[Girl! ito na yung story nung dalawa. Mag-suggest ka nalang ng ibang gusto nyong mangyari. Message mo nalang sa FB q o kaya dito nalang. :)]
2nd Day of School…
Lhian’s P.O.V.
Nakakatamad namang pumasok sa school ng maaga, parang gusto kong magpalate. Hehehe joke. Nandito na nga ako sa classroom---este laboratory pala. Ang 1st class namin ay Biology, bale 3 hours ang bawat laboratory subject tapos meron pang 1 hour lecture. Parang ayoko na tuloy mag-aral ng college, kakatamad kasi eh! ECHOS! Joke lang yun syempre, gusto ko pa rin naman na maka-graduate. (^_^)
Hmm… tutal naman 30 minutes pa bago mag-time, matutulog muna ako, kakaantok kasi eh! Sandali lang naman!
Zzzz….Zzzz… (Z . Z) …Zzzz…Zzz…
After 25 minutes….
Krizza: Lhian, gising na.
Lhian: Istorbo naman oh! Kita nang natutulog ang tao, gigising mo! Wait lang 5 minutes pa. (-_-)
Istorbo naman ito! Ang ganda na ng panaginip ko eh! Asan na ba ung unan ko? [kapa-kapa habang nakapikit] Ayun! Ngek! Bakit ang init yata ng unan ko? Pero mabango. Pinaltan kaya ni mommy ng punda? Hay hayaan mo na nga! Tulog ulit…
Zeke’s P.O.V.
(0_0) ß Ganito ang facial expression ko nang kunin nung katabi kong girl yung braso ko. Hindi ko pa nga girlfriend, possessive na kaagad! Hehehe joke lang!
Pagkamalan bang unan ang braso ko. Ano ba yan! Mukhang mali ang nakuha kong pwesto ah! Kung alam ko lang na gagawin lang pala akong unan nitong katabi ko, sana sa iba nalang ako naki-upo.
Precious: Hoy! Baka makita ka ni ma’am. Papunta na daw yun dito.
Sabi ni Precious habang ginigising yung naka-unan sa akin. Halos lahat na ng mga classmate ko ay kilala ko na. Ilang beses ba naman kaming nag-introduction kahapon, hindi ko pa ba naman malalaman ang mga pangalan nila.
Tet: Oo nga tsaka, mahiya ka naman dyan sa ginawa mong ‘human pillow’.
Lhian: 5 minutes pa po----what! Oh my!
Biglang napatakip sya sa kanyang bibig. Finally! Nagising din ang ‘Sleeping Beauty’. (^_^) Bigla syang tumingin sa akin. Syempre kunyari serious ako.
Lhian: Ay! Sorry, hindi ko sinasadya. Akala ko kasi unan ko… (^///^)
Sobra naman syang mag-blush, nakakatuwa…
Lhian’s P.O.V.
Lhian: Ay! Sorry, hindi ko sinasadya. Akala ko kasi unan ko… (^///^)
Ano ba yan! Nakakahiya naman ang ginawa ko.
Zeke: Okay lang. Pero sana sa susunod kung inaantok ka magdala ka na ng unan mo. [Pagkasbi nya nun ay humarap na sya sa unahan dahil may tumawag sa kanya.]
Ang yabang naman ng isang ito! Feeling mo kung sinong gwapo…gwapo naman talaga! Hahaha… pero hindi naman sapat na dahilan yun para magyabang! Sayang, cush pa naman sana kita. Hmp!