Mickail's POV
"Good morning, my name is Mickail Allan Cantroñarez, 17 years of age, from Villa Carmeli Subdivision., Olivarez, Tagaytay and I believe that the best way to express who you really are is trusting yourself." Pagkatapos kong magsalita sa harapan ay dali-dali na akong nagtungo sa aking upuan at nagpunta na rin sa harapan ang kasunod ko.
"Hello! My name is Maurine Anne Laniccio, 18 years of age, from Cupang, Balanga City, Bataan, and I believe that you can learn good things when you open your mind with heart." Sambit niya at sunod sunod na hanggang sa makatapos ang lahat.
"Ok class for sure naman ay nagkakila-kilala na kayo. Kung saan kayo naupo ay iyan na ang seat plan natin. That's all for today!" Sabi niya at sabay alis na.
Naging magkasundo naman kami kaagad ni Yuri dahil magaang naman daw ang loob niya sa sakin noong una palang kaya sa sakin na siya agad tumabi, oo siya si Maurine Anne Laniccio, Yuri daw ang tawag sa kanya ng mga nagiging kaibigan nya. Well masasabi ko namang kasing ganda niya ang pangalan niya iyon nga lang ay hindi kami talo.
"Tara libutin natin yung school" pagaaya ni yuri sa'kin.
At dahil sa mahaba-haba pa ang vacant namin ay naglibot-libot na muna kami sa buong school para hindi kami mabored. Habang hatak-hatak niya ako hinahanap namin yung lugar kung saan may tugtugan at napadpad kami malapit sa may field at nakita namin kung saan naroroon ang mga booth. Ito ay booth for any clubs na gusto mong salihan like dance club, theater club, soccer club, lawn tennis club, basketball club, volleyball club, archery club, football club at marami pang iba. Sa bawat dinaraanan namin ay inaabutan kami ng mga fliers/brochures na may nakalagay kung ano yung mga achievements nila at mayroon ding forms para fill-up-an kung gusto mo sa club nila.
"Sandali lang gusto ko sumali rito" sabi ko sa kanya at huminto kami sa may tapat ng volleyball club.
"Volleyball din pala yung sport mo" aniya at naki-fill-up na rin. "Ang dami ng sumunod sa pila natin ohh! Ang gwapo kasi nung kasama ko. Head turner! Haha" biro niya pa sa akin at paglingon ko ay marami na ngang mga babae at lalaking kasunod namin.
"Baka dahil sayo kita mo mga sa likuran natin na mas marami pang lalaking mga nakapila kaysa sa mga babae oh!" Pabulong kong pangaasar na sinabi sa kanya at tila ba namutla pa ito.
"Ha?! Hindi ahh" pagkait pa nito sa sakin. "Bilisan mo na nga diyan at Tara na nga roon sa may mga banda maki party party tayo. Wooooah!" Dagdag pa nito tila ba iniiba yung usapan.
Matapos kong fill-up-an ay nagpunta na nga kami roon kung saan maraming nagpaparty-party at ang saya lang ng first day of school namin.