"Aray!" Binunggo ako nung isang may edad na lalaki.
Magte-text na sana ako sa class president namin ng kapain ko ang cellphone ko sa bulsa ko ay wala ito rito at hindi ko alam na nanakawan na pala ako at naisip ko agad na nakuha nga iyon nung lalaki kaya minabuti kong habulin ito.
"Magnanakaw! Harangan n'yo po siya ninakaw nya cellphone ko! Magnanakaw! Magnanakaw! Ibalik mo cellphone ko" Patuloy parin ako sa pagsigaw at pagtakbo papunta sa magnanakaw pero hindi ko sya maabutan at nawala na lang sa paningin ko sa hindi inaasahang pagkakataon napadpad na pala ako sa labas ng mall kakahabol sa kamya at wala akong kaalam alam na muntik muntikan na pala akong masagasaan kung hindi lang ako hinatak ng isang lalaki na medyo ka-age ko lang at sa lakas ng paghatak niya ay napayakap na lang ako. tumigil ang aking mundo habang magkayakap kami. Bigla na lang bumilis ng tibok ang puso ko hindi dahil sa kaba na muktik na akong masagasaan kundi sa pagkakayakap ko sa kanya.
"Are you crazy?! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?! Magpapakamatay ka ba beause of that fucking cellphone?!" Sigaw niya sa akin habang kumakalas sa pagkakayakap.
Samantalang ako ay tulala pa rin at iniisip kung bakit ako nagkakaganito. At noong masilayan ko ang kanyang mukha ay tila ba nag-slow motion naman ito. Hindi tumagal ay nahimasmasan na ako dahil tinapik tapik niya ako. Laking gulat ko pinagtitinginan at napalalibutan na pala kami ng maraming tao. Akala mo'y nanunuod sila ng isang drama sa mga palabas. Bigla na lang siyang umalis at pinuntahan yung babaeng kasama niya. Ni hindi ko man lang naitanong kung ano ang pangalan niya.
"Sa-s-salamat!" Yan na lang ang lumabas sa labi ko dahil ang layo na niya hindi ko alam kung narinig niya ito dahil hindi man lang siya lumingon.
--------
Sana po magustuhan nyo ito. Maraming salamat sa magbabasa nito, kahit iilan lang masayangasaya na ko doon :)