Author's Note

7 0 0
                                    


Sa kasalukuyang panahon, may mga balitang madalas mangyari sa dilim, hindi man kababalaghan, pero tayo'y nasa panganib pa din. Ang mga nilalang na dating kinatatakutan, tila ba nagkubli na sa kasamaan ng mga tao pagkagat ng dilim. Sa halip na katakutan ngayon ang mga nilalang na nabuhay sa kwento lamang, ang ating pag-iisip ay nabahiran na ng kasamaan ng kapwa natin. Mga taong walang puwang sa kapwa tao. Mga taong nagkukubli sa dilim, naghihintay ng mga mabibiktima, at kinalaunan, lahat tayo ay natakot na sa dilim. Sa pang araw-araw na pamumuhay natin sa mundo, tayo ay natakot na sa kapwa tao. Sa bawat sulok na ating ginagalawan, laging may nakaambang panganib. Tao na ang takot sa kapwa tao, kahit hayop man o kalikasan, takot na din sa kasamaang dinudulot ng tao. Tayo ang dapat katakutan, dahil tayo lang ang may gawa ng mga bagay bagay na dapat kasuklaman.

Ngunit, tunay nga bang tao lang ang may kakayanan? Totoo bang may mga bagay talaga sa mundo na hindi natin kayang ipaliwanag? Totoo bang may mga nilalang sa dilim? Totoo bang tayo lamang ang dapat katakutan? O baka naman, sila ay naghihintay lang ng pagkakataon? Sila na noon pa man ay nag-aabang na, noon pa man ay kuwento na. Sila na kahit lumipas pa ang panahon, hindi nawawala sa bawat sulok, sa bawat kwarto, kahit saan ka man magpunta, katabi mo, hindi mo lang minsan maramdaman, hindi mo rin minsan makita at kung kailan akala mong wala kang kasama, katabi mo na pala sila.

Ito marahil ay isang kwento na kathang isip lamang ngunit hindi natin kayang patunayan na nasa isipan nga lamang. Walang ebidensya, walang mga pangyayaring naitala at wala ni isang makakapagpatunay. Pero sa sulok ng iyong isipan, mapapaisip ka, mararamdaman mong may mga bagay talagang hindi kayang ipaliwanag, lalo na sa sandaling ikaw ay nag-iisa. May mga bagay na sumasagi sa iyong isipan, nakakatakot, nakakagulat, at kahit gustong-gusto mo nang tumakbo at kahit saan ka man magpunta nandun pa din sa katinuan mo ang takot, andun pa din sila. Magsasabi ka sa iba, ngunit walang maniniwala. Nakadrugs ka pa ata, lasing o bangag ang mga pawang pangungutya sayo.

"Sori ka na lang, lakas trip lang" , ika nga.

Ito ang istoryang hindi man kayang manakot dahil kwento lamang, mapapaisip ka pa din kung pagtutuunan. Ito ang istoryang hango lamang sa kalibugan ng aking isipan. Totoo man ang mga pangyayari o hindi, ito ay kathang isip lamang. Kathang isip man o hindi, kaya mo bang patunayan? Ito ang istoryang aking napagtripang hamakin.

h:_

TAGOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon