"Please Greg, please." Halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses sa pag mamaka awa sakanya. Sobrang sakit.
"Akala ko ba everything is alright na?! Ano ba Meg! Hindi mo ba talaga maiintindihan? We're over remember? Ayoko na sa'yo." Pagalit niyang sigaw sabay pag igting ng panga niya.
"Greg p-p-please." Pag mamaktol ko sakanya, parang gusto ko ng sumuko kaso sayang, sayang yung paglaban ko. Sayang kase kahit nagmamakaawa ako sakanya, may mga bagay na kahit alam kong pinaglaban ko hindi ko parin mapanalo.
"Goodbye, siguro nakuha mo na yung closure na hanap mo." Sabay lakad niya palayo.
"P-p-please...." Pag mamakaawa ko. "D-dont leave me, kahit ngayon lang, piliin mo naman ako." Alam kong nagmumukha na akong tanga na umiiyak sa ulan.
Akala ko sa mga movies lang may ganitong scene yun pala sa totoong buhay din, akala ko lang pala.
Habang palayo siya unti unti siyang lumiliit na mistulang isang gwapo at matipunong estrangherong naglalakad palayo na kahit sa malayo kitang kita mo kung gaano ka well built ang likod niya.
Para akong binuhusan ng tubig nuong nararamdaman kong may gumagapang sa aking balikat, marahan siyang gumagapang na pawa bang may isang prey siya na kakagatin. Unti unti nalang akong nagising nang nararamdaman kong meron nga.
"Aray!" Sigaw ko habang tinatanggal ang isang langgam na kinagat ang aking balikat.
Bigla rin akong natauhan na nananaginip lang pala ako.Panaginip lang pala. Its been 4 years ng iniwan ako ng lalaking pinaka mamahal ko at sa 4 na iniwan niya ako nakatanggap ako ng masasakit na salita galing sa ibang tao. Na kesyo 'whore' at 'gold digger' raw ako.
Masakit maiwan, pero mas masakit yung hindi ako makapag apply ng trabaho, ngayon kase kailangan namin nila Mama nang perang gagastusin para sa pag aaral ng bunso kong kapatid na si Margon. Ang panganay naman namin na si Ate Lynlea ay nasa Iligan, nagtatrabaho bilang isang Cook sa isang karinderya.
Mahirap ang buhay namin, pero masaya naman kami dahil nakakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw. Sana hindi nalang na bankrupt ang kompanya namin at kung hindi ito naisangla ni Mama sa mga Alejo ay naging mas marangya ang pamumuhay namin hanggang ngayon.
Dumiretso ko sa kwarto ko para kunin ang resume ko.
"Bwisit." Nung nakita kong nalukot ang kanang itaas na bahagi ng bond paper, naniniwala kase akong pag malinis ang resume mo ay nanganga hulugang, mas maayos ang first impression ng mga tao saiyo.
Ngayon naka Simpleng office attire lang ang suot ko. Medyo nakayakap nga lang ng kaunti ang suot ko kaya nagmukha akong sexy. Nagpush up bra narin ako para bumagay. Naka tie din ako ngunit pambabae nga lang, nagsuot din ako ng white heels para pormal ang dating at nilugay ko sa aking likod ang natural brown na kulay ng aking buhok at ang mga dulo nito ay medyo curl.
"Okay na siguro to." Habang tinitignan ko ang akong sarili sa salamin. At dumiretso na sa isang kilalang companya sa syudad.
"Good morning ma'am, you look so fine. Welcome to Montero Hotel" nginitian ko lang siya at sabay inirapan ang hangin. Pumasok ako sa isang opisina kung saan nag eentertain ng mga nag aapply at sabay tawag ko sa lalaking nakaupo sa swivel chair.
"Sir." Nginitian ko siya at nagsimula ng basahin ang resume ko at sabay pinaulanan ako ng mga tanong.
"Welcome to our hotel Miss, you can start tomorrow." Sabay ngiti niya sakin at umambang aalis. Hinarangan ko siya
"Sir Frank, ano po yung posisyon ko?" Tanong ko.
"College graduate ka diba?" Ani frank.
"Opo."
"You can work tomorrow as A bell girl." Sabi niya at agad namang ikinagulat ko. Nakita ko namang may naglarong ngiti sa kanyang mga labi.
"Kidding. You can work here secretary since iyon lang ang available. Mapili kasi iyong magiging boss mo gusto niya maganda ang sekretarya niya." Sabi niya na agad kong ikinagulat. At sinabi sakin ang mga detalye kung kailan ang day off ko at anong oras ako papasok at ang mga usual na ginagawa ng nga secretary.
"Okay po, maasahan niyo po ako bukas." Sabay lahad ko ng kamay.
"Bye. I have to go." Sabi ni Sir. Frank.
Umuwi agad ako sa bahay at nagpahinga.
BINABASA MO ANG
Regret (Ferreras Sisters series #1)
RomancePaano kung ang mga taong mahal mo ang mismong tumalikod sayo? May magagawa ka pa ba o mas pipiliin mo nalang na kalimutan siya?