Maingay, mausok, makikislap ang mga ilaw.
"Woo ... Yeaahh ... Let's paaarteeey." Sigaw ni Ana habang siya ay nagwawala na sa dance floor.
"Mga tol, lasing na ga si Ana, yayain na nating umuwe." sabi ni Julie sa barkada.
"Hayaan mu na yan, hehe" saad naman ni Miggy.
"Kapag napagod yan, uupo din yan. Mamaya na tayo umuwi, maaga pa ga."
It was a birthday celebration at a local pub ni Janine, and of course, naisipang yayain ang barkadang magkasiyahan. Sampu silang magkakaibigang lumaki sa ibat-ibang probinsya. Nagkakila-kilala noong high school students pa lamang sila sa isang paaralan at ngayon ay nasa huling semester na sila ng barkadahan sa kolehiyo. It was also their means of saying goodbye to college life. Mahaba-habang labanan din naman ang ginawa nila para lang makaabot sa ganitong buhay mag-aaral. Malapit na silang magtapos at magkakaroon na ng kanya-kanyang landas na tatahakin sa buhay kaya naisipan nilang mag "get-together" naman. Paminsan-minsan na nga lang silang magsama dahil bukod sa iba't ibang kurso ang kanilang kinuha, magkakaiba pa sila ng paaralan na pinasukan.
"WOOO! Lets Party!", patuloy na sigaw ni Ana.
"Hoy! Asan na regalo nyo? Dadaya nyu ga. (Hehe)", Sigaw ni Janine sa barkada habang lahat sila'y nagkakatuwaan.
"Oo nga pala noh? Hahaha", saad ni Ana sabay bumaling sa mga barkada at sumenyas.
"HAPPY BIRTHDAY TO YOU ... HAPPY BIRTHDAY TO YOU ... ", sabay-sabay na kumanta ang barkada at kinalaunan, pati ang ibang grupo ng mga kabataan sa pub ay nakisali na din sa katuwaan ng barkada. It was really a night to remember for them. It was the most memorable night ng barkada.
Alas dos trentay sinco ng mapagod ang lahat sa kanilang katuwaan. Kahit gustuhin pa man nang iba na manatili muna at magpakalasing, naisipan nilang pagbigyan si Janine sa hiling nitong tumambay muna sa paborito nilang tambayan.
Madilim ang kapaligiran at malamig ang simoy ng hangin. Mapapagmasdang walang kibo ang bawat halaman at puno sa daanan. May mga pakonti-konting poste ng ilaw sa kalye makatapos lumiko pakaliwa galing sa stoplight. Sa naturang kalye na kanilang tinatahak, tumbok nito kanilang dating paaralan. Sa harap ng gateng school nila ay may isang malaking puno ng balete kung saan tumatawid ang bakod ng kanilang paaralan. Sa ilalim ng puno, andun ang waiting shed na kanilang nais sariwain, mga ala-alang nais nilang balik tanawin.
"Nakaset na timer nyan, dalian mo posing na tayo para may maipang-profile ako sa FB", saad ni Janine habang hinahablot nya ang t-shirt ni Mark.
"Dahan-dahan naman, nasisira t-shirt ko", sagot ni Mark kay Janine at biglang yakap naman nito sa dalaga. "Lika nga dito".
"Uuy, kayo ha. May something something na pala kayo, kelan pa?", kutya ni Ana sa dalawa habang nagpo-pose sa ilalim ng shed na malimit nilang tambayan.
"Ikaw naman Ana, manyapa't nasa Diliman ka lang, di mo na nabalitaan na sila na. Anniversary kaya nila ngayon. Hahaha", pangungutya ni Elaine kay Ana.
"Weh? Di nga? Ba't di ko alam. Ang daya nyu ga. Si Ian lang naman mahilig mag-text saken eh", sagot naman ni Ana na tila ba parang matutumba na sa kinatatayuan.
"Hayaan mo na mga yan, eh saken nga, naturingang ka-housemate daw?", tugon ni Ian sabay alalay kay Ana sa kanyang kinatatayuan.
"Woo, nalasing lang si Ana, kung makaakbay ka nama'y inam. Woo" sigawan nina Nash, Patrick at Miggy.
"Oi, oi oi, tama na nga yang mga ligawang isyu na yan." Dumating si Caloy sakay ng kanyang kotse na may dala-dalang mga inumin. "Eto namang si Ian, di pa ako sinamahan, if alam ko lang gusto mong masolo si Ana, eh di dapat dito kayu sa likod ng kotse, di ko pa kayu inabala. Idadaan ko pa kayo sa sunud-sunud na humps." Nakangiting sabi ni Caloy kay Ian habang pinamimigay ang mga dalang inumin sa barkada.
BINABASA MO ANG
TAGO
Mystery / ThrillerMay mga kwento o istorya tayong madalas na marinig at mapag-usapan tuwing sasapit ang dilim. Mga kababalaghang nangyayari at mga kaganapang di sukat akalain lalo na sa pagsapit ng gabi. Mga kwento ng di-ordinaryong mga nilalang at mga istoryang naba...