Time: Two

12 0 0
                                    

Hindi ako nagseselos! Promise hindi talaga!

Bestfriend mo yun Palene! Ano ka ba!

"John!" Lumaki agad ang mata ko ng marinig ko ang pangalan ni John sa likod. Pal, omo anjan crush mo oh! Huwag kang lilingon bakla!

Kababalik ko lang ngayong hapon. Hindi kasi kami pwede mag-absent dahil final rehearsal na ngayon kaya kahit late na, sinubukan ko pa ring makaabot. Swerte ko at Elementary pa lang ang nagpeperform.

Alam kong aksidente lang naman yung nangyari kanina kaya dapat wala na yun sakin. Konti lang naman ang nakakaalam na may gusto ako dun atsaka gusto lang yun. Kaya yaan na.

"Oh?" Rinig kong bagot na sagot ni John dito.

Hindi ko alam kung bakit pa ako andito. Narinig ko lang pangalan niya parang nagfreeze rin ako.

Yung totoo, tapos na ba talaga kayo maglaro ng I love you I love you?!

Napalunok nalang ako ng ilang beses at naglakad na paalis.

"Angel!" Tawag ko sa babaeng tulalang nakaupo sa sahig. Problema nito?

Hindi man lang ako nito pinansin at nanatili sa ganung pwesto. Napataas na lang ang kilay ko.

May kasalanan ka pa sakin! Nahawakan mo kamay ni crush not only once, BUT TWICE!

Napailing agad ako. Ilang beses ba na kelangan kong iremind sa sarili ko na aksidente lang yun?

Kitang kita ko kanina kung paano hinabol ni John yung tsinelas mula sa likod. Lahat kami parang naestatwa rin nung makitang nagkahawakan sila ng kamay. Mabuti at naunang nakabawi yung isang kaklase namin baka kasi hanggang ngayon di pa rin kami nakagalaw.

Tinampal nito ang sariling noo at unti unting napalingon sakin. Tinakbo agad ni Angel ang distansiya namin at sinalubong ako nito.

"Kamusta sa bahay niyo?"

"Ayos lang. Bumisita si kuya kanina kaya minadali nila ko. Alam mo naman yun, may sarili ng pamilya" napatango tango na lang ito sa paliwanag ko.

"Uy diba si John at Carmella yun?" Nguso naman nito sa kaliwa kaya napalingon agad ako.

Nakita kong nagtatawanan yung dalawa kaya umiwas na lang ako ng tingin.

"So?" Pawalang-bahala na tanong ko kay Angel.

Hindi ko ipapakitang apektado ako, para saan pa? Ang landi talaga ng John na yan!

Iginiya ako nito sa Cr nang makasalubong namin ang isang kaklase namin na panay halik sa tissue paper.

"Angel! Pal! Tingnan niyo!" Nakangiti pang pagmamalaki nito samin habang akap akap yung tissue paper.

"Anong meron?" Takang tanong ko dito pero ngumiti lang ito at mas hinalik halikan pa yung tissue.

"Bigay sakin ni John. Pawisan na kasi ako kanina at wala akong towel kaya inoffer niya to sakin." Napatawa na lang ako dito. Maraming nagkakagusto dun kaya minsan matatawa ka nalang sa mga pinanggagawa ng mga katulad mo. Mas mabuti nalang at di pa ko ganun kalala hahaha.

Naghuhugas ako ng kamay habang si Angel naman ay panay ang lingon sa labas habang pinaglalaruan ang tubig at hindi mapakali.

"Okay ka lang?"

"Oo hahaha baka kasi tayo na ang magpeperform" sabi nito kaya mas minadali na namin ang paghugas ng kamay.

Tamang tama na pagdating namin ay Grade 7 na ang nagpeperform. Habang nanonood ako, bigla akong kinuwit ni John kaya napalingon ako sa pwesto niya.

"Anong oras na?" Tanong nito kaya napatingin ako sa cellphone ko.

"Two" maikling sagot ko dito at pinagpatuloy na ang panonood.

