Chapter 2

16 4 1
                                    

Nagising ako ng 10am. I did my morning routines tapos pinusod ko yung buhok ko. I'm wearing my sleeping shorts and kamiseta.

Kukuha ako ng breakfast sa baba tapos mag peprepare ako para sa interview.

Halos mabuwal ako sa hagdanan ng makita ko kung sino yung nasa sofa. This can't be!

"Oh, Zed kapatid ko na mag iinterview sa'yo. Lia, meet the CEO of Griva Malls." Natatawang sabi ni Kuya.

ANONG NAKAKATAWA. SARAP MAG KILL.

Sinamaan ko nang si Kuya at pinatay patay sa isip ko.

"U-uh, Hi." Awkward kong sabi. Lumapit kasi siya sa hagdan kung nasaan ako nakatayo. Ano gusto niyong maging reaksyon ko.

Naglahad siya ng kamay. "Zed. nice meeting you." Tipid niyang sabi. Kanina halos umalingawngaw yung boses nila sa buong bahay kakatawa ngayon sobrang tipid? Oh well, tinanggap ko ito "Lia. likewise." Bumitaw ako. It's awkward! Mabuti nalang at naka toothbrush ako before rushing here.

"Uh, gotta go to the kitchen, maiwan ko muna kayo." Sabi ko at yumuko patungong kitchen.

Gosh it happened! Me wearing a sleeping wear while him, well he's wearing a button down white long sleeve polo na nakatupi hanggang siko niya and maong pants. The coat on the armrest of our sofa must be his.

He has a fashion sense. May stylist kaya siya? He's not the typical CEO that's ver- gosh i'll stop.

Nagluto ako ng shrimp omelette at kumuha ako ng gatas sa refrigerator. Dito nalang ako kakain sa kitchen counter.

"Athalia, ba't dito ka kumakain?" Tanong ni Tara saakin, anak ni Giselle- yung mayordoma sa bahay.

"It's okay, t-tinatamad akong magdala ng breakfast doon sa dining room." Pagpalusot ko. Kumagat ka please.

"Oh? Halika't ako ang magdadala." Kukunin niya na sana yung bowl ng pigilan ko siya.

"NO! I-i mean okay lang ako dito. Don't have to worry matatapos na din ako." Sabi ko at napatango naman siya.

Isa na din kasi sa mga ayaw ko ay pinapipilitan o pinagtutulakan ako sa isang bagay na hindi ko gusto, alam naman ng mga Housekeeper 'yun kaya hindi na sila namimilit pa.

Payapa akong kumakain habang tinitignan ang social media ko. Alangan naman tumunganga ako sa dingding habang kumakain.

"Didn't you know that using your phone while eating is a sign of disrespect?" Napatalon ko kung kanino galing yung boses na iyon! Halos mabitawan ko yung cellphone ko.

"W-what are you trying to say? Gusto mong tumunganga ako sa pader?" Mataray kong sabi. Umangat naman ang gilid ng kanyang labi. What?!

"Disrespectful." Bulong niya pero rinig na rinig ko! How could he?!

"How is that?! I have no one to talk with me while eating. It's more disrespectful when you're with someone but your attention is all on your phone!" Inis na sabi ko.

Kasalanan niya naman eh! I was planning to invite Kuya with me in the dining room para may kasama at KAUSAP akong kumain pero nandiyan siya kaya hindi ako masamahan ni Kuya dito or kaya hindi ako makakapunta sa sining room because I was too shy.


"Do you want me to eat with you then?" Malumanay niyang sabi kasabay ng pagtitig niya sa mata ko. Hey! I'm melting here!


"W-what?!" Naiilang kong sagot. Damn those eyes! Ni hindi ko makita ang emosyon sa mata niya. Magaling siyang magtago.



Anethical DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon