0.027

187 49 1
                                    


Napasulyap ako kay Ate Sapphire nang binigyan niya ng tubig si Desteen dahil nabilaukan siya sa pagkain ng fried chicken and rice ng Jollibee. Agad ininom ni Desteen ang tubig bago niya hinahaplos ang kaniyang dibdib. Umupo si Ate Sapphire saka niya tiningnang maigi si Desteen, "Ayos ka na?" tumango si Desteen.

"Oo, salamat, Saf," Ate murmured her thanks before she turned her gaze towards mom and dad.

"Sa nga pala, ma, pa... gusto ko sanang mag-stay muna si Desteen sa bahay natin," halos malaglag ang panga ko sa sinabi ni ate. Napatingin agad ako ng diretso kay Desteen na nakangiti.

"Oh, 'yon lang ba? Walang problema sa amin, anak. Hindi naman kayo magtatagal at babalik din naman kayo sa New York kasi doon ka nagtratrabaho at itong si Desteen, doon nag-aaral." ani mama.

"Opo, tita," sagot ni Desteen, "After two months na rin kasi ang graduation namin, kaya uuwi rin ako agad."

Seryoso talaga? Titira kami sa iisang bubong? Simula kaya n'ong sinabi niya sa akin ang nararamdaman niya kay Zero, hindi ko na nagawa siyang kausapin pa ulit at simula n'ong dumating sila ni Ate kani-kanina lang ay 'ni hindi niya rin ako tiningnan o kinausap man lang.

"Mabuti naman," I suddenly butt at napatingin silang lahat sa akin. I smiled at her and she returned the smile.

"Sana maging maayos kayo since magkakaibigan din naman kayo for a long time, eh," mom said, "Hindi kayo magiging awkward," she beamed at me then to Desteen.

Iyon ang akala mo, ma. Ngayon pa nga lang, eh, ang awkward na. Lalo na kaya iyong ideyang araw-araw ko na siyang makikita? Naku, ewan ko nalang.

I fake a smile before we continued eating.

chocoholic.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon