.. alam mo na? Uh.. magmeryenda?"

Nabilaukan naman ako agad na nakaagaw pansin sa kanya.

"Hey. Hey. Are you alright? May nasabi ba akong masama?"

Hinimas himas niya pa ang likod ko at pinainom ng tubig. Umiling naman ako bilang pagsagot sa tanong niya.

Eto na naman ang mga kuryente na'to at ang mga kabayong nakawala na naman sa kanilang kulungan. Ang bilis bilis na naman ng takbo nila. Hays

Tsaka totoo ba talaga 'to? Una sa tawag, sunod pinansin niya ako, sabay pa kaming kumain ng lunch na akala ko'y hanggang dito na lang
Tapos.. tapos.. niyayaya niya pa akong magmeryenda? Na kami lang dalawa? As in? Seryoso? Talaga?

Osige, ako ng OA. Eh pano sa tinagal tagal na panahong pinamagmamasdan ko lang siya sa malayo eh makakasama ko na siya ng ganto katagal, sa gantong oras at sitwasyon. Diba? Parang isang panaginip lang.

Di ko lang kase maimagine na mangyayare to sa totoong buhay. Tapos ng dahil sa maling tawag niya, magiging close kami ng ganito.

Tama nga si sissy. Siguro nga oras ko na 'to kay levin kaya lulubos lubusin ko na. Ang saya. Ang saya saya. Hindi naman naging useless yung paghanga ko sa kanya ng ilang taon dahil ngayon ay nagbunga na ang mga ito. Ang patagong pagkuha sa kanya ng pictures, ang pagsali sa club na sinasalihan niya din mismo at pagiging stalker niya na hindi ko naman alam na may girlfriend pala siya.

Pinapansin niya na ako nakakausap ko na siya, natitingnan ko pa siya sa malapitan at lalong nakikita ang bawat detalye ng kanyang muka na talagang isinisigaw ang kagwapuhan niyang taglay. Hindi lang sa panlabas pati na din sa panloob nitong katauhan.

"So, payag ka ba? Pang peace offering lang ulit sayo. Ayos lang?"

"Oo naman. Tutal wala naman akong masasamahan dahil wala si cay" sabi ko sabay inom ng buko shake.

"Sige ha. Sabi mo yan. San mo ba gusto?" Nakangiti niyang wika sa akin.

"Park?" Sagot kong nakangiti sa kanya sabay hagod sa buhok kong mahaba. Natapos din ako sa pagkain. Di ako nabusog. Hay

"Park? Anong gagawin natin sa park? May makakain ba dun?" Sabay halakhak niya.
Kahit sa pagtawa ang sexy pa din. Kainis.

"Oo naman. There's, fishball, kikiam, kwek kwek and all the streetfoods their. Hmm. Are you familliar of those foods anyway?"

"Err.. well, no? Sabi kase ni mommy. The foods there is totally dirty. Kaya kahit gusto kong kumain ng pagkain ay di ko magawa. Ayaw ni mom. Baka daw kase magkasakit ako" pagpapaliwanag niya na halata mong nandidiri pa.

Ang cute.

Napatawa naman ako. Talagang laki sa yaman itong crush ko.

"Don't worry. Those foods do not kill you. It's harmful. Di nakakamatay yon. Kapag namamasyal kami ni cay. Doon kami pumupunta para kumain ng kikiam and everything there. Pero tingnan mo ako, humihinga pa. Malusog at walang sakit" sabi kong natatawa tawa pa.

"Minsan kase sa buhay natin, kailangan mong magtry ng iba pang mga bagay na hindi mo pa nagagawa o kumain ng mga pagkaing di mo pa nakakain. Mabuti na yung madami kang alam kesa sa wala. Hindi naman ito palaging masama eh. Malay mo ito pa ang hanap hanapin mo, dahil ito mismo ang nakalaan para sayo. Ito ang hanap hanapin mong pagkain dahil ngayon mo lang napagtanto na may ganito pa palang kasarap na pagkain na nageexist dito sa mundo ngunit nagsisisi ka dahil huli na ang lahat at mamamatay ka na. Ngayon mo lang ito nadiscover dahil takot kang sumubok ng mga bagay na di mo alam kung masasaktan ka o hindi. Sometimes you should try to discover new things sa kakayahang meron ka. Hindi naman nakakasama e. Bagkus nakakatulong pa ito upang maragdagan ang kaalaman mo tungkol sa ibat ibang bagay sa mundo natin para hindi ka maging tanga kung san ka man dalhin, malay mo maipagmalaki mo ito sa mga anak mo, sa asawa, magulang o kaibigan mo na hindi ka natakot magdiskubre ng mga bagay na ikinangat mo at ikinasaya mo. Diba? So don't afraid to try everything in this world. It's fun, it's exciting. The pain and the energy you'll apply... will gave back the worth of it" nakangiti kong pagaadvice sa kanya.

Nakangiti naman siyang napatitig sa akin kaya napawi ang ngiti ko at napaiwas ng tingin. Eto na naman. Kelan ba matatapos ito?

Narinig ko namang tumawa siya ng bahagya.

"Hindi ko alam na madaldal ka din pala? Akala ko kase tahimik ka lang at puro aral ang alam. Wala pa din kase akong nababalitaan na nagkaboyfriend ka na" namamanghang sabi niya sa akin.

Naaattached na ata talaga ako sa kanya. FC na ba ako? Kay cay minsan lang ako maging ganito e. Tapos sa kanya? Hay. Siguro dahil na din sa ugali niya kaya ako nagiging ganito kakomportable na kausap siya. Tsaka dahil.. crush ko siya.

"Hehe. O-oo wala pa nga. Wala ka-kase sa vocabulary ko ang magboyfriend e. Study first muna para sa family" proud kong sabi sa kanya. At tumayo na para tumungo sa room. Tumayo na din siya at sumunod sa akin.

"Ganon ba? Pero crush meron ka naman siguro diba?" Sabay halakhak niya

"Ha? Ah.. oo naman! Lahat naman nagkaka.. ano.. ah.. C-c-crush diba? Siguro kahit ikaw meron ding ano.. uhm.. ganon?" PAGSASALITA NA NGA LANG NABUBULOL PA. NAKO

"Oo naman. Abnormal daw pag walang crush e. Haha. So, sino namang crush mo? Care to share" sinabi niyang taas baba ang kilay at ngiting ngiti sa akin habang papasok kami ng classroom.

Kitang kita ko ang tingin ng mga kaklase namin at ang curiousity sa kanilang mga mata ng pumasok kaming sabay ni Levin. Hindi ko na lang sila pinansin, di na maaalis yan sa mga tao. Kaya sa halip na pansinin ay sinagot ko na lang ang tanong ni levin.

"Uhm. It's private eh. Sorry di ko masasabi sayo"

"Hahaha. Jinojoke lang kita. Pero hayaan mo, pag nalaman yun ng crush mo paniguradong liligawan ka agad nun. Sa ganda at talino mong yan sinong hindi maiinlove diba?"

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Sana nga pag sinabi ko sa kanya eh maligawan niya agad ako. Hindi niya alam na siya ang tinutukoy kong crush ko. Pag kaya nalaman niyang siya yun eh, gawin niya yung sinabi niya saken?

Pagkasabi nun ni levin ay agad na dumating ang teacher namin kaya umayos na kami ng tayo at nakinig na sa discussion ng teacher.

Lagi na lang sanang ganito. Okay na akong ganito. Masaya na ako sa ganito. Atleast nagiging malapit na ako sa kanya. Mula sa malayo ay wala ng kahirap hirap na nakakausap ko siya ngayon.

Pero para parin siyang bituin sa langit..

So close yet so far..

And It's true. Now, I do believe that, Miracle is everywhere. And anywhere.

Napapala Ng Assuming 💔❌Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon