"Angel! Sali ka!" Napatingin agad ako sa kaklase kong tumawag sakin.
Almost lahat sa kanila ay naglalaro na ng I Love You I Love You. Yun bang mahilig laruin namin nung elementary pa lang kami.
"Manonood lang ako!" Masayang saad ko nalang sa kanila pabalik kaya pinilit ako ng isang kaibigan ko na sumali.
"Sige na Angel! Break time naman eh at mamaya pa babalik si Sir kaya bilis bilis na!" Napatawa na lang ako at sumali na lang. Gusto ko rin naman eh. Nagpapapilit lang hahaha.
Actually grand rehearsal namin mamaya sa cheerdance para sa Sportsfest kaya todo practice kami sa old auditorium. Grade 8 pa lang kami pero we are looking forward to win this competition. Wala kaming sasantuhin no!
Napatingin ako sa mga kasama ko na halatang ineenjoy ang pagbalik sa pagiging bata. Matagal tagal ko na rin hindi nalaro ito kung kaya tahimik lang ako sa gilid nang mag-umpisa na ulit ang laro.
Habang lumilipas ang oras, minsan nagiging taya ako kaya ihahagis ko ng todo o kaya sobrang hina yung tsinelas na dala ng kaklase ko kung kaya hindi nila ito masalo.
"Andaya naman eh!" Nakasimangot na sabi ng isa sa mga kaklase ko.
"Hahaha bakit? Di kaya ako lumilingon" natatawang pangatwiran ko nalang dito.
Sinenyasan ko muna sila na maglaro habang wala ako at tinabihan ko ang bestfriend ko.
"Palene, ayaw mong sumali?" Tanong ko dito kaya umiling na lang ito habang nakangiti.
"Huwag na. Ang sarap niyong panoorin." Sabi nito habang sinusundan ng mata niya ang tsinelas.
"Weh? Kami ba o si John?" Sabay nguso ko sa crush niya na isa sa mga naglalaro rin ngunit nasa likuran.
Si John transferee sa year level namin, pero malakas ang appeal nito sa mga kababaihan.Basketball player rin ito kaya pwede ng pagtiyagaan. At isa pa, okay lang sana siya, pero hindi ko na trip. Lalo pa at may gusto ang kaibigan ko sa kanya kaya wala na siya sa listahan ko. Mahal ko bestfriend ko no!
Umiwas na lang ng tingin si Palene kaya napahalakhak na lang ako. Bumalik agad ako at naglaro na ulit.
Biglang hinagis ng tayang kaklase ko yung tsinelas at tamang tama sa direksiyon ko ito papunta kaya sasaluhin ko na sana ito ng may isang kamay na biglang sumulpot sa harap ko. Kaya yung resulta, imbes yung tsinelas ang masalo ko, yung kamay ng lalaki kong kaklase yung nahawakan ko.
Yung tsinelas? Ewan ko kung saan na tumilapon yun.
Hindi ko alam pero parang tumigil ang inog ng mundo ko dahil sa takot. Yun ba yung sinasabi nila na tumitigil ang oras? O kaya dahil kelangan namin talagang maging statue para hindi maging taya? Magseselos si Palene nito!
Nag-ayie silang lahat sa amin ni John kaya ako na ang unang bumitiw at ako yung naging taya. Kasi naman, mag-aayie sila tapos di man lang gumalaw.
Paano ba to nakapunta sa harapan? Kanina lang na sa likuran pa ito. Napatingin ako kay Palene and gave her an apologizing look.
"It's okay" she mouthed habang nakangiti pa rin pero hindi nakatakas sakin yung selos na dumaan sa mga mata niya.
Maya maya ay naulit na naman na nahawakan ko ang kamay nito ngunit dampi lang dahil agad kong binawi ang kamay ko.
"Nakita ko yun!" Bulong sakin ng kaklase ko sa gilid. Napalingon agad ako kay Palene na nagmamadaling inayos ang mga gamit niya.
Pinuntahan ko agad ito at hinabol hanggang makarating kami sa hagdanan.
"Palene sandali!" Pigil ko dito kaya lumingon siya sakin
"Alis muna ako Angel. May emergency sa bahay." Sabi niya pero iniiwas ang tingin sakin.
"Palene sorry. Promise hindi ko sinasadya." I told her. Aksidente lang talaga yung twice na mahawakan ko ang kamay nun.
"I know. Sige na una na ako!" She said and hurried down the stairs. Napabuntong hinga nalang ako at bumalik na sa loob.
"Nasan si Palene?" Tanong ni Rafael. Isa sa mga kaklase ko rin.
"Umuwi na. May emergency daw eh" kibit balikat ko kaya napatango tango na lang ito.
"Maglalaro ka pa ba?" Tanong nito sakin kaya umiling na ako. Baka maulit pa 'yun.
"Pagod na ko. Baka hindi na ko makasayaw niyan mamaya kapag naglaro pa ko." Sabi ko dito sabay tawa.
"Hoy! Ako na magsub kay Angel! Pagod pa siya eh" sigaw niya sa mga naglalaro kaya pinasali na siya.
Tinitingnan ko na lang sila habang naglalaro. Kasi naman, hindi ko maiwasan sisihin sarili ko. Ang liit ngang problema yun pero knowing na baka nagselos yung bestfriend ko dahil dun, I can't help but feel guilty.
Nabigla ako ng biglang may sumalpok sa ulo ko kaya tiningnan ko ng masama kung saan nanggaling ito.
"Angel sorry! Haha napalakas eh" sabi ng taya. Tsinelas pala yun.
Napatingin ako sa kabila kung saan napunta yung tsinelas ngunit halos maduling ako ng makita ang mukha ni Rafael na sumalubong sa harap ko. Ba't ang fugi bes?!
Ang lapit lapit nito at hindi ko maiwasang malanghap ang hininga nito. Ang bangooo!!
Hindi maiwasang sumikdo ang dibdib ko kaya tumayo na agad ako para lumayo sa mga naglalaro.
"Habulin ka talaga ng tsinelas!" tukso sakin ng kaklase kong babae kaya mabilis ko ng nilisan yung audi at bumaba na. Parang wala ng balak bumalik yung sir namin.
Maya maya ay bumalik na ko sa taas at mukhang tapos na silang maglaro lahat. Pawisan silang lahat kaya naupo na ako sa sahig para samahan sila.
"Pwede pasandal?" Nabigla ako ng marinig ko ang boses ni Rafael sa likuran ko kaya napalingon agad ako dito.
"A-ah sige." Payag ko dito ng masiguradong ako yung tinutukoy niya. Tumalikod na ako para makasandal siya sa likod ko. Nanatiling akong istatwa dahil kapag gumalaw ako eh magreklamo bigla ito.
Eh ano naman kung magreklamo yan?! Likod mo naman yan Angel!
Maya maya ay nagsalita ito. Hindi naman kami pinansin ng ibang kaklase namin dahil kumbaga wala lang ito sa amin. Wala lang ito samin.
"Laro tayo mamaya?" Paanyaya nito sakin. Hindi ba to marunong mapagod?
"Ng alin?" Tanong ko dito habang nanatili kaming magkatalikod sa isa't isa.
"I love you" Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Hindi ko alam pero ganun nalang ang epekto nun sakin.
Tumayo na ito at wala pasabing umalis sa likod ko habang ako naman ay natulala na lang sa maliit na crack ng sahig.
------
Hello sa lahat! Okay lang ba? Inspired po to sa real experience nung bata pa ko. Dinugtungan ko na lang ng ibang scenes para matuloy yung love story! Kung nababasa mo to ngayon peace tayo hahaha lalabyu bestfriend ko!! Pramis accident talaga yun pero thrice yun. Minimize ko lang hahahaha.
BINABASA MO ANG
ILY times Two (One-shot)
Teen FictionNarasan niyo na bang maglaro ng I Love You I Love You? yung ihahagis ng kaklase mong taya na nasa harapan yung tsinelas at kapag walang makasalo ay hindi kayo dapat gumalaw? Yung kapag nasalo niyo ang tsinelas na katumbas ng salitang I Love You ay k...