Computer shop

2 0 0
                                    

Dear Diary,
                Kumakabog pa rin yung heart ko ng malakas. Hindi ako sure kung bakit pero feeling ko dahil to kay Brent! Nakakainis kasi yung mga pasimpleng banat at hugot niya kanina sa computer shop, hindi ko maiwasan na hindi kiligin kahit na alam kong wala lang sa kanya yun. Since last week lagi na kaming magkaparty sa laro. Kanina siya ang adr tapos ako ang support at dahil nga medyo may sayad yung jungler namin hindi niya dinadalawan yung mid lane kaya ako namang si support pupunta sana sa mid kaso oh my freaking gosh nagreklamo si Brent sabi niya "Dito ka lang wag mo akong iwan". Kumabog yung heart ko huhuhu. Walang hiyang Brent! Bakit ba kasi lagi kaming magkatabi ng pc kapag naglalaro?! At kung hindi ka nga naman minamalas dumating pa yung crush kong si Anton, unfortunately kasama niya si Allen. Si Allen na kakambal ni crush. Si Allen na ex bff ko. Yung walang hiyang Allen na iniwan ako dahil sa bago niyang friend na si Vanessa. Yung walang hiyang walang ibang kinakausap kundi si Vanessa. Yung nag iisang dahilan kung bakit puro defeat halos yung laro ko. Paano ba naman kasi? Tuwing dadayo siya sa com shop na nilalaruan namin nila Brent ang pangit ng laro ko! Kasing pangit ng trato niya sa akin simula ng maging magkaibigan sila ni Vanessa.

Kahit na galit ako, nasasaktan pa rin ako. Bakit ka ba kasi nagbago bestfriend? :(

Love,
Mina

Bestfriend no moreWhere stories live. Discover now