"Two?" Nilingon ko ito nang marinig na patanong niyang inulit ang sinabi ko. Nakakunot na ang noo nito at para bang may naalala.

"Oo. Two o'clock. Bakit?" Tanong ko dito ngunit umiling lang ito at nanood rin ulit. Nagkibit balikat na lang ako at tumayo na nang makitang sinesenyasan kami sa gilid ng backstage.

"GUYS TAYO NA DAW!" tawag pansin ko sa lahat kaya tumayo na rin sila at sabay sabay kaming pumunta dun.



Two o'clock kinaumagahan nang biglang magring ang cellphone ko. Agad ko itong binuksan ng makita ang pangalan ni John dito. Sinilip ko muna ang na sa ilalim ng double deck at nakita kong tulog pa si ate kaya mahina kong sinagot ang tawag.

"Hello?" Papunas punas pa na bati ko dito.

"Nakadisturbo ba ko?" Ang ganda ng boses ni John.

"Hindi naman. Napatawag ka?" Sabi ko na lang dito at naupo sa kama. Narinig kong nagbuntong hinga muna ito bago magsalita ulit.

"Di ako makatulog eh" Parang natatawa pero nadidismayadong sabi nito kaya napataas yung dalawang kilay ko.

"Insomnia?"

"Di rin hahaha"kinikilig akong isipin na ako yung tinawagan niya ngayon para makausap. Sino bang hindi? Usapang crush yan!

"Antok ka pa ba?"  Maya maya'y tanong pa nito na hinindian ko naman agad.

Nag-usap pa kami hanggang sa nauna na itong dinalaw ng antok pasado alas tres kaya kalauna'y nagpaalam na siya. Habang ako naman, hindi na ata ako makakatulog sa kilig.





Pal, punta ka dito sa classroom ngayon! Bilis!

Ito ang laman ng message na natanggap ko galing kay John kaya lakad takbo ako ngayon papuntang classroom. Two o'clock ulit. Unti-unti ko ng napapansin na mahilig kami sa two. Kada alas dos may nagaganap talagang maganda!

Nang makarating ako dun ay nakita ko na nandun siya at ang ibang mga kaklase namin. Nakita naman agad niya ako at mabilis akong niyakap na ikinabigla ko.

Am I too good ?! Gosh!

Tumitiling tanong ko sa sarili. Ilang segundo pa bago ako nakabawi sa pagkabigla kaya bumitaw na ako sa yakap nito.

"Anong problema?" Pigil ngiting tanong ko dito.

"Wala nakatingin si Carmella" bulong nito sakin sabay nguso sa likod ko.

Nabigla man, hindi ko na ipinahalata. Akala ko kasi,



Akala ko kasi ako!



"A-ayy hahaha ikaw ha? May gusto ka pala kay Carmella" tukso ko na lang dito habang iwas ang tingin sa kanya. Mukha man akong tangang nakayuko pero di ko alam kung pano makitungo.

Tinaas ko ang mukha ko at nakita kong namumula ang tenga nito.



Kinikilig ang crush ko


Pero hindi sakin. Hindi dahil sakin.


"Shh lang Pal. Tayo tayo pa lang nakakaalam niyan ha?" Pakiusap nito habang nakalagay sa harap ng bibig niya ang sariling hintuturo.

Pinilit kong tumango ng ilang beses para ipakitang sang-ayon ako. Oo, masakit siyempre kasi umasa ako. Crush ko 'yung tao eh!

"Ikaw ha!" Mamaya tukso ko dito sabay halakhak na lang.


Itawa mo na lang Pal, past two rin naman eh. Tapos na ang Two o'clock niyong dalawa.



Sapat na ang tatlong beses na Two o'clock para maranasan mo ang hindi mahipahiwatig na I Love You.


Yung ikaw lang ang nakaalam sa inyo.






Siguro sapat na yun.










------

A/n: How's the second story po? Hahaha sorry sa ending atsaka  free ending yan so any type na gusto niyong katapusan pwede jan XD.  Done na tong libro yey!!

Don't forget to vote and comment po! Salamat!




-nmp

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ILY times Two (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon