CHAPTER 5

2 0 0
                                    

  Nandito ako ngayon sa supermarket na pinagtatrabahuan ko sabado ngayon at walang pasok kaya nagtatrabaho ako.

"Good Morning Sir"bati ko sa lalaking nagpacounter nakajacket ito at nakashades, matangkad din ito at sa hitsura nito ay gwapo ito.Busy ito sa pagkalikot sa kanyang cellphone.

"It's 536 pesos sir"sabi ko dito

"hey sweetie why are you here? youre working as a cashier?"mahabang pag-eenglish nito teka parang kilala ko ang boses nito ah.

"Nathan?"tanong ko dito at tinanggal naman niya ang shades na gamit.

"hey sweetie you don't have enough money to buy food so that you worked here?"

(A.N:sorry sa wrong grammar) 

"oo nagtatrabaho ako dito bakit may angal ka?"galit na sabi ko sa kanya.

"Then how did you enter Brindleton if you don't have money?"tanong nito sa akin

"wala ka atang bilib sa akin scholar ata to"mayabang na sagot ko sa kanya.

"At tsaka wag ka ngang mag-english nasa Pilipinas ka wala ka sa ibang bansa".

"Ms. kung gusto nyong magkuwentuhan ng boyfriend mo mas mabuting mamaya na dahil  

   nagmamadali kami"sabi ng aleng kasunod lang ni Nathan at tsaka ano daw? boyfriend? mukhang maguguho muna ang mundo bago mangyari yun.

"Umalis ka na nga at teka bayad mo"sabay lahad ko ng palad ko sa kanya agad naman siyang kumuha ng 1000 sa wallet niya.

"Keep the change"sabi nito.Wow! grabe talaga ang mga mayayaman madali lang sa kanila na aksayahin ang pera.Umalis na nga ito at nagpatuloy na ako sa aking trabaho.

*FASTFORWARD*
Nandito ako ngayon sa cafeteria at kasalukuyang kumakain nang may isang lalake ang tumabi sa akin gwapo siya,maputi,matangos ang ilong at mukhang matangkad.

"Hi"ako ba ang kinakausap nito?.

"H-hello"bati ko sa kanya.

"my name is Lexis and your Ashly right?They are wrong your not ugly but beautiful"puri nito sa akin.Napayuko naman ako dahil sa hiya.

"Ashly aalis na ako see you around"paalam nito sa akin pero ang mas nakakagulat ay niyakap niya ako at hinagod ang likod bakit naman kaya?.Agad naman siyang umalis nakangiti tapos na akong kumain kaya umalis na ako para pumunta sa room ko. 

****

  Naglalakad ako ngayon dito sa hallway pero hindi ko maintindihan bakit parang lahat ng students dito ay nakatingin sa akin at nagtatawanan pa sila?

Bigla naman agad na may umakbay sa akin at pagtingin ko parang uminit bigla ang mukha ko.Anong ginagawa niya?.Bigla naman siyang huminto at parang may kinuha sa likod ko, pagkakuha niya ay isa itong papel may nakasulat dito pero hindi ko na nabasa dahil agad niya itong nilukot at itinapon.Agad naman siyang humarap sa mga tao.

"WHAT ARE YOU LOOKING AT?"sigaw niya dito
Agad namang nag-iwas ng tingin ang mga estudyante, ano ba naman siya ba't parang highblood naninigaw nalang agad-agad.Bigla naman siyang humarap sa akin at parang natakot naman ako bigla sa kanya.

"And you"turo nito sa akin

"Come with me"agad siyang tumalikod at ako naman tong tanga sumunod sa kanya, ano ako aso?.Nagtungo kami sa classroom at pagpasok namin sa classroom

"ALL OF YOU GET OUT!"sigaw niya sa mga classmates namin

Agad namang naglabasan ang mga classmates namin at ang mga gago sinara pa talaga ang pinto ano ba sa kanila ang gagawin namin?

"Do you want to know why are the students are laughing at you?"tanong niya sa akin habang naka upo sa may bintana ang gwapo niyang tingnan lalo pat nakatingin siya sa labas matangos na ilong, matataas na pilik mata at mapupulang labi

"I know I'm handsome but its rude to stare"sabi nito ng may mapang-asar na tono

"Kapal mo, hangin mo dude ikaw gwapo? saan banda?"sabi ko dito
Tumayo siya at lumapit sa akin habang ako naman ay paatras hanggang sa naramdaman ko na lamang sa aking likod ang malamig na pintuan wala na akong iba pang maaatrasan, nakalapit na siya sa akin at ang mga kamay nya ay nasa magkabiling gilid ko na unti-unti ring lumalapit ang mukha niya.Hahalikan na ba niya ako?.Mawawala na ba ang first kiss ko?.Patuloy parin sa paglapit ang mukha niya unti-unti narin akong napapapikit naaamoy ko na ang hininga niya alam palapit na ang mukha niya pero-




   "You should have seen your face"bulong nito sa may tenga ko agad naman akong napamulat nang marealize kung ano talaga ang nangyayari mukha akong tanga na umaasang hahalikan niya ako.Agad naman siyang lumayo sa akin at pumamulsa.

"Your too obvious sweety"sabi nito at tsaka lumapit ulit sa akin

"Oops hanggang diyan ka na lang"sabi ko dito eh baka sa susunod hahalikan na niya ako

"Tumabi ka na nga, I'm not gonna kiss you"sabi nito sa akin.Agad naman niyang binuksan ang pinto at sa pagbukas niya ay may nagsitumbahan na mga kaklase namin na mukhang nakikinig pa sa usapan namin

"At bakit kayo nakikinig sa usapan ng may usapan?"galit na sabi niya sa mga kaklase namin na ngayon ay nakayuko na mukhang mga takot pa ang kanilang mga mukha.

"Tabi"humati naman sa gitna ang kumpulan ng mga estudyante at dumaan siya sa gitna nito na parang isa siyang maharlika.

Napaupo na lang ako sa aking upuan at natulog na lang nakakapagod ang araw na ito ano bang ginawa ng lalaking yun sa akin?









*******************  

VOTE NAMAN KAYO GUYS...............

Brindleton Academy:School of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon