Hindi naman sa pagmamayabang ako ay galing sa isang masaganang pamilya, yung hindi gaanong kahirap at hindi rin gaanong mayaman. Nung bata pa lamang ako ay alam ko na kung ano ba talaga ako at nakikita naman ng mga magulang ko kung paano ako kumilos kaya hindi na rin sila nagtataka kung ano ba talaga ang kasarian ko at tanggap naman nila iyon. Pasalamat na nga lang ako kasi kahit papaano hindi sila yung binubugbog pa ang kanilang anak kapag nalaman nilang beks/bakla/baklush o ano pa man ang tawag sa mga katulad ko. Sa totoo lang hindi naman ako yung baklang bakla kapag tinignan mo, kapag nagsalita pa lang ay dun mo pa lamang malalaan ito. Pero may pagka-gentleman parin sabi nila.
*tok! tok! tok!*
"Gumising kana at male-late kana hindi ka pa rin nakakapaligo panigurado nyan" yan ang mga katagang narinig ko na magmumula sa may pintuan at napagalaman kong ito pala ay si Manang Joselita at pumasok na sa aking silid.
Pagka mulat ng aking mga mata ay nagtaka ako bigla kung bakit madilim ang paligid. At na pagtanto ko pa lang may suot akong eye-mask kaya tinanggal ko iyon. Sa pagkakatanggal ko nito nakita ko nga ang nakasisilaw na sinag ng araw mula sa bintana, kaya sumakit ang aki mga mata na dulot ng galing sa madilim at sa biglang pagliwanag.
"Opo, gagayak na po ako" ang ang tugon ko sa kanya.
Siya nga pala ay si Manang Joselita na mula ng ako'y ipinanganak ay siya na ang umasikaso sa akin kaya tinuturing ko na rin siyang pangalawang magulang ko marahil ang aking mga magulang ay sadyang napaka-busy sa kanilang trabaho.
Pagkatapos kong gumayak ay bumaba na ako at nagtungo sa aming kusina para kumain.
"Oh nandiriyan ka na pala. Umupo ka na diyan at ihahain ko na tong niluto kong almusalan mo." Aniya ng makita ako pababa ng hagdanan.
"Salamat po manang, paki sabihan na rin po si Mang Agosto na pakihanda na ang sasakyan." Sabi ko ng matapos niyang hinanda sa aking harapan ang mga pagkain.
Pagka hatid sa akin ni Mang Agosto sa aking skwelahan ay dali dali kong hinanap ang classroom ko, 1st day of school nga pala ngayon at kakatungtong ko pa lang sa college. Napadpad ako sa ibang department lulan ng baguhan lang ako rito at sino ba naman ang hindi maliligaw sa laki ng school na pinagenrollan ng magulang ko. Sa business partner daw nila ito kaya dito nila ako pinagaaral dahil isa ito sa pinakamalaking university dito sa bansa at isa pa ay libre lang lahat ng gastusin ko sa pagaaral. Pak na pak 'di ba. At ng mapadpad a ako sa department namin sadyang mapapangha ka na kang sa ganda ng bawat building dito high class na high class talaga parang yung nakikita mo sa Hollywood movie kumpleto talaga ang mga facilities nila. Kung iisipin mo mga daang libo rin ang gagastusin mo rito kada semestre.
Pagkadating ko sa classroom namin ay may mga tao na. Doon ako sa may dulo umupo dahil may 3 rason ako. Una, wala pa akong kilala dahil bagong salta lang ako rito kaya para makita ko silang lahat ay sa likuran na ako pumwesto. Ikalawa, shy type ako, at ang ikatlo ay kinakabahan ako dahil baka mamaya mga terror pala ang mga professor dito. Di ko na malayan na may katabi na pala ako sa gawing kanan ko, may pumasok na professor at kung titignan mo ito ay parang masungit.
"Good morning class. I'm Ms. Annika Gonzales you can call me Ms. Nika na lang. mukha lang akong masungit pero mabait talaga ako *wink*" pagbungad niya sa amin at lahat naman ay napangiti/napatawa at yung ibang mga lalaki kong kaklase ay pawang nahumaling sa kanya dahil sa kagandahan nitong taglay.
"Sa ngayon I want you to introduce yourself dito sa front, tell your age, where you from and motto" dagdag pa niya
"Ahhhmm mas masaya siguro kung sa hulihan tayo mag-start" aniya at tinuro ako bigla tuloy akong nawalan ng lakas dahil nga shy type ako at ako pa ang unang magpapakilala sa harapan.
"Aah-hmmm-mm-maa-aam ma'am pu-pupwe-de-de po bang di-dito na la-ang?" Nauutal-utal kong sagot sa kaniya
"No. Gusto ko dito sa front. Dahil firstday nyo I want you to face your classmate para hindi sila mahirapan kakabaling ng ulo baka mamaya magka-stiff-neck pa sila." Sambit niya at napa-tango na lang ako.
Nagpunta na ako sa harapan na kabadong kabado pa. Sinubukan kong magisip ng masasayang bagay at inisip kong close ko na silang lahat para hindi ako kabahan at hindi naglaon naging ok na ako sa harapan.
"Good morning, my name is ....."