CHAPTER 4

51 1 2
                                    

Lhian’s P.O.V.

Natapos ang class namin na hindi na ulit kami nagkaka-usap. Pasalamat nalang ako at hindi nya na ako tinanong kung ano yung mga pinag-uusapan namin ni Precious kanina.

Ligtas nga ako sa tanong ni Zeke, pero sa mga kaibigan ko namang makukulit ay hindi. Lunch time sa Chowking kami kumain ng mga friends ko at habang hinihintay namin ang aming pagkain ay naupo muna ako sa ‘hot seat’.

Mommy Ema: Mga anakis! Ngayon na ang oras para gisahin sa tanong si Lhian. [Evil smile.]

Tet: Tama ka dyan mommy!

Rea: Sumasangayon ako sa inyo!

Lhian: Ano to hiring ng kaso? Ano naman ang kaso ko?

JC: Wala ka pang kaso. Kakasuhan ka palang.

Jaja: Oo nga, investigation pa lang ito.

Lhian: May ganun talaga hah!

Precious: Oo!

Lhian: Heh! Tumigil ka. Ikaw ang maysala sa lahat ng kaguluhang ito.

Precious: Hindi kaya!

Lhian: Anong hindi. Paano naman nila malalaman yun tungkol dun kung hindi mo sinabi.

Krizza: Wala syang sinabi sa amin. Kami mismo ang nakakita ng nagyari kanina.

Lhian: What!? Nakita nyo?

Cora: Oo, nakita namin kanina kung gaano ka kapula dahil ang lapit nya sayo. Hehehe… [Grin.]

 Preious: Sabi ko sa iyo,hindi ako nagsabi, eh!

Nakakahiya! Ang dami mo na talagang kasalanan sa akin Ezekiel Cuevas! Dahil sayo kaya nandito ako sa ‘hot seat’. Kaasar ka!

Sa isip ko binubugbog ko na si Zeke! Habang sinasagot ko ang mga tanong ng mga friends ko tungkol kay Mr. Sungit hanggang sa makarating at matapos kami sa pagkain.

Mas nakakapagod pa ang pagsagot sa mga tanong ng kaibigan ko kaysa sa pagsagot ng mga seatwork na ibinibigay ng mga professor namin.

Papunta na ako sa LRT station ng may bigla akong may maalala. Nawawala yung wallet ko. Patay! Paano pa ako makaka-uwi nito. Pumunta ulit ako sa school para hanapin ko sa mga pinuntahan ko. Pumunta na ako sa S.A.O. [Student Affair Office], sa guard, sa lost and find. Wala na akong alam na pupuntahan. Wala na akong maisip----wait! Sa library! Pumunta nga pala ako dun bago ako lumabas ng school. Inayos ko din dun yung mga gamit ko.

Dali-dali akong pumunta sa library. Malapit na ako sa pinto ng library ng may nakabungguan ako.

Lhian: Ouch!

Zeke: Sorry, Miss!

Lhian: Okay lang---Zeke!

Zeke: Sorry, hindi kasi kita nakita. Lhian ikaw pala yan.

Lhian: Ha, Oo ako nga.  Ahm, sige alis na ako may hinahanap kasi ako eh…

Binubuksan ko na yung pinto ng library nung tinawag nya ako. Hmm…Bakit kaya? Lumingon ako sa kanya nung pangalawang beses nya akong tinawag

Zeke: Teka! May ibibigay ako sa iyo.

Lhian: Hah! Ano yun?

Tiningnan ko lang sya na nagtataka. Lumapit sya sa akin nung hindi ako lumapit para kunin yung sinasabi nyang ibibigay nya sa akin. Napatulala ako sa harap nya nung kinuha nya yung kamay ko… (^///^) Nagblush din ako kasi ang tagal nyang hawak yung kamay ko. Bigla syang ngumiti. Yung ngiting ipaglalaban mo ng patayan para lang mapasa-iyo ang taong nagmamay-ari nun.  Sa sobrang kaba ko at pagkatulala hindi ko na namalayan na nakaalis na pala sya. Tiningnan ko nalang yung inilagay nya sa kamay ko, napa ngiti ako kasi sya pala ang nakakuha nung wallet ko.

Ang bait nya pala. Hala! Nakalimutan kong magpasalamat! Ang careless ko talaga kahit kaylan.  Bumaba ako ng hagdan ng mabilis. Buti na lang naabutan ko pa sya sa may labas ng NORTH Gate.

Lhian: Zeke, wait!

Hindi sya lumingon sa una kong pagtawag kaya tinawag ko ulit sya. And this time ay mas malakas na kaya tumigil sya pero hindi pa rin sya lumilingon. Lumapit ako sa kanya.

Lhian: Hay, salamat naabutan kita.

Humihingal pa ako habang sinasabi ko yun. Ikaw ba naman ang tumakbo mula sa second floor pababa hanggang sa may North gate. Tingnan ko lang kung hindi ka hingalin.

Lhian: Hoy! Lumingon ka naman. Aba!

Aba naman ang bastos ng lalaking ito ah! Kaasar! Akala ko pa naman ang bait nya! Hinabol ko pa sya hah! Nung hindi pa rin sya lumilingon ay kinulbit ko sya.

Lhian: Hoy! Wag ka ngang bastos!

Nakakaasar na ah!

Zeke ‘kuno: Miss ako ba ang kinakausap mo?

Lhian: Malamang! Sino sa----

Hah!? Teka…sino ‘to? Hindi ito si Zeke! Oh no! Nakakahiya!

(O///O)

Zeke ‘kuno: Excuse me miss pero hindi kasi kita kilala eh!

Talaga naman oh! Kaasar ka talaga Ezekiel Cuevas. Dahil sayo kaya nangyayari itong kamalasang ito! [Manisi ban g ibang tao! J]

Lhian: Ah-eh. Ano…ahmm… sorry! Akala ko kasi ikaw yung classmate ko. (^///^)

JushKoh, nakakahiya!

Zeke ‘kuno: Okay lang miss.

Napakamot nalang si kuya habang paalis sa harap ko. Ang engot ko talaga kahit kaylan. Bakit ba naman kasi hindi ko napansin na magkaiba pala sila ng bag, at magkapareho lang ng gupit ng buhok kapag naka-talikod! Hay! Engot na buhay ‘to oh!

Maglalakad na sana ako pauwi nang may tumawag sa akin. Lumingon ako at nakita ko ang may ‘sala’ sa lahat ng kamalasan ko sa araw na ito. Pero ang nakakapagtaka ay nakangiti ito at parang pinipigilan lang ang pagbulalas ng malakas na tawa.

Lhian: Anong nakain mo at parang ang saya mo yata ngayon?

Tanong ko sa kanya nung lumapit sya. Nahalata nyo ba na simula pa kanina ay hindi ako ang lumalapit sa kanya. Aba naman, sinu-swerte sya kung ako pa ang lalapit sa kanya. Sya kaya ang may kailangan kaya sya ang lumapit! J

Zeke: Ako!? Ang natatandaan kong kinain kaninang lunch ay: Beef steak and rice for the main course and for the dessert… buko pandan.

Talaga palang inaasar ako nito eh! Ang sarap nyang ingud-ngod sa pader! Hmp!

Lhian: Okay. [Tamang sang-ayon nalang!]

Ayoko nang makipagtalo pa sa kanya hindi naman ako mananalo tsaka mamaya pa nan madagdagan pa ang kamalasan na nangyayari sa akin.

Lhian: Ano bang kailangan mo at tinawag mo ako?

Zeke: Di ba dapat ako ang magtanong niyan sayo? Bakit mo ako hinahanap?

Lhian: FYI Hin---

Zeke: I heard you shouted my name. Tapos inakala mo pa  na yung isang lalaki na nakatalikod ay ako.

What? All along pala ay alam nito na tinatawag ko sya pero hindi man lang ito tumingin. Kaasar talaga oh!

Lhian: Alam mo na palang tinatawag kita, hindi mo man lang ako tinawag.

Zeke: I did call you.

Malumanay na sagot nito.

Lhian: Yes, you did! But its already to late. Napahiya na ako.

Wow naman… Parang tutulo na yung dugo sa ilong ko… Mag-english ba naman ako.

Zeke: Yeah I know. I’m sorry about that.

Weh? Totoo ba iyan? Narinig ko ba talagang nagso-sorry sya. I can’t believe it!

Zeke: Bakit parang ayaw mong maniwala na nagso-sorry ako sayo?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BROKEN PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